Chapter 34
"Kindly get off your hands on her waist." Kalmado ngunit may diin nitong utos kay Helios.
Everyone went silent for seconds. I saw how Roxanne's forehead creased. Palitan ang tingin niya sa aming tatlo. Umingay lang ulit ng mahinang tumawa si Helios.
"Why would I? I like holding her waist." Pang-aasar pa ni Helios sabay kapit ng mas mahigpit sa bewang ko.
Napalunok ako sa nakikitang galit sa mga mata ni Abel. Parang gusto niya ng yayain ng suntukan si Helios. Kung alam niya lang sana na sa sabunutan magaling itong kaibigan ko.
"Is she your girlfriend? Pumayag ba siyang magpahawak sa'yo? Did you ask her permission before doing that?" Naririnig ko na ang iritasyon sa boses ni Abel.
"Is she your girlfriend? Possession? Why do you sound so possessive, Engr?" Helios backfired.
Mariin akong napapikit at kusang inalis ang kamay ni Helios sa akin. It's better this way. I want to cut the tension that's building between them. Helios is just teasing him at ito namang si Abel ay parang masyadong pikon.
"Excuse me? May I know what's happening here?" Si Roxanne na hindi makarelate dahil extra lang naman talaga rito.
Kay Abel siya nakatingin at nakangiti. He only wants to know Abel's side of the story. Of course he likes him, I can sense it. Hindi naman siya ang unang Babaeng nagkagusto kay Abel. She's trying to make sure that Abel's attention isn't still someone else's possession.
Bago pa makasagot si Abel, tumikhim na ako. "Mauuna na kami, Architect, Engr. Lopez." Pormal kong paalam.
"Okay, Ms." Magalang na sagot ni Roxanne, nabuhayan ng dugo dahil lulubayan na namin silang dalawa ni Abel.
Mabagal na tango lang ang sagot ni Abel. Labag pa yata sa loob niya. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kahit papalayo na kami ni Helios.
"Helios!" Suway ko sa kaibigan ng makalayo na kami sa kanila.
Wala naman sa usapan namin ito! At wala akong sinabing gawin niya 'yon sa harapan ni Abel. Muntik ko na siyang sabunutan. Hindi ko alam kong dapat ba akong magalit o magpasalamat sa kanya.
Napailing ako sa malakas na tawa ni Helios. Hawak niya pa ang tiyan at natulak pa ako ng isang beses. Matatawa na sana ako kung hindi ko lang naalala ang galit ni mukha ni Abel habang papalayo kami.
"Beh, selos na selos! Ganda ka?!" Nakangisi niyang tudyo.
Pinagkrus ko ang aking mga kamay saka ko siya pinaningkitan.
"Right, Honey?" Inulit niya pa ang malalim na boses na ginamit kanina ng kaharap namin si Abel.
"You're crazy, Helios."
"Sus! Napakapabebe nyo. Mukhang gusto niyo naman ang isat-isa." Umirap ang mga mata niya.
"I'm not pabebe, ok?"
"Eh? Pabibi lang?"
Umirap ako. "There's what you called boundaries, Helios. You can't just love someone who has boundaries. Libre ang magmahal pero may mga kondisyon. Hindi porket mahal mo, pwede ng mapasayo. Minsan sa malayo mo lang sila pwede mahalin."
Pagod na kami pagbalik ng Cabin. Hapon na rin kami nakauwi ni Helios dahil sa pag-iikot at kwentuhan. Magpapahinga lang kami ng konti, kanila grandpa kami magdidinner.
Malalim ang iniisip ko habang nakababad sa bathtub. Pinaglaruan ng kamay ko ang bula sa tubig. Gusto kong bawalan ang sarili ko. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang gabing pinagsaluhan namin ni Abel. Kung paano dumampi ang labi niya sa akin. Kung gaano kainit ang hawak niya sa balat ko. Ugh, Luan. Kumalma ka!
YOU ARE READING
Curse of Summer ✔️
RomansaHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #2 Luan is a City girl and a life of a party. She likes to enjoy her youth the way she planned and imagined. She's rich and careless of her expense. But things turns upside down when her Dad decided to put her back to th...