Chapter 35: Glasses Off

12.8K 198 33
                                    

Chapter 35: Glasses Off

Nakarating sila sa address na binigay ni Harry pero nanatili silang lahat sa loob ng kotse pagkat parang may party sa katabing bahay. "Too many witnesses" sabi ni Jay. "Oo nga, lets just wait kasi mukhang papatapos naman na e" sabi ni Xavier.

Biglang nagpantalon at pantaas yung siga sa likod sabay lumabas ng kotse. "Tara foods" sabi niya sabay naglakad papunta sa bahay na may party. "Kapal ng mukha" sabi ni Xavier. "Pasensyahan niyo na ganyan talaga yan" sabi ni Jay. "Gutom din ako pero wag na" sabi ni Jayps.

"So how did you meet that guy?" tanong ni Xavier. "Bata pa kami non, lagi ko nakakasabay sa ospital" sabi ni Jay. "Bakit ano sakit mo?" tanong ni Xavier kaya natawa si Jayps. "Si Jayps nakilala ko din nung bata ako. Kapitbahay nila lolo at lola ko, girly yan e" banat ni Jay.

"Ulol! Di ako girly" sabi ni Jayps. "Pare, lalake na mahilig sa gardening" sabi ni Jay kaya nagtawanan sila ni Xavier. "It's a discipline, you will never understand kasi mabababa IQ niyo" banat ni Jayps. "Yeah that guy is genius, nakakairita nung bata kami kasi lecture ng lecture ng kung ano ano" kwento ni Jay.

"At ikaw lider ng kalokohan" sabat ni Jayps. "Gago di naman kalokohan yon, siguro oo pero bata pa tayo e" sabi ni Jay. "Tapang tapang mo, pinapahamak mo naman kami" sabi ni Jayps kaya natawa si Jay. Kinuwento ni Jay sa kanilang yung kanyang kakaibang kalagayan kaya biglang natawa si Xavier.

"Kaya naman pala, no wonder why nagkaharap tayo" sabi ni Xavier. "So sabi mo kanina yung si Maricel lagi mo nakikita sa ospital. So does that mean pareho kayo?" tanong ni Jayps. "Teka nga, you actually believe what he said?" tanong ni Xavier. "Oo, it is possible. Madami naman parte yung brain natin e"

"Meron pa nga mga cases na tao na hindi sila nananaginip, kasi di nagfufunction yung dream factory area ng brain. Meron area ng brain for different functions, meron para sa mga panaginip, meron para sa bodily functions, meron para sa pain, meron para sa sinasabi niyang fear. Galing no ang liit liit ng utak natin pero dami niya kayang gawin"

"Kaya ako ginagamit ko siya to the full extent habang kayong mga low IQ, ewan ko" banat ni Jayps kaya napatingin sina Xaver at Jay sa kanya. "Full extent daw pare, nabasa ko pag full extent e may ibang abilities na kaya gawin e, tulad ng telekinesis" sabi ni Jay. "Oo nga, tara try natin kung kaya niya lumipad" sabi ni Xavier kaya tinaas ni Jayps mga kamay niya, "My friends I apologize" pacute ni Jayps kaya nagtawanan sina Jay at Xavier.

"Pamekeng siga" sabi ni Xavier. "Jay, as you were saying, so ibig mo sabihin pareho kayo ni Maricel?" tanong ni Jayps. "Hindi pare, normal na normal yon. He is just...bad...sorry pero wala na pwede magdescribe sa ano man meron yon e. Okay naman siya pero he is just pure bad, cannot really say evil so lets just say he is simply bad" sabi ni Jay.

Nakabalik yung siga sa kotse dala ang isang plato na umaapaw sa pagkain. "Psst nandon" sabi niya bago kumagat sa malaking hita ng manok. "Nandon si Dennis?" tanong ni Jay. Tinungo ng siga ulo niya, "Ganda ng bebot niya, pero yung may birthday ang laswa ng itsura. Seventeen years old pero mukhang trenta na" sagot niya habang ngumunguya.

Di nagreact yung tatlo, pinanood nalang nila yung siga na papakin yung manok. Nahuli ng siga si Jayps na nakatitig sa plato, nagulat yung tatlo nang nilapit ng siga yung plato sa katabi niya. "Salamat" sabi ni Jayps sabay kukunin sana yng isa pang manok pero nagtaas ng kilay yung siga.

"Meatballs nalang" sabi ni Jayps sabay kuha. Pilyong Xavier biglang kinuha yung isang manok kaya napatigil sina Jay at Jayps. Nakaharap si Xavier, kinagat yung manok habang titig sa siga. "Sarap" landi pa niya. "Sarap no?" tanong nung siga kaya titigan sila talaga habang sabay pang ngumunguya. Biglang tumawa yung siga ng malakas, ilang saglit napailing si Jay at hinaplos noo niya sabay natawa narin.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon