Chapter 10: Unclickable

10.8K 175 47
                                    

Chapter 10: Unclickable

“Ma, hindi ito papuntang mall” sabi ni Jay. “We are not going to the mall today” sabi ni Felicia. “Where are we going ma? Diba usapan natin papanoorin natin yung isang movie” sabi ni John. “I know, we are going to the airport” sabi ni Felicia kaya nanlaki ang mag mata ng mga anak niya.

“Airport…” bigkas ni Jay. “Daddy!” sigaw ni John. Ngumiti si Felicia kaya lalong naexcite yung mga anak niya. “But he said two months” sabi ni Jay. “Well this is the surprise mga anak” sabi ni Felicia. “Mommy naman e, sana sinabi mo yung totoo para nakapag paparlor kami” landi ni Jay.

“Kaya nga ma, sana nag dress kami ni kuya” banat ni John kaya tawang tawa si Felicia. “Ah kaya pala iba itsura ni mama o, parang bumata” sabi ni John. “I didn’t see that coming” sabi ni Jay. “Kasi anak distracted ka kay Leilani” lambing ni Felicia.

“I should have seen it coming, nagiging weak na ako” sabi ni Jay. “Anak its alright, we wanted it to be a surprise” sabi ni Felicia. “Wait, pano magkakasya yung mga karton at bagahe dito?” tanong ni Jay. “Ah..well..magrent nalang tayo ng van later” sabi ng nanay niya.

“Mommy talaga dapat kasi sinabi mo para naplano ko ito e. E di sana nakapag pa facial pa kami tapos nagpaayos ng buhok. You know the girly stuff para naman pag nakita ni daddy ang mga daughters niya e makita niya very pretty sila” landi ni Jay kaya napahalak ang nanay nila.

“Do not worry about it anak, ang importante your daddy is coming home” sabi ni Felicia. “I know ma but I could have prepared the renting of the van” sabi ni Jay. “Anak its okay” lambing ng nanay niya kaya napangiti nalang si Jay.

Sa arrival area ng airport nag antay yung tatlo. Si John di mapakali habang si Jay parang estatwa na nakatingin lang sa announcement board. Ilang minuto lumipas nakita na nila si Jerome. Nagsimulang maluha sina Felicia at John habang si Jay kinawayan na ama niya sabay napangiti.

Nang makalabas na si Jerome agad yumakap sa kanya sina Felicia at John habang si Jay nakatayo lang at nag aantay ng turn niya. Bumitaw sina Felicia at John, lumapit si Jerome kay Jay saka inayos agad salamin nito. “We should get this fixed” sabi ng matanda.

“I know” bulong ni Jay at bigla siyang niyakap ng sobrang higpit ng kanyang ama. “Thank you for taking care of your mom and brother” bulong niya. “Umuwi ka pa, ngayon tatlo na kayo aalagaan ko” biro ni Jay kaya natawa si Jerome habang ang nagpupunas ng luha.

Pinisil pisil ni Jerome mga braso ng kanyang anak, humawak siya sa mga kamay nito sabay pinagmasdan ang kanyang knuckles. “No dad” sabi ni Jay sabay tinuro ang kanyang ulo. “Good boy, I am so proud of you” sabi ni Jerome. “Dad you stay with mom and John, punta ako sa van rentals” sabi ni Jay.

“Anak wag na” sabi ni Jerome. “Daddy, pano magkakasya yung mga box at bagahe mo sa kotse?” tanong ng binata. “I have people that will bring the boxes and baggages to our home” sabi ni Jerome. “Oooh power trip agad si daddy” biro ng binata kaya natawa ang matanda.

“Kain muna tayo sa labas, nakakatikim na ako ng Pinoy food” sabi ni Jerome. “Daddy may fishball stand ata sa labas ng airport” biro ni John kaya natawa si Felicia. “Parang sinabi ni daddy na ayaw niya sa luto ni mama” banat ni Jay kaya natawa si Jerome.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon