Chapter 12: Special Guest

11.3K 185 28
                                    

Chapter 12: Special Guest

Biyernes sa tambayan tuliro si Jay kaya sinesermonan siya ni Paulette at Jenny. “Ayan kasi bakit mo pa kasi inimbitahan” sabi ni Jenny. “Oo nga e, she might bring her other half” sabi ng binata.

“Akala ko ba tanggap mo na ang lahat?” tanong ni Paulette. “Oo tanggap ko, pero syempre pag kasama niya si China Man e makakaramdam ako ng matinding selos. This is me being honest. Tanggap ko pero pag iniisip ko na makikita ko sila magkasama e magseselos ako talaga” sabi ni Jay.

“Ang labo mo talaga, sabi mo tanggap mo then dapat wala nang selos” sabi ni Jenny. “Tanggap ko na may boyfriend siya okay? Tanggap ko na magkaibigan lang kami pero never ko sinabi na I stopped liking her. As if naman pwede itigil yon basta basta no?”

“Brain stop liking her, as if naman titigil agad. At wala naman sa utak yon, ewan ko san galing basta I like her still but with all due respect tanggap ko na meron na siya. Ang labo labo talaga pero ganon e” sabi ni Jay.

“You know what Jay lilipas din yan, at alam mo makakatulong pag nakita mo sila magkasama. That will help you move on” sabi ni Paulette. “Help me move on pero ang sakit sakit naman if ever” bulong ng binata. “Start moving on already, ikaw kasi pinili mo pa maging kaibigan niya”

“Okay lang na maging kaibigan pero araw araw naman kayo nagkikita at nag uusap” sabi ni Jenny. “E di wag narin tayo mag usap usap at magkita kita. Kaibigan ko kayong anim, araw araw tayo nagkikita at nag uusap. So ano naman masama kung araw araw ko din siya nakikita at nakakausap?” tanong ni Jay.

“E may feelings ka for her e, yung ang pagkakaiba” sabi ni Paulette. “Fine, I told my mom and dad, pati narin si John. Para di na nila ako tuksuin pag makita nila siya sa Sabado. Pero if her boyfriend will be there…” sabi ni Jay.

“Lasunin mo” biro ni Jenny. “Oo nga tapos pag mamatay siya you will be there to comfort her” banat ni Paulette. “Grabe naman kayo, that is not nice. Repeto naman kung ano meron sila. Gusto niyo din ba may ibang tao nag iisip ng ganon sa inyo?” tanong ni Jay kaya natameme yung dalawang dalaga.

Ngumiti si Jay sabay inayos salamin niya, “Kung may problema o hadlang sa buhay wag dumaan sa negative. Pag dinaan mo sa masama e babalikan ka non. Do the right thing always even if the wrong one will prove to be more successful. Doing the right thing will not always give you what you want but at least you can gauge your capabilities”

“If you fail you learn, try again. If you succeed using the wrong way then it will not be worth it. So never resort to doing bad, laging tamang daan. So pag kwarenta na ako tandaan niyo, Jay Perez po para sa presidente” banat ni Jay sabay tumawa mag isa.

Pagsapit ng dismissal habang papunta sa parking area nakasalubong ni Jay si Leilani. “Uy see you tomorrow” sabi ng binata. “Jay about that” sabi ng dalaga kaya akala ng binata di na pupunta yung dalaga.

“Yeah its okay” sabi ni Jay. “Huh?” bigkas ng dalaga. “Ah ano yon?” tanong ni Jay. “Kasi, pano ba pumunta sa inyo? Day off ni kuya bukas so magcocommute nalang ako” sabi ng dalaga. “No don’t do that, sunduin ko nalang kayo” sabi ni Jay. “Kami? Ako lang naman pupunta” sabi ni Leilani.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon