Chapter 26: Lighter Shades
Binuksan ni Keng yung gate para maipasok ni Jay yung kotse niya sa driveway. Pagbaba ng binata nandon na agad si Leilani at pinagmamasdan yung pula at makintab na sasakyan ng binata.
“Shiny shimmering splendor” biro ni Jay pero di natawa yung dalaga. “Having second thoughts?” tanong ng binata sabay lapit sa magandang dalaga. Di sumagot si Leilani, lumapit siya sa kotse sabay hinaplos ito. “Its okay, if you do not feel like going then it’s okay” sabi ni Jay.
“We are going” sabi ni Leilani. Humawak sa braso ng dalaga si Jay kaya nagtitigan sila. “Hey Leilani, okay lang talaga kung nagdadalawang isip ka. Maybe next time” sabi ng binata. Huminga ng malalim ang dalaga sabay binuksan yung trunk door at nakita yung bag ng binata. “We are going” sabi ni Leilani sabay napangiti.
Naupo si Jay sa trunk sabay tinignan yung dalaga, “Hey, wag mo pilitin sarili mo. Mahirap pag pilit, we can go some other time when you really want to go” sabi ni Jay. “Wait here” sabi ng dalaga sabay pumasok sa bahay kaya si Jay niyuko ang kanyang ulo sabay pinagmasdan ang kanyang sapatos.
Sa may bintana magkatabi sina Lorna at Leilani at pinagmamasdan yung binata. “Are you going or what?” tanong ni Lorna. “What do you think ma?” tanong ni Leilani. “He seems to be a nice guy but if you have doubts then just go tell him the truth that you do not want to go” sabi ni Lorna.
Tumabi si Conrad kaya sumandal si Leilani sa kanya. “What do you think daddy?” tanong ng dalaga. “Trust your instinct” sagot ni Conrad. “I want to go” sabi ni Leilani. “Then go” sabi ng matanda kaya ukayat si Leilani at Keng sa taas.
Ilang minuto lumipas napanganga si Jay nang makita si Keng hila hila ang dalagang travelling bag. Kasunod niya si Leilani na bungisngis at nagtatakip ng bibig. “Hala baka sabihin nila itatanan kita” biro ni Jay kaya natawa si Leilani.
“Para alam mo, isang oras magbihis yan. Trenta minutos para mamili ng isusuot, trenta minutos magpalit ng isip” sabi ni Keng kaya tinadtad siya ng kurot ni Leilani. “Sige ako na po” sabi ni Jay kaya pinasok niya yung mga bagahe sa kotse.
Lumabas sina Conrad at Lorna sabay lumapit sa kanilang anak. “Did you have your car checked?” tanong ni Conrad. “Yes sir, all is good for a long trip” sagot ni Jay. Naglakad si Conrad paikot ng kotse kaya sumama si Jay sa kanya. “She is my only daughter, our only child” sabi ni Conrad.
“I know that sir, I promise you nothing bad will happen to her. Hindi naman ako papayag sa ganito pag alam ko hindi ko siya kaya alagaaan at protektahan” sagot ni Jay kaya bigla siyang inakbayan ni Conrad. “Can you promise me that?” tanong niya kaya tinitigan siya ni Jay.
“I promise to take care of her. She will leave here with a smile on her face and return with a bigger smile. We really cannot foresee what may happen along the road but rest assured she will return safely, that I promise” sabi ni Jay. “Alright, let me help out a bit” sabi ni Conrad sabay nilabas wallet niya.
“I got it sir, thank you for the offer but I got it” sabi ni Jay. “Okay then” sagot ni Conrad kaya bumalik sila sa likod ng kotse. “Okay you two have fun” sabi ni Conrad. Yumakap si Leilani sa nanay niya, sumunod sa tatay niya. Lumapit si Lorna kay Jay sabay hinawakan ang mga kamay nito. “Take care of her” sabi niya. “I will” sagot ni Jay.
BINABASA MO ANG
ATOMIC
Roman d'amourSundan ang kwento ng isang third year college student sa lakbay niya sa paghanap ng pag-ibig. Sa iba simpleng binata lang siya...ngunit may bahid na mysteryo ang kanyang pagkatao... ATOMIC