Chapter 17: Pagpapakilala
Isang araw pauwi na sana si Jay nang nakatanggap siya ng text mula kay Leilani. “You home already?” tanong ng dalaga. “Nope, still in the parking area. What’s up?” tanong ni Jay. “Samahan mo naman ako sa bahay ng kaibigan ko, may kukunin akong gamit kung okay lang” sagot ng dalaga.
“Sure, I will come pick you up now. San ka?” tanong ni Jay. “No wag na, may tinatapos pa kami dito. Ako nalang pupunta diyan. Give me about ten minutes” sabi ng dalaga kaya si Jay lumabas muna ng kotse para magpahangin.
“Mister Perez, imbes na tumatambay ka dito why don’t you go home and study for the quiz tomorrow?” sabi ng isang boses at paglingon ni Jay nakita niya yung terror nilang guro. “Good afternoon sir, opo pauwi na ako sana pero a friend of mine needs my help” sagot ng binata.
“I see” sagot lang ng guro at naglakad na palayo. Hinabol siya ni Jay at tinabihan kaya napatingin yung guro sa kanya. “Sir, can I ask you a personal question?” tanong ni Jay. Binuksan ng guro yung kotse niya sabay pinasok ang kanyang bag.
Nagulat ito nang inabot ni Jay sa loob yung punas sa dashboard niya. “Sir yung misis niyo, kaya ba nainlove sa inyo lalo kasi sobrang talino niyo?” tanong ni Jay habang pinupunasan yung windshield ng kotse.
“Did I say yes?” tanong ng guro. “Ay sorry, sige sir tapusin ko nalang to. Nasimulan ko na e” sabi ni Jay. “What kind of question is that? Was it meant as an insult?” tanong ng guro kaya napatigil si Jay at nakipagtitigan sa guro niya.
“Of course not sir” sagot ni Jay sa titig sa nakakatakot na mukha ng kanyang guro. “So what was your question again?” tanong ni Mister Gonzales. “Nahihiya kasi itanong ito sa parents ko baka mainsulto ko sila” sabi ni Jay. “Ah tapos ako okay lang na mainsulto ganon ba?” sagot ng guro kaya natawa si Jay.
“Hindi naman po sir, serious talk sir. Your wife, did she fall in love with you more because are very intelligent? I mean sir, oo in love kayo sa isa’t isa, pero yung pagiging matalino niyo ba e nakadagdag din sa lalong paghulog niya sa inyo?” tanong ng binata.
Napaisip yung guro sabay medyo napangiti, “Well, I can say that she is proud of me” sagot niya. “I see, thank you sir” bulong ni Jay. “Why are you asking that? Are you married or are you getting married?” tanong ng guro. “Hindi sir, I like a girl but I am just worried that if ever she will like me back then all she will be getting is me”
“Walang talent, hindi matalino, ang makukuha lang niya e isang tapat na lalake na magmamahal sa kanya. Pero sir isa pang problema e, may boyfriend na siya kaya di ko nga alam bakit ko pa iniisip to e” sabi ni Jay kaya biglang natawa ang guro niya.
“Aray naman sir, tinawanan mo pa ako” sabi ni Jay. “Sorry, prinoproblema mo ang hindi mo naman dapat problemahin unless balak mo siya sulutin” banat ng guro. “Sir, masama ang nanunulot. Mapapasagot mo nga siguro yung taong gusto mo pero may sinasaktan ka din naman” sabi ni Jay.
“Masama talaga yan iho, pero let me play the devil’s advocate” sabi ni mister Gonzales kaya tinignan siya ni Jay. “Bagay” bulong niya sabay pigil tawa siya. “What did you say?” tanong ng guro. “Continue sir” banat ni Jay. “As I was saying, let us say girl A and boy A are in a relationship, then boy B comes along”
BINABASA MO ANG
ATOMIC
RomanceSundan ang kwento ng isang third year college student sa lakbay niya sa paghanap ng pag-ibig. Sa iba simpleng binata lang siya...ngunit may bahid na mysteryo ang kanyang pagkatao... ATOMIC