Chapter 6: Jay

12.4K 193 13
                                        

Chapter 6: Jay

“Seyeng nemen” landi ni Jenny kaya inuga uga ni Jay ulo niya. “Nenden ne pegkeketeon pero naterpe” dagdag ni Vivian kaya mga girls walang tigil ginulo gulo buhok ng binata. “Please wag niyo na ako pagtripan” sabi ni Jay. “Seyeng nemen, peg senebe nye yen ede sene ekey ne eng lehet” banat ni Paulette.

“Oo na natorpe na ako. Wala naman ako kasi control sa sarili ko pag kasama ko siya” sabi ni Jay. “Seyeng eng pebengo, weley kwenta eng emoy emoy lang peg weleng pellow through” sabi ni Jenny kaya napatawa na si Jay ng malakas.

“On a serious note parang susuko na ata ako” sabi ni Jay kaya nagulat ang mga girls. “What? Bakit naman? You are doing okay naman ah” sabi ni Paulette. “Yeah I got to meet her, got to talk to her pero natatakot ako if it goes beyond that, if it goes one step higher then…”

“Wala naman ako talaga ibubuga. Wala ako maipagmamalaki. Bryan is matalino. Ron is good in basketball. Stephen is good in dancing and singing. E ako walang wala ako talent man lang. Wala ako yung something na she can be proud of. Just like you three meron kayong something sa kanila na you can be really proud of” sabi ni Jay.

“Jay..bully ka naman e” biro ni Jenny kaya nagsimangot ang binata. “Uy joke lang to naman. Mabait ka naman e” kabig ng dalaga. “Hanggang saan ba ako madadala ng kabaitan ko? I really don’t have anything to make me stand out” sabi ni Jay.

“Bakit ka nagkakaganyan? Di naman importante yung talents. Ang importante maipakita mo na mahal mo talaga siya…well when you get to that stage that is” sabi ni Vivian. “Yun na nga e, pano ako aabot sa stage na yon pag wala talaga ako maipagmamalaki. I regret not studying well, I regret not going into sports much, I regret so many things now” sabi ng binata.

“Jay dagdag pogi points lang mga yon” sabi ni Paulette. “Buti naman sana kung saksakan ako ng pogi para di ko na kailangan ng extra points. Look at her she is so beautiful just like you three. I feel so small right now” sabi ni Jay.

“Ang importante Jay maipakita mo talaga tapat ka at mahal mo siyang tunay. Nothing else will matter. Yung iba palamuti nalang yon” sabi ni Paulette. “Oo nga Jay, just be yourself kasi at nakikita naman namin na patay na patay ka sa kanya e. If we notice that iba lang habol mo kami na mismo gugulpi sa iyo no” sabi ni Jenny.

“Hindi pa ba gulpi tong ginawa niyo sa akin? Tignan niyo ako, kulang nalang dugo pwede na ako maadmit sa ospital. Namamaga na mga braso ko sa dami ng kurot. Nalagasan narin buhok ko o” sabi ni Jay kaya nagtawanan ang mga dalaga. “E ikaw kasi ang torpe mo e” sabi ni Vivian.

“Di ba pwede iconsider na talent yon? I think I excel at that” sabi ni Jay kaya super tawanan ang mga dalaga. “Baliw, hoy do not give up. So what kung wala kang talent? Ang importante maipakita mo na sinsero ka at gusto mo talaga siya. That is all you need. Be yourself, and if you are not enough in the end then sorry nalang”

“Wag ka din magpapanggap na ibang tao, basta be who you really are” sabi ni Paulette. “How the hell can I do that? Pag kasama ko siya feeling ko ibang tao na ako na sinasaniban. I didn’t know it was this difficult. Dati dati planado na e pero sa actual ang hirap naman iapply yung plano ko” sabi ni Jay.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon