Chapter 33: Fearless
"Nakwento ko na kay Lei ito, nung baby ako nabitawan ako ng auntie ko. Yeah I fell hard but I never cried daw. They called me Super Baby. Pero alam niyo my mom and aunt carried that guilt for a long time, let me tell you why" sabi ni Jay kaya kahit nandon na yung pagkain nila lahat nakinig.
"Three years old ako, if napansin niyo siguro medyo maputi itong left arm ko and left thigh. Konti lang naman pero dati iba kulay ng balat ko. Nasa bahay kami ng lola ko noon, she was boiling kamote sa dirty kitchen. Old school kind of cooking. Curious me while she was away I got a stool, climbed and threw kamote inside the boiling big pot.
"Tumigil ako kasi naakit ako don sa apoy, old school kaya charcoal yon so aliw na aliw ako sa malalaking apoy sa ilalim ng pot. Parang sumasayaw sila so nilapit ko kamay ko" kwento ni Jay. "Wala kang naramdaman?" tanong ni Daniel kaya natawa si Jay ng malakas.
"Masakit ano, sumigaw ako talaga tapos natabig ko yung pot. Ayun nabuhusan ako ng kumukulong tubig. Iyak baka ako, tinakbo ako sa ospital. So yun ang kwento nung medyo ibang kulay ng balat ko pero alam ko hindi kayo interesado ata don" sabi ni Jay. "Di naman kasi halata, yung mga peklat ang ikweto mo" sabi ni Ronnie.
"Same year, sa bahay ulit ng lola ko. May naputol na linya ng kuryente sa kapitbahay. It was sparking and the wire was like dancing. Naaliw ako, lumapit ako talaga. Sigaw ng sigaw mama ko at papa ko. They told me not to touch it pero it was so nice to look at"
"Lumapit ako lalo, tapos sumigaw na daddy ko so I turned to face him. Tumalon yung wire at nahampas ako sa likod" sabi ni Jay. "You didn't feel anything right?" tanong ni Daniel. "Ano ka ba? Hindi ako manhid no. Masakit pero I passed out. Nakuryente talaga ako no pero I survived. That is how I got peklat at my back. Akala niyo siguro nilaslas ako sa likod no? Pero hindi, nakuryente ako, nasa dyaryo pa nga yon at may clippings kami sa bahay" sabi ni Jay.
"So you are hard headed?" tanong ni Rachelle. "Not really, Itong peklat ko sa side ko then itong sa hita ko. Four years old ako, may asong malaki yung kapitbahay namin. I went to play with it, di ko naman alam na guard dog yon. My neighbor already told me to stop, tinawagan na mom and dad ko"
"Ayun, the dog attacked me, bit me sa hita then dito sa side ko. Ang sakit sakit sobra, naawat yung aso, I was so mad, sinugod ko yung aso tapos binuntal ko sa mukha tapos kakagatin ko pa sana e pero nagalit na papa ko. Hospital ulit. Then itong ibang sa chest ko naman, ginaya ko yung wrestling move, tumayo ako sa sofa tapos tumalon ako papunta sa glass table sa salas. Ayan pumasok mga bubog so hospital visit again as usual"
"Then visit sa zoo, nilabas ko yung ahas. Nagsisigawan na yung ibang bata pero tuwang tuwa ako hanggang sa tinuklaw ako. Dito sa braso ko, buti nalang venomless siya pero ang sakit no. My mom passed out. I got scolded kasi ospital nanaman bagsak ko"
"Then nung pumapasok na ako, nag over the bakod yung bola, nakita ko classmates ko nalungkot, wala gusto kumuha kasi may barbed wire fence e. Inakyat ko siya, eto resulta, natusok tusok ako sa dibdib pero di na ata nakiita. Eto nalang isa nakikita, sa may back ko kasi nung pabalik na ako sumabot ako, sayang nga di nga ekis sa unang sugat ko e" banat ni Jay pero walang natawa ngunit hinaplos ni Leilani likod ng binata kaya nagtitigan sila.
"Then may mayabang kasi akong classmate. A lot liked him habang ako lagi ako tinutukso na four eyes. Pasikat siya, mayabang talaga tapos lagi niya ako tinutukso. Dahil don kumakampi sa kanya yung iba. So one day umakyat ako sa bubong tapos naglakad lakad ako. I just wanted to impress my classmates and prove that popular guy was scared and he could not do what I could"
BINABASA MO ANG
ATOMIC
RomanceSundan ang kwento ng isang third year college student sa lakbay niya sa paghanap ng pag-ibig. Sa iba simpleng binata lang siya...ngunit may bahid na mysteryo ang kanyang pagkatao... ATOMIC
