Boodle Fight.
Chapter 7
I was eager to have someone in my life I can call friend, that it's fine for me to be mistreated. Maybe that's the reason why those people abused me, because they know what's my weakness, that is to be accepted from who I am.
"Nabasa ka na." Narinig ko ang boses ni Abel. Kanina pa pala malalim ang iniisip ko. He wrapped a towel around my shoulder. Hindi na ako nag salita dahil nakaramdam na ako ng lamig.
"Ikaw ba ang naligo o si Alba?" Masamang tingin lang ang naging sagot ko. Hindi ba titigil ang Abel na'to? Malapit ko na ulit siya masampal. "Gutom ka na ba? Nagluto sila Oliver ng tanghalian. Ayos lang ba sayo kung sasama tayo sa kanila?"
"Do I have a choice?" Sawang-sawa na ako sa nilagang itlog!
Naiiwan ako sa bahay at hindi lumalabas ng kwarto unless maliligo o mag bathroom ako. Abel wasn't around until five in the afternoon kaya kailangan kong magluto ng sariling pagkain kahit hindi ako marunong. He's ruthless! Hindi niya man lang naisip na magugutom ako kung wala siya dahil hindi naman ako marunong.
Matamis na ngiti ang binigay sa akin ni Abel. "Mag bihis ka muna. Uuwi tayo saglit."
Sabay kaming lumabas ng barn house. Mainit na at tirik ang sikat ng araw. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang palad at tumingala sa kalangitan.
There are trees that can shade you from the sun's rays but it's not enough for me. Naghalo pa rin ang pawis at lamig sa katawan ko. Mahigpit kong niyakap ang towel.
"Sumakay ka na kay Rambo."
"Huwag mo akong manduhan!" Suplada kong sagot baka lumapit kay Rambo.
As usual, tatawa-tawa lang si Abel sa likuran ko! Tinulungan niya akong sumakay sa kabayo. Hawak niya ang bewang ko, habang umakyat ako sa abot ng makakaya ko.
I also want to learn things, but I'm not that hard on myself. Alam kong hindi ako magiging magaling sa isang bagay sa unang subok lang. I need help from people who's knowledgeable about it. I need time and practice to be familiar and better on it.
"Wow, fast learner si Ma'am." Ngisi niyang biro sa akin. Naubos na ata ang kumulo kong dugo at nag evaporate na sa hangin dahil sa palaging pag-init nito kay Abel.
"Saan ka ba pinaglihi no'ng pinagbubuntis ka at napaka-mapang asar mo?" Sumakay na rin si Abel sa likuran.
"Ikaw ba, saan ka pinaglihi at pikon ka masyado?" Humawak ang isa niyang palad sa bewang ko. Inabot naman ng isang kamay niya ang tali ni Rambo. Nag mukha tuloy nakayakap sa balikat ko ang isa niyang kamay at sa bewang naman ang isa pa.
"Umusog ka nga." Bahagya ko siyang siniko sa tiyan. Ang tigas pala ng kalamnan niya.
"Mahuhulog ako, sige ka." Nag simula kaming umandar. Hindi ko nakikita ang mukha ni Abel dahil nasa likuran ko siya, pero alam kong nakangisi ang lalaking 'yan sa mga oras na'to.
"Pakialam ko sayo." Yamot kong sagot. He chuckled behind me. Bumilis ng kaunti si Rambo kaya nagsimulang magliparan ang strand ng buhok ko.
"Hindi naman masarap ang buhok mo, bakit pinapakain mo sa'kin?"
"Shut up, Abel!" Mapapatid na ata ang ugat ko sa lalaking 'to. Kasalanan ko bang mabilis siyang magpatakbo?
"Biro lang, mainitin talaga ang ulo." He Joked before gathering the strands of my hair in one side.
Napasinghap ako sa ginawa niya. I got anxious again when he removed his arm around my waist. Masyadong mabilis si Rambo. Naiimagine kong tatalsik ako ano mang oras mula ngayon.
YOU ARE READING
Curse of Summer ✔️
RomanceHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #2 Luan is a City girl and a life of a party. She likes to enjoy her youth the way she planned and imagined. She's rich and careless of her expense. But things turns upside down when her Dad decided to put her back to th...