Chapter 23
Halos hindi ko na makita ang daan pauwi dahil sa kakaiyak. Pinilit kong pinakalma ang sarili ko dahil kailangan kong huminto sa gate para ibigay ang card at makapasok. I'm just so so tired for everything.
Tahimik pa rin sa resthouse ng makauwi ako. Akala ko tulog pa si Daddy at nagpapahinga pero nadatnan ko siya sa tapat ng kwarto ko, naghihintay sa akin.
I almost flinched when I saw him. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. How can I deny the facts when my swollen eyes speak for the answer?
"Dad, I'm sorry." Pumiyok na agad ang boses ko.
Ayos lang sa akin kung pagalitan niya ako. Ayos lang sa akin kung sigawan niya ako. Kailangan ko lang ibuhos itong sakit na nararamdaman ko. Tumakbo ako sa kanya, sinubsob ang mukha sa dibdib niya. Humagulgol ako at binuhos pa ang sama ng loob. My Father didn't react violently. He tapped my back instead to comfort me.
"Anak..."
Nag-usap kami ng masinsinan ni Daddy. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko. I apologize for all the mistakes I made in the past. For all the headaches I have given them. For being stubborn and insensitive to their feelings.
And then tragedy happened in our family, sa araw pa naman sana ng kasal ng pinsan naming si Dylan.
Nagkakagulo ang mga tao sa bahay ng magising ako. Hindi mapakali si Daddy. Si Mommy naman ay kanina pa hawak ang telephone. Lumapit si Lolo kay Daddy, nag-usap silang dalawa. Kitang-kita ko ang pamumutla ni Daddy.
"Papunta kami riyan! Opo ma. Hindi. Kami lang ni Rex. Maiiwan dito si Luan kasama sila Papa." Si Mommy sa kausap.
"Si Mama ba 'yan?" Tanong ni Daddy kay Mommy. Tumango ang Ina ko.
"Kakausapin ko sila." Inabot ni Mommy ang telephone kay Daddy. Nasa gilid naman nila si Lolo, nakikinig rin.
"Mama? Nadala na ba sa hospital si Callista? Sila Ramon nasaan?"
Natigil ako pag nguya. What happened to her? Magkasama palang kami noong nakaraang araw. Kaya ba hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?
"Grandma. Anong nangyayari? Nasa hospital raw ang pinsan ko?"
Lumapit si Lola at tinapik ang balikat ko. "Yes, apo. Nadatnan siyang walang malay sa balcony ng bahay!"
"Po?!" Kabado akong napatingin sa direksyon nila Mommy. Nag-uusap pa sila. Umalis sila sa kanilang pwesto at umakyat sa taas para siguro mag bihis.
I want to go with them. I want to see Callista! What happened to her? And the way my parents react, it's not normal. It seems that there's something wrong.
"She's holding a bottle of tablets when someone saw her on the balcony. They're thinking that it might be the reason why she's unconscious."
"Overdose, grandma?"
"We still don't know, hija. Sinugod na siya sa hospital."
Dumiretso na sila Mommy sa hospital. Pinili nilang maiwan muna ako. Gusto ko rin sanang sumama para makita sa Callista pero si Daddy na mismo ang kumausap sa akin na manatili sa Bahay.
Tatlong araw lang dapat kami pero tumagal kami ng isang linggo. Ang daming nangyari. Sinugod si Callista sa Ospital at na postponed ang kasal nila Dylan ng araw ding 'yon. I have my own problem too but I set it aside for much more important issues in our family. Hindi ko na ulit Nakita si Abel.
I spend my time going around the gates of Hacienda except the ranch. I'm not sure if Abel knows that I'm still in the Hacienda Del-cojuanco but we didn't see each other again until this day, four years had passed.
YOU ARE READING
Curse of Summer ✔️
RomanceHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #2 Luan is a City girl and a life of a party. She likes to enjoy her youth the way she planned and imagined. She's rich and careless of her expense. But things turns upside down when her Dad decided to put her back to th...