Chapter 15: Best Friend

10.8K 181 26
                                        

Chapter 15: Best Friend

Isang Sabado sa mall magkasama sina Leilani at Jay sa loob ng isang photo studio. “My dad liked this photo so I had this blown up and framed. So what do you think?” tanong ng dalaga. “Wow, she looks like you” banat ni Jay kaya natawa yung dalaga. “Mahusay naman palang photographer yung kaibigan mo, sayang lang talaga siya” sabi ni Jay.

“What do you mean sayang siya?” tanong ni Leilani. “Well I meant, sayang na busy siya. Diba? E di sana mas madami pang photo shoot ang naganap” sabi ni Jay. “I told you happy na ako. Wait lang. Miss pakibox nalang po tapos eto na bayad” sabi ng dalaga.

Nang matapos maseal yung karton lumapit si Jay para siya nalang magkarga. Niyakap niya yung karton sabay tinignan si Leilani. “Hey look I am giving you a hug right now” banat niya kaya natawa crush niya. “Sa tingin mo ba magsusuot ako ng karton?” pacute ni Leilani.

“Joke lang no, so san tayo susunod?” tanong ni Jay. “Uy sorry talaga for spoiling your Saturday ha” lambing ni Leilani. “You are not spoiling it, sa totoo wala naman ako gagawin sa bahay. Kung nasa bahay lang ako maglalaro lang kami ng kapatid ko ng video games kung saan matatalo ako syempre” sabi ni Jay.

“You know that video games is bad din diba?” sabi ng dalaga. “Well my brother is intelligent, as long as he has high grades he can play as long as he wants” sabi ni Jay. “So hilig mo din maglaro ng games?” tanong ni Leilani.

“Hindi, mas prefer ko yung dolls” banat ni Jay kaya napahalakhak yung dalaga. “Joke lang, I..do you know Gundam?” tanong ni Jay. “Oh the robots right?” tanong ng dalaga. “Wow, you know Superman then you know Gundam” sabi ni Jay sa mangha.

“Pare” bigkas ni Leilani sa mababang boses kaya si Jay naman ang napatawa ng malakas. “Di nga how do you know those?” tanong ni Jay. “Dati kasi pag summer we have family reunions. We all stay in one house then madami akong pinsan na mga bata”

“So I know the cartoons like Naruto ata yon, basta yung parang engot pero ang lakas lakas pala na bata then yung guy na humahaba arms and legs niya” kwento ng dalaga. “One Piece” sabi ni Jay sa tuwa. “Then those robots, pero nakakatamad lang kasi magbasa ng subtitle” sabi ni Leilani.

“So sa kanila mo din natutunan about kay Superman siguro no” sabi ni Jay. “Oh no, Superman is my favorite movie. May collection ng DVD yung dad ko. I just didn’t like the part four yung kalaban niya si Solar guy. Pero I loved the newer one where he found out he had a kid. Yung mas bago, medyo dark siya steady lang” sabi ng dalaga.

“Wow, I love Superman too pero I find Iron Man to be a cooler” sabi ni Jay. “I think my dad has a collection of that too, sige nga panoorin ko din yan” sabi ni Leilani. “A little secret, favorite din ng parents ko yung Superman, nung nasa tyan daw ako ng mom ko ang lakas ko daw sumipa”

“Doctors said that I was strong baby, para daw akong atat na lumabas. So they almost named me Clark” sabi ni Jay. “Pangit yung Clark” sabi ni Leilani. “Oo nga daw so they almost named me Kal-el pero baka matukso tukso daw ako at isipin malibog ako” banat ni Jay kaya natawa si Leilani.

“So they named you after his dad, Joerel” sabi ni Leilani. “Yup then added another name that my mom really liked. Kaya siguro sa hilig nila kay Superman ayan lumabo talaga mata ko para totoong totoo na Clark Kent ang peg” banat ni Jay.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon