Chapter 19: Pag-Amin

11.4K 171 19
                                    

Chapter 19: Pag-Amin

“Sir, feeling niyo naman close na tayo porke nag usap tayo non sa parking area” sabi ni Jay habang buhat buhay niya yung sobrang daming folders. “Tatlo kayong nahuli sa classroom, dalawa babae. Alangan na sila pakiusapan ko na tumulong sa akin” sagot ni Professor Gonzales.

“Sir, mas mukha nga silang lalake kesa akin e. Yung isa may bigote pa” banat ni Jay kaya biglang natawa ang guro pero agad ito tumigil. “Uy, marunong din pala kayo tumawa sir” biro ni Jay. “Parang may hidden meaning yang sinabi mo” sabi ng guro.

“Wala naman po, ano ba iniisip niyo?” tanong ni Jay. “Nevermind, I already checked the latest quiz” sabi ng guro. “Pinaalala niyo pa sir, nahirapan ako don” sabi ng binata. “You passed, above average actually” sabi ng guro. “Still not enough sir” sabi ni Jay. “Iniisip mo nanaman siya” sabi ng matanda.

“Syempre sir, pag getting of grades baka kasama ko siya. Baka makita niya grades ko kaya gusto naman medyo impressive” sabi ni Jay. “So sila parin ng boyfriend niya?” banat ng professor kaya kumunot noo ni Jay. Biglang natawa ang guro kaya ang binata napailing nalang.

Pagpasok sa faculty room nilapag ni Jay yung mga folder sa lamesa ng professor niya. “Sige po sir” paalam niya. “Mister Perez kahit ganyan sitwasyon mo, nakakabuti siya sa iyo. She inspires you to study” sabi ng propesor. “Baka iniisip niyo na may balak ako mang ahas” bulong ni Jay.

“Of course not, you are just being a friend. Kung lalayuan mo siya baka iba pa maisip niya tungkol sa iyo” sabi ng propersor kaya nagulat si Jay. “Wow, how did you know that?” tanong ni Jay. “I was once like you, may gusto din akong babae noon. Kaya lang she fell in love with someone else”

“Magkaibigan na kami e, I stuck around knowing my place. Alam ko gano kahirap ang pinagdadaanan mo iho” sabi ng guro. “Teka sir, in the end you married her ano? Siya yung wife mo ano?” tanong ni Jay sa tuwa. “Hindi” sagot ng guro kaya nanghina si Jay.

“Akala ko naman inspirational story” bulong ng binata. “Lahat may purpose iho, I stuck around and I am glad I did because later on she had a friend, that friend I really liked. I liked her more than my first crush, she is now my wife” kwento ng propesor.

“Siguro sir heart rob kayo noon ano?” banat ni Jay. “Hearthrob, may H yon, no I was not” nilinaw ng guro sabay napalingon siya para ayusin. “Heart space rob, pag nakita ka laglag puso sa takot” bulong ni Jay. Nagulat siya pagkat may nagbungisngis sa kanyang tabi kaya pagtingin niya nandon pala yung isang propesor niyang babae.

“What were you saying?” tanong ng terror na propesor kaya natameme si Jay. “Binati niya lang ako” sabi ng babaeng propesor kaya nakahinga ng maluwag ang binata. “So as I was saying iho, maging tapat kang kaibigan,  you will never know what is in store for you in the future”

“You might meet someone else that you like but who does not like you, your crush now might know her too so she might be able to vouch for you. May chance din na maging kayo, who knows? Or walang chance pero kukunin kang ninong ng mga anak nila” banat ng guro sabay ngisi kaya napasimangot konti si Jay.

“Mister Perez, minsan nahihigitan pa ng isang tapat na kaibigan ang isang boyfriend” sabi ng propesor. “Words of wisdom, based on experience sir? So nagka boyfriend na kayo noon?” banat ni Jay. Biglang napatawa ng malakas yung babaeng guro sa malapit kaya yung terror na guro ang sama ng titig sa binata.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon