Chapter 31: Impact

11.9K 204 21
                                    

Chapter 31: Impact

Kinabukasan paglabas ng kwarto ni Florence nakita niya si Jay gising na at tila bad mood habang tinitignan phone niya. “Good morning Jay, are you okay?” bati ng dalaga. “Good morning, I am fine…namatay lang ako sa game” sagot ni Jay sabay inexit email niya at pilit tinatago ang kanyang galit. Naglakad papuntang kusina si Florence, nakita ni Jay na pasilip silip si Leilani kaya pareho silang nagbungisngis at napangiti. Kung ano man galit na nararamdaman niya tila nabura ng ngiti ng magandang dalaga.

“Para kayong mga baliw” sabi ni Florence sabay uminom ng tubig. “Good morning” bati ni Leilani pabulong. “Good morning” sagot ni Jay at basta nalang sila nagkandahiyaan kaya si Leilani tumakbo papunta sa kusina at niyakap si Florence. Inalis ni Jay salamin niya para punasan, sakto naman bumukas yung pintuan at pumasok sina Mich, Susan at Rachelle na nakabikini at basang basa pa.

“Morning swim?” tanong ni Leilani. “Yeah, tapos dumating yung killjoy na manyakis” bulong ni Rachelle. “Good morning girls” bati ni Oliver na may dalang fruit basket. “Jay Apple” sabi niya sabay binato ng malakas yung mansanan sa mukha ni Jay.

Sapul si Jay sa mukha kaya napasigaw si Leilani nang makakita ng dugo. “Ang gago mo! Bakit mo binato!” hiyaw niya. Napasugod yung tatlong babaeng nakabikini pagkat malakas paglabas ng dugo sa ilong ni Jay. Sumugod si Leilani papunta kay Oliver sabay sinipa ito habang si Florence nagdala ng pamunas at tubig.

“Oh my bad, I forgot malabo pala eyes niya” sabi ni Oliver. “Gago ka you did that on purpose!” sigaw ni Leilani. “I did not, anyway you all get ready we are hitting the ziplines early today” sabi ni Oliver. “Umalis ka na nga dito Oli, umagang umaga nambabadtrip ka e” sabi ni Florence.

Tumalikod na si Oliver para lumabas, pinulot ni Leilani yung mansanas sabay binato. Natamaan sa likod si Oliver, basta nalang niya pinulot yung mansanan at hinagis ito pabalik sa dalaga. Napasigaw na si Leilani pero biglang tumayo si Jay at sumakto pagharang ng braso niya sa mukha ni Leilani kaya doon tumama yung mansanas.

Sinuot ni Jay salamin niya sabay nakipagtitigan siya kay Oliver, ang maskuladong lalake tumalikod sabay papito pitong naglakad palayo. “Are you okay?” tanong ni Leilani. “Yeah, okay lang” sagot ng binata. “Magbihis ka tapos samahan tara don sa medic area to have him checked” sabi ni Florence.

“Wag na, okay lang ako. Nose bleed lang ito, my nose is fine and its not broken” sabi ni Jay. “No you are not okay” sabi ni Leilani. “I am okay, nagkaganito na ako dati” sabi ng binata. “This is different, he threw an apple at your face” sabi ni Florence.

“Hey come on, I am fine and you three should..ah..yun so let me take this off” sabi ni Jay sabay inalis salamin niya sabay tinignan yung tatlong dalagang nakabikini kaya natawa sila. Kinurot siya konti ni Leilani kaya natawa si Jay. “Blurred” bulong niya kaya natawa na yung dalaga.

“Are you really okay?” lambing ni Leilani. “I am, I am being honest with you. Sige na you heard him, you should all get ready” sabi ni Jay. Pagkatapos maligo at magbihis nagtungo sila sa resort restaurant para kumain ng almusal. Daldal ng daldlal si Oliver pero walang pumapamsin sa kanya.

Dalawang oras lumipas nakarating sila sa start off area ng zip line. “Oh my God ang layo” sabi ni Mich. “Kami na muna” sabi ni Daniel at Ronnie kaya sila ang unang kinabitan ng harness. Napansin ni Jay na medyo kinakabahan si Leilani kaya tinabihan niya ito.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon