In his arms
Chapter 19
"Pangako, papakasalan kita paglaki natin!" He holds my hands and pinched them tenderly.
I giggled. "Promise?"
"Promise!"
Ngumuso ako. "Baka may iba ka pang crush bukod sa akin ha!"
Umiling siya ng ilang beses. "Hindi. Hindi. Ikaw lang talaga Mau!" He smiled sweetly and gestured his hand as a sign of promise.
"Bakit sa paglaki pa tayo magpapakasal? Pwede naman ngayon!" Pinisil niya ang magkabila kong pisngi at pinangigilan.
"Bawal pa. Wala pa akong work eh! Dapat may pera tayo."
"Sayang naman!" Ngumuso ulit ako.
May pera naman kami. Pwede ko naman siguro Sabihin kay Daddy na magpapakasal na ako. Papayag kaya siya kahit six year-old pa lang ako?
"Liligawan pa kita diba? Pero kapag matanda na tayo! Kapag dalaga ka na!"
"Dalaga na aku!"
Napasinghap ako at nagising. Tumingin ako sa paligid. Dim ang ilaw at tanging lamp ang nakasindi.
Napabuntong-hininga ako at bumalik sa pag higa. Tumitig ako sa kisame habang inaalala ang panaginip ko. It seems so real. Parang totoong nangyari pero impossible. I never had a friend. I'm not even too close to my cousins because it's either they grew up here or overseas.
And who's that boy? Bakit lagi ko siyang napanaginipan? Bakit parang dito sa Hacienda Del-cojuanco nangyari ang lahat? Impossible. Hindi naman ako lumaki dito.
I tried to sleep again but my mind didn't let me. Naisip kong pumunta ng kusina para magtimpla ng gatas. Napahinto ako sa pintuan ng makita si Abel sa salas. Naka-indian seat siya sa carpet. May mga nakalapag na libro at notebooks sa coffee table. May hawak na calculator si Abel at seryoso sa ginagawa.
He then wrote something on the yellow pad. Palipat-lipat ang tingin niya sa calculator at sa padpaper. I stayed hiding on the back of the door to watch his serious handsome face while solving some math problems. His dedication is on a higher level. I know how hard Engineering is. My Father is also an Electrical Engineer and I saw his old thesis and test papers!
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Hindi niya napansin dahil abala siya sa ginagawa. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at nangingiti ko siyang pinanood sa ginagawa. His thick brows almost meet. He's so focused and it made him more handsome!
Kunot-noo siyang napatingin sa gawi ko. Umayos ako bigla ng tayo at tinago ang ngiti.
"Luan." He looks shocked to see me in the middle of the night. "Halika." He stretches his arm, inviting me to come near him.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "You're reviewing?" Pinagmasdan ko ang mga numbers at circuits na nasa papel.
"Ilang taon din kasi akong nahinto. Kailangan ko ulit aralin para hindi mahuli sa lesson kapag nagsimula na ang pasukan."
I nodded.
"Bakit gising ka pa? Hindi ka makatulog?" Malambing niyang tanong habang nakatingin sa akin. Tumango ako ulit. Inayos ni Abel ang ilang hibla ng buhok ko. "Gusto mo ng mainit na gatas? Pagtitimpla kita."
"Ako na ang magtitimpla. Hindi ka pa ba matutulog? Malapit ng mag umaga! Diba may trabaho ka pa bukas?"
Malumanay siyang ngumiti. "Gumising ako kaninang ala-una para mag review."
YOU ARE READING
Curse of Summer ✔️
RomanceHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #2 Luan is a City girl and a life of a party. She likes to enjoy her youth the way she planned and imagined. She's rich and careless of her expense. But things turns upside down when her Dad decided to put her back to th...