Epilogue
Palakad lakad si Leilani sa salas, nairita na ama niya kaya pinapaupo niya ito. "Why don't you sit down and watch TV with me" sabi ni Conrad. "Daddy he has not texted me for one whole day" sabi ng dalaga.
"Sit" sabi ni Conrad pero ang dalaga nagtungo sa kusina para nanay naman niya ang kulitin niya. Tumakas si Lorna at naupo sa tabi ng asawa niya kaya si Leilani nagtimpa ng juice. "Bakit ganon ba yon? Pag boyfriend mo na hindi na siya magtetext?" tanong ni Leilani kay Keng.
"Is he your boyfriend already?" tanong ni Lorna. "Ah.." bigkas ni Leilani sabay namula kaya napalingon parents niya. "Yes, but...I think so...I mean..yes he is my boyfriend" sabi ng dalaga ng madiin kaya napangiti mga magulang niya.
"I like him" sagot ni Conrad sabay humarap sa TV. "How about Harry?" tanong ni Lorna. "You know that he is not my boyfriend, he is just helping me out but you know something weird happened. He removed our status in Facebook. I think he too likes Jay" pacute ni Leilani.
Nanatiling nakalingon sa kanya ang kanyang mga magulang, si Leilani lumapit dala baso niya. "Are you really okay with Jay?" tanong niya. Bago nakasagot mga magulang niya nabitawan ng dalaga yung baso ng juice. Titig ang dalaga sa TV kaya humarap ang mga magulang niya.
Nakita nila ang isang picture ng lalake na matagal na nilang hindi nakita, ang lalakeng nagdulot ng matinding pighati sa kanilang pamilya. Lumapit agad si Keng at niyakap si Leilani para ilayo ito. Bago sila makalayo naipakita sa screen ang isang video kung saan dinadala ng mga medics ang isang duguan na Dennis papasok ng ambulance.
"Keng teka" bulong ni Leilani, lumapit siya sa sofa at pinanood nilang lahat yung news. Sumunod na video nagpapakita kay Dennis sa loob ng kwarto sa ospital kung saan nakaposan na ang kanyang mga kamay sa kama kaya nagsimula nang tumulo ang mga luha nina Lorna at Leilani.
"Natagpuan na duguan at halos walang malay itong si Dennis Chua na nagtatago sa pangalan na Christopher Chan sa isang bahay sa loob ng isang pribadong subdivision. Itong si Dennis ay napag alaman na may outsanding na pitong arrest warrants para sa rape at.." sabi ng reporter nang patayin ni Conrad yung telebisyon.
Tumayo sina Conrad at Lorna, agad nilapitan si Leilani at niyakap ng mahigpit. Narinig ni Keng yung buzzer kaya habang nagyayakapan yung tatlo agad siya lumabas at sinilip sino yung nasa gate.
Hinaplos ni Conrad mukha ni Leilani sabay pinunasan ang kanyang mga luha. "Tell me what you want to do anak" lambing niya. "Now that he is caught we can continue the case" sabi ni Lorna. Niyuko ni Leilani ulo niya at muling bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari noon sa kanya.
Bumukas yung pintuan, "Nandito si Jay" sabi ni Keng kaya si Leilani tumalikod para magpunas ng mga luha. Tumayo si Jay sa may pintuan, humarap si Leilani at kahit na pilitin niya ngumiti nahalata agad ng binata na umiyak siya.
Pumasok si Jay at agad nilapitan ang dalaga sabay hinaplos mukha nito. "What's wrong?" tanong niya. Inuga ni Leilani ulo niya ngunit napansin niya mga galos sa mga knuckles ng binata. Hinaplos niya ito sabay dahan dahan tinignan si Jay at nakita din mga galos sa kanyang noo at pisngi.

BINABASA MO ANG
ATOMIC
RomanceSundan ang kwento ng isang third year college student sa lakbay niya sa paghanap ng pag-ibig. Sa iba simpleng binata lang siya...ngunit may bahid na mysteryo ang kanyang pagkatao... ATOMIC