Chapter 1: Ninja Moves

15.5K 226 13
                                        

Chapter 1: Ninja Moves

“Pet!” narinig na sigaw ni Paulette kaya napalingon siya. Tumigil ang dalaga sa paglalakad at inantay si Jay makaabot sa kanya. “Grabe naman yang nickname mo sa akin” reklamo ng dalaga.

“E ang haba ng pangalan mo e, anyway san ka punta?” tanong ng binata. “Sa bookstore, I need to buy a book” sabi ng dalaga. “Let me guess prof mo din si three-o-one ano?” tanong ni Jay. “Sinong three-o-one?” tanong ni Paulette. “Si sir Gonzales” sabi ng binata.

“Bakit naman three-o-one?” tanong ng dalaga. “Terror e, parang siya yung isang member ng Three hundred na di nakasama sa gera kaya siya lang yung nabuhay. Alam mo ba yung movie na yon?” tanong ni Jay pero napahalakhak na yung dalaga.

“Hala ang sama mo” sabi niya. “O totoo naman, tignan mo itsura niya batong bato. Parang nakadaan na ng sobrang daming gera. This is Sparta! Raaawwrrrrr…you must have the book! If you don’t have the book I will chop your head off to avenge my fallen brothers! Rawwwrrr!” drama ng binata kaya di makapigil sa tawa ang dalaga.

“Pero sa totoo kaya di siya nakasama kasi nashoot siya sa butas. Nung naghahanda sila para sa gera aksidente siyang nashoot. Pagakyat niya wala na mga kasama niya. Sabi ng iba naman dun sa butas na yon e portal pala na parang time machine kaya nalipat siya sa future”

“Di na uso ang gera kaya ayan naghahasik nalang ng lagim sa pagtuturo” hirit ni Jay. “Hahaha bwisit ka, tara na nga” sabi ni Paulette. “So napanood mo pala yon ha” sabi ng binata. “Yup, pati yung sequel niya” sabi ng dalaga. “Awww Eva Green, ganda non grabe” sabi ni Jay.

“Oh so let me guess ang pinanood mo lang don e love scene ano?” biro ng dalaga kaya natawa si Jay. “Di ah, basta mga movies na may guys na uhmm ang titigas ng chest, ang kikisig at macho..oooh Diyos ko nakakabaliw mga papa. Lalo na pag pinagpapawisan sila tapos parang kumikinang kinang mga maskels…ahahaaay” banat ni Jay kaya tawang tawa ang dalaga.

“So ganon pala type mong girls? Yung fierce looking?” tanong ni Paulette. “Bakit napunta nanaman sa girls? Sabi ko boys” banat ni Jay. “Oh come on Jay, its just a simple question. Lilihis moves ka nanaman” sabi ng dalaga. “I just find her pretty naman no, she is naman diba?” tanong ni Jay.

“Hmmm well yeah pero parang ang taray ng beauty niya but yeah she is pretty” sabi ni Paulette. Biglang bumagal lakad ni Jay, pasimple siyang nagtungo sa likuran ng dalaga sabay niyuko niya ulo niya. “Ay grabe ang ganda ng dress naman ni Leilani..galing talaga niya pumorma” sabi ng dalaga.

Biglang tumigil si Paulette kaya nabangga siya ni Jay. “Jay ano ba?” reklamo niya. “Bakit ka kasi tumigil sa paglakad?” tanong ng binata. “E bakit ka kasi nandyan sa likuran?” sagot ni Paulette.

“Ha? E nag aayos ako ng salamin e” palusot ng binata. “Ah well as I was saying tignan mo si Leilani. Sa tingin mo bagay ko yang ganyang porma?” tanong ng dalaga. “Sinong Leilani? Saan?” tanong ni Jay. “The one who smiled at you duh” sabi ni Paulette.

“Duh malabo mata ko diba?” sagot ni Jay. “Oh yeah, so ayun siya o yung naka velvet floral dress. Grabe ang simple ng dress but she makes it look so elegant. Type ko yung sandals niya” sabi ni Paulette. Napatingin si Jay kay Leilani, inayos niya ulit glasses niya sabay tinungo ang kanyang ulo.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon