Chapter 28: Initialization
Alas sais ng gabi naglalakad si Jay bitbit ang sobrang daming shopping bags habang nakabuntot si Leilani at nakasimangot. “I think he is pissed” text niya sa kaibigan niya. “Why? What did you do?” tanong ni Rebecca. “We went to visit the mall, I saw some stuff pero down yung ATM. I borrowed money from him. Tapos after lunch we went around tapos bumalik kami don sa mall kasi may gusto talaga ako balikan” kwento ni Leilani sa text.
“Let me guess, halos doon na kayo buong hapon ano?” tanong ni Rebecca. “Oo e, ang dami ko nabili. Alam mo naman na ako bes e. Naubos na ata pera niya. Hiyang hiya ako, imbes na magtaxi kami pabalik ng hotel, here we are walking and he is not talking to me. Pero if kinakausap ko siya sumasagot naman” kwento niya.
“Hala, first time niyo ba mag mall together?” tanong ni Rebecca. “No naman, we often go out pero wala naman ako makitang gusto sa Manila. Kanina grabe ang dami kong nakitang magaganda. I honestly forgot that I am just borrowing money from him, alam mo naman na ako pag kasama ko daddy ko diba? Basta kuha ako ng kuha. Bes hiyang hiya talaga ako sobra” text ni Leilani.
“Bakit ka mahihiya e alam naman niya utang?” sagot ni Rebecca. “Pero bes baka naiinis siya kasi hindi na kami nakalibot. Nakalibot nga pero sa mga shops lang ng mall. Dapat kasi hindi na ako nangulit na bumalik pa. Sana kasi tumanggi na siya na bumalik kami” sabi ni Leilani.
Tumigil si Jay sa paglalakad, binaba yung mga shopping bags sabay tinaas ang kanyang mga kamay. “Heaven!” sigaw niya sa tuwa kaya nagulat si Leilani. “Whooo we are finally here” sabi ni Jay kaya nabasa ni Leilani yung karatula, “Eat all you can for 399 pesos” sabi don kaya napangiti siya nang makita yung kakaibang mood ng binata na tila sobrang saya bigla.
“False alarm. Text later” sabi niya sabay tinago phone niya. “Leilani we are here, grabe kinabahan ako kasi akala ko nawawala na tayo. Nakita ko kasi itong restaurant kaninang umaga. Sabi ko ito magiging marker natin para alam ko saan yung hotel. Our hotel is two blocks away pero eto talaga gusto ko puntahan e” sabi ni Jay sabay turo sa karatula.
“Sorry ha if I made you walk” dagdag ni Jay. “No its okay, pero hiyang hiya ako kasi ang dami mong buhat” lambing ni Leilani. “Oh nonsense, after we eat here kahit libutin pa natin Subic habang bitbit ko mga yan. Come on lets go inside, ay teka…okay lang ba sa iyo dito? Eat all you can seafoods naman” sabi ni Jay.
“Of course, Jay wag sana lagi lahat ng gusto ko. Sana pati mga gusto mo, like this one. Come on let me help you now” sabi ni Leilani. “No no no, you stay pretty, di mo bagay nagbubuhat ng madami” sabi ni Jay kaya binitbit ulit lahat ng shoppings bags sabay pumasok na sila sa restaurant.
Kokonti lang ang tao pero nakita ni Jay yung outdoor area. Lumabas sila kaya nabighani ang dalaga pagkat overlooking nung bay yung outdoor area. “Sige po sir bantayan ko” sabi ng guard kaya pumasok ulit sila at pumila sa buffet table. Natatawa si Leilani pagkat tuliro si Jay at tila gusto niya lahat ikarga sa kanyang plato.
“Jay, pwede naman bumalik e” pacute ng dalaga. “Oo pero habang bagong luto pa sila sana” sabi ng binata. “Okay, fill your plate with whatever you can from that half, then ako from this half of the table” sabi ng dalaga. “E pano ikaw?” tanong ng binata. “We are going to share silly” lambing ni Leilani. “Oh okay” sagot ni Jay.

BINABASA MO ANG
ATOMIC
RomanceSundan ang kwento ng isang third year college student sa lakbay niya sa paghanap ng pag-ibig. Sa iba simpleng binata lang siya...ngunit may bahid na mysteryo ang kanyang pagkatao... ATOMIC