Chapter 13

519 5 0
                                    

Never

Chapter 13

"Can you please stop pushing me?" Matalim na tingin ang binigay ko kay Abel mula sa likuran ko. Nakangising aso lang siya, hawak ang balikat ko.

"Hindi naman kita tinutulak, inuusog lang." See? Pilosopo talaga ang Abel na'to. Mabuti na lang at friends na kami. 

"I'm scared, can't you see?" Umurong ako ng lumapit sa akin ang pinakamalaking manok sa kulungan. "Shooo!" Tinaboy ko ito palayo gamit ang pag paypay.

"Uy, bakit mo tinatakot? Akala ko ba papakainin mo sila?" Si Abel sa likuran ko.

"Huwag mo nga akong pangunahan." Pawis na ang kamay kong may hawak ng feeds. Lumapit ang mas maliit na manok, napakapit ako sa braso ni Abel.

"Ang liit lang niyan. Ang kyut oh." 

"Gosh, I'm scared! Baka tukain nila ako." Niyakap ko ang sarili ko.

"Pero kapag pogi ang tumuka, di ka takot?" Pang-aasar niya pa.

Humarap ako sa kanya at nagpamaywang. "Pwede ba, Abel." Mahinang tumawa si Abel at muli akong pinaharap sa mga manok.

"Isaboy mo na. Nag promise ka pa lang kanina na hindi ka na matatakot sa kanila."

"Hello? Promises are meant to be broken kaya."

Hinawakan ni Abel ang palad ko at ginalaw para maisaboy ang feeds na hawak. Sumugod ang mga manok sa harapan ko kaya tumakbo ako sa likod ni Abel para mag tago. Sumilip ako ng kaunti para makita ang ginagawa ng mga chickens. Pumipito naman si Abel para tawagin ang iba pa.

"They look scary." Bulong ko.

"Bakit feeds ka ba? Ikaw ba tutukain?---Aruy!" Hinampas ko siya ng malakas sa braso. 

"Everyone has their own weakness and strength Abel. If you're not scared of chickens, Don't expect everyone to be the same as you." 

Abel groaned which made his Adams apple moves. "Humugot pa, Oo."

I just rolled my eyes. Tahimik ko silang pinanood habang tinutuka ang feeds. "May pasabi-sabi ka pang face your fear to grow, kanina ha." Panunumbat niya sa akin.

"Well, tomorrow is another day to try." Positibo kong sagot sabay taas ng noo.

Umakbay siya sa akin. "Osige, kapag bukas hindi mo nagawa, ikaw ang maglilinis ng mga dumi nila."

Inalis ko ang braso niya sa balikat ko, Masyado mabigat at nangalay agad ako. "Excuse me? Ayaw ko nga." Abel's hard chest moves when he chuckles.

After hours of attempting to feed the Chickens, I decided to quit and cook food for our breakfast, instead. Pupunta pa kami sa kulungan ng mga kabayo para Icheck ang mga ito. Si Abel ang namumuno sa pag-aalaga ng mga kabayo. May sarili namang tagapangalaga ang bawat isa pero kailan masiguro ni Abel na talagang nasa maayos silang kalagayan

"Wow, ano ang niluto mo?" Manghang acting ni Abel ng makita na nililipat ko sa plato ang sunnyside up egg. Nakaupo na si Abel at may hawak na spoon and pork. Handa na rin ang plato niya.

"See, hindi lang hard boiled egg ang kaya ko." Taas noo kong sabi. 

"Tignan nga natin kung papasa sa panlasa ni Chef. Abel" Umayos siya ng upo at nag feeling.

Umirap ako at sunod na hinain ang fried rice. I'm happy that I'm starting to learn how to cook. Hindi naman ako iniiwan ni Abel sa kusina, pero hindi rin niya ako pinangungunahan. Sasagot lang siya kung may concern ako.

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now