Chapter 29: Rude Welcome

9.9K 190 20
                                    

Chapter 29: Rude Welcome

Tinabi ni Jay yung kotse saka tinignan yung natutulog na dalaga. “Lei, wake up” bigkas niya palambing sabay haplos sa pisngi ng dalaga. Dahan dahan namulat si Leilani, “Antok” bulong niya. “You really have to see this” bulong ni Jay kaya biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita yung karagatan.

“Oh my God! Ang ganda!” sigaw ni Leilani sabay lumabas ng kotse. Lumabas din si Jay para alalayan yung dalaga tumawid pagkat highway yung lugar na yon. “Anong lugar ito?” tanong ni Leilani. “Bojeador Point, saw the sign back there” sabi ni Jay.

Agad kumuha ng litrato at video ang dalaga ng karagatan, “I wanted to wake you up several times kasi yung dagat talaga katabi ng highway, well medyo malayo pero tanaw but this place seems to be the best spot so I woke you up” sabi ni Jay. “Grabe sorry ha, pumikit lang ako tapos tuloy tuloy na pero Jay ang ganda dito sobra” sabi ni Leilani.

Tumalikod yung dalaga sabay tinignan si Jay kaya agad tumabi yung binata. Kinuha ni Jay yung phone sabay kumuah siya ng selfie nilang dalawa at background yung karagatan. “You cant post it kasi walang signal dito, well meron pero mahina” sabi ni Jay. “Okay lang, oh no ang dami nilang text. Hala malapit na ba tayo?” tanong ng dalaga.

“Oo ata, konti nalang alam ko” sabi ni Jay. “Lets hurry kasi nandon na daw sila” sabi ni Leilani. “May kainan o, wanna eat first?” tanong ni Jay. “Wag na, tiisin nalang natin then we can eat there nalang later” sabi ng dalaga. “Okay” sagot ni Jay kaya  bumalik na sila sa kotse.

Isang oras lumipas muling ginising ni Jay ang dalaga. “We are here” sabi ni Jay. “I missed a lot again?” tanong ni Leilani. “Not really pero ayun sina Mich at Florence o” sabi ni Jay kaya ang bilis lumabas ng kotse ni Leilani.

Isang grupo sa malayo nagulat nang makarinig ng sigaw. “Ayan na ang reyna” biro ni Mich. Pasugod si Leilani at agad niyakap sina Mich at Florence. Lumapit din sina Rachelle at Susan kaya nag group hug sila. “Ang daya mo, nag Subic ka pa” sabi ni Susan.

“It was on the way” pacute ni Leilani. “Hi Jay” sigaw ni Mich sabay kumaway kaya sinenyasan ni Leilani na lumapit yung binata. Nahihiya si Jay lumapit sa nagsisigandahang mga dalaga. Pagkalapit niya sakto naman may tatlong lalake lumapit at yung isa medyo malaki ang katawan at preskong preskong.

“Guys I want you all to meet Jay” sabi ni Leilani habang hawak yung braso ng binata. “Hi” bati ni Jay. “Jay you aleady know Mich and Florence. So this is Susan” sabi ni Leilani sa dalagang petite, may shoulder length na buhok at makintab na braces. “This is Rachelle” sabi ni Leilani sa kaibigan niyang matangkad at may kulot kulot na buhok na nakatali.

“Daniel pare” sabi nung isang binata sabay inabot kamay niya kaya nakipagkamayan si Jay. “Ronnie” sabi ng isa pero yung maskulado inabot kamao niya. “Oliver pare” sabi niya kaya inusli din ni Jay kamao niya. Imbes na fist bump sadyang sinuntok ni Oliver ng malakas kamao ni Jay kaya nagulat yung mga dalaga.

“Oli ano ba?” reklamo ni Leilani pagkat ang lutong ng pagsuntok niya sa kamao ni Jay. “Its how we guys do it, right Jay?” sabi ni Oliver sabay tinapik tapik pa ng malakas likod ng binata. “Yeah sure” sagot ni Jay sabay nakipagtitigan kay Oliver.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon