Chapter 22: "S"

11.1K 175 34
                                    

Chapter 22: “S”

Sabado ng umaga maganda ang sikat ng araw, paglabas ni Jay ng kotse tumingala siya at nilasap ang init ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Nakarinig siya ng sigaw, agad siya sumugod sa gate ng bahay nina Leilani at pinagpipindot yung buzzer.

Lumakas yung sigawan kaya umatras si Jay para bumwelo. Tumakbo siya ng matulin, tumalon ng mataas sabay kumapit sa tuktok ng gate. Pag akyat niya sa gate napasigaw si Keng. “Jay!” sigaw niya kaya biglang tumahimik, nakita niya si Leilani katabi ang nanay niya habang si Conrad umaakyat ng lader sa tabi ng bahay.

“Ah..sorry..kasi nakarinig ako ng sigawan so I thought” sabi ni Jay. “Hey get down there, bubuksan ko nalang yung gate” sabi ni Leilani. Tinuloy ni Jay yung pag akyat hanggang sa nakapasok na siya. “Okay na” sabi niya kaya napangiti si Leilani. “Si daddy kasi ang tigas tigas ng ulo e” sabi ni Leilani.

“Will you get down there Conrad, tatawag nalang tayo ng kukuha ng laruan mo” sabi ni Lorna. “I can do this” sabi ng asawa niya. “Daddy wag na kasi. Baka malaglag ka” sabi ni Leilani. “Bakit ano ba meron sa bubong?” tanong ni Jay sabay tumingala para tignan yung napakataas na bubong ng malaking bahay.

“His toy got stuck sa roof” sabi ni Leilani. “It is not a toy, it’s a drone” sabi ni Conrad pagalit. “Uy drone?” bigkas ni Jay. “Yeah the one that flies” sabi ni Leilani. “John wants one of those, balak ko siya bilhan sa birthday niya” sabi ni Jay.

“Conrad! Get down there” sigaw ni Lorna kaya palabirong nagtago si Jay sa likuran ni Leilani. Bungisngis ang magandang dalaga at medyo nakiliti pagkat nakahawak si Jay sa kanyang baywang. “Conrad! Get down here now!” sigaw ni Lorna. “After I get my drone” sagot ng asawa niya. “Sir ako nalang kukuha” biglang alok ni Jay kaya napalingon si Lorna.

“No you wont” sabi ni Leilani. “You will get it for me?” tanong ni Conrad. “Yes sir” sagot ni Jay. “No he wont!” sigaw ni Leilani. “Shhh para lang bumaba daddy mo” bulong ni Lorna. Nakababa si Conrad at agad tinignan si Jay. Sumandal si Leilani sa binata, “Keng ilayo mo na yung ladder” sabi niya.

“You tricked me?” tanong ni Conrad. “No sir” sabi ni Jay. “Bye daddy, alis na kami. Baka nag aantay na si cuz” pacute ni Leilani. “Ate wag mo aalisin” sabi ni Jay kaya agad humarap sa kanya si Leilani. “Jay! Wag na, delikado e” sabi niya.

Hinaplos ni Jay konti pisngi ng dalaga, “You so lovely today…don’t worry I will be fine” sabi niya. Natulala si Leilani saglit kaya nakaalis yung binata. “Jay iho wag na” sabi ni Lorna. “Kaya mo ba? Nandon sa medyo tuktok e, naubusan ata kasi ng battery” sabi ni Conrad.

Nilipat ni Jay yung pwesto ng ladder, “Leilani will you make him stop” sabi ni Lorna. Parang estatwa si Leilani na nakahawak sa kanyang pisngi. Nauga siya konti kaya agad natauhan pero huli na siya pagkat umaakyat na si Jay sa ladder. “Jay! Stop it. Please get down” sabi niya.

Tinignan siya ni Jay, “I will be right back” sabi niya. “Daddy if something happens to him I will never forgive you” bulong ni Leilani. “Jay nevermind, just get down from there” sabi ni Conrad pero di na nakinig yung binata at nakaabot na siya sa ledge ng second floor.

“Jay! Tama na kasi” sigaw ni Leilani pero ang binata tinaas dalawang kamay niya para makita kung kaya niya abutin yung gutter ng bubong. “Kaya” sabi niya kaya bigla siyang tumalon. Napasigaw talaga sina Keng, Leilani at Lorna habang si Conrad namangha sa tapang ng binata.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon