Chapter 25: Indecisions

10.4K 184 14
                                    

Chapter 25: Indecisions

Biyernes ng hapon pagkatapos ng pang huling exam ni Leilani tila hindi siya makagalaw sa kanyang upuan. “Lei tara na” sabi ng kaibigan niya. “Sige go ahead, may inaantay ako” sagot ni Leilani. Ilang saglit siya nalang ang natitira sa classroom, pintig ng puso niya sobrang bilis kaya agad niya nilabas phone niya.

“Beks, I need you” sabi ni Leilani. “O ano nangyari?” tanong ng kaibigan niya. “Beks nagdadalawang isip ako” sabi ng dalaga. “Why? Wait, you want me to go to your house? Okay lang kasi si baby nakina mama at papa” sabi ni Beks. “Please Beks” makaawa ni Leilani. “Okay okay see you there, magpapahatid na ako” sabi ng kaibigan niya.

Isang oras lumipas sa hardin nina Leilani magkasama na yung magkaibigan. “Tell me whats wrong” lambing ni Beks. “Nagdadalawang isip ako Beks” bulong ni Leilani. “What? Parang kahapon lang excited ka na for your out of town trip” sabi ni Beks.

“Beks pano kung he is just like…” bigkas ni Leilani kaya tumabi kaibigan niya at bigla siyang niyakap. “Lei, don’t be like that” lambing ni Beks. “What if he is just like him, ayaw ko na mangyari yung nangyari dati Beks” sabi ni Leilani.

“What does your gut tell you ba?” tanong ni Beks. “He is more thank okay, he is super to me but lately he has been acting strange. Parang ang aggressive niya…its happening again Beks” sabi ni Leilani.

“Oh no, is there a chance you are wrong? Nung nasa States pa ako panay good things about him, pagdating ko dito still good things, now all of a sudden nagkakaganyan ka?” tanong ni Rebecca. “Sama ka nalang Beks please” makaawa ni Leilani.

“Di pwede e, may anak na ako. Gustong gusto ko sumama pero di ko naman kaya iwan si baby. Gusto ko siya isama pero sigurado ako pagagalitan ako ng daddy ko. Trust your gut, if you feel that something bad will happen then wag ka na tumuloy” sabi ni Rebecca.

“Pero Beks, gusto ko pumunta. I mean half of me wants to go, half of me feels scared” sabi ni Leilani. “Ano ba talaga? After one whole semester wala ka parin tiwala sa kanya?” tanong ni Rebecca. “E yung dati nga one whole year” sabat ni Leilani.

“Oo nga pala sorry bes, hay pano ba ito?” tanong ni Rebecca. “Ayaw ko maniwala ganon siya, alam ko hindi siya ganon pero hindi mo na maalis sa akin yung pag iisip ng ganito…ayaw na ayaw ko nang maulit yung nangyari noon” sabi ni Leilani.

“As your bestfriend, wag ka na pumunta” sabi ni Rebecca. “Pero I want to go with him” sagot ni Leilani na naluluha na. “Ano ba talaga? Ang gulo gulo mong kausap” sabi ni Beks kaya nagtawanan sila bigla. “Bes, tell me hindi siya ganon. Tell me he is a good guy” sabi  ni Leilani.

“I have only met him once, although nagsagutan kami at nag asaran e nakikita ko naman mabait siyang tao. I say, sumama ka. People have mood swings, baka yung sinasabi mong pagbabago niya e may kaugnayan naman sa personal life niya. Did you ask him if he was okay?”

“Did you ever bother asking him if may problem siya? Did you confront him about his changes?” tanong ni Rebecca. “Pano ko naman maiisip yan e kinikilig ako sobra sobra” bulong ni Leilani kaya nanlaki mga mata ni Rebecca. “Bruha ka! Kinikilig ka pala tapos mag gaganyan ka? Ano ba?” sigaw niya kaya natawa si Leilani.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon