Chapter 5

733 9 0
                                        

As soon as possible

Chapter 5

It's always strange how Abel's presence easily suffocates me. How his voice and simple touches seem to burn me more than the heat of Summer.

I managed to stay quiet the whole ride. Hindi ako umangal o sinigawan man lang siya. Not because I enjoyed riding a horse with Abel behind me, but Because I pay attention to the directions we're heading.

Halos mabali na ang leeg ng ilang tauhan na nadaanan namin. Para silang nakakita ng multo dahil magkasama kami ni Abel. They're surprised to see me here again with Abel. Ilang araw din ang lumipas simula nang dumating ako dito, ngayon lang ako lumabas ng Cabin.

Huminto kami sa kawan ng mga kabayo. May ilang kabayo ang naroon at kumakain. Unang bumaba si Abel ng walang kahirap-hirap. Muntik ko ng yakapin si Rambo sa leeg dahil sa takot na mahulog ako. It's my first time riding a horse so I don't high high hopes in myself that I can do it best in the first attempt.

"Hawakan mo ang kamay ko." He offered his hand to me again. Hindi ko naman kayang bumaba mag-isa kaya ginawa ko ang sinabi niya kahit labag sa kalooban ko.

I held his hand and waited for him to help me go down, but seconds passed and nothing happened. He didn't bother to move and tell me what to do. Hindi ko naman alam ang gagawin para makababa na ako.

"Ano ba, Abel?" Magkahawak pa rin ang kamay namin. Ubos agad ang pasensya ko. "Tutulungan mo ba akong bumaba or gusto mo lang akong chasingan?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Mahinang natawa si Abel. Nananahimik na nga ako, pero parang pinapainit pa rin niya ang ulo ko. Tapos ano? kapag mainit na ang ulo ko, at susumbatan ko siya, sasabihin niyang 'Napakasama ang ugali mo?' Ang gulo din ng Abel na'to.

"Bubuhatin na lang pala kita."

What? Bakit nag pahawak pa sa kamay?

"You know, What Abel? You're so--." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. He held my waist and carried me down without struggling. Parang isang kilong bigas lang ako sa kanya. Hindi man lang siya pinagpawisan.

Magkaharap na kami ngayon sa isat-isa. Hawak niya pa rin ang magkabila kong bewang. Nasa akin ang atensiyon niya. A playful smile is plastered on his lips while watching my reaction.

"Ano? Aasarin mo na naman Ako? Pero kapag nandyan si Karissa, wala kang lakas na biruin ako, right?" Tinabig ko ang kamay niya at tinalikuran siya.

Nauna ako papunta sa kwadra. Hindi pa maputik dahil hindi pa naman pinapaliguan ang mga Alagang Kabayo. Sa hindi kalayuan, pinalabas na ang ilang baka mula sa kulungan nila. Nagsisimula na ring magkwentuhan ang mga tauhan.

"Abel! Ma'am Luan." Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa lalaking tumawag.

Nakangiti ang lalaki habang papunta sa amin. He's wearing a brown hat, old blue long sleeve shirt and a white towel on his shoulder. He's holding two styrofoam cups. He has an happy energy aura.

"Good Morning Ma'am! Mag kape muna kayo ni Abel." Nakangiting bati si amin ni Mang Carlos, if I remembered his name right.

Nakasunod sa kanya ang isa pang lalaki. Muntik na ulit nitong mabuga ang iniinom na kape nang makita ako. Pumaywang ako at pinagtaasan ito ng kilay. Mukha ba akong manananggal at ganyan siya makapag-react?

"Ma'am Luan, Ikaw pala. Gud morneng! Sakto, may dala akong pandesal." I remember him. Siya ang kinalabit ko noong isang gabi para makapagtanong.

"Pahingi nga niyan, Arvin." Nakangiting lumapit si Abel sa lalaki.

"Oh, dinamihan ko talaga ang bili ko!" Pagmamalaki ni Arvin sabay bukas ng hawak niyang plastic.

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now