Chapter 27

528 8 0
                                    

Chapter 27

"Bibisita kami diyan next week ha!" It's Safiya on the video call. 

I smiled and nodded. "Sure. Just inform me for the exact date so I can prepare something for you and Helios."

"Kamusta na pala si Philip? Baka malungkot siya. Pakilala mo naman ako."

Si Helios na nahampas pa sa balikat si Safiya. Napanganga si Safiya at umangal sa ginawa ni Helios. Saglit na nag bangayan ang dalawa bago bumalik sa akin ang atensyon.

"I thought you added him on Facebook? Why not try to chat with him?" Sabi ko, sumalumbaba habang nakatingin sa screen ng tablet.

Umirap si Helios. "Diba pinopormahan ka non?"

"He didn't say he likes me directly so I don't know." Walang pake kong sagot.

"Anong I don't know? Lagi kang pinapadalhan ng bulaklak at chocolate sa office. Hinahatid ka pa sa bahay mo. Wala lang 'yon?"

"Maybe he's just a good Samaritan."

Nagkatinginan ang dalawa bago humalakhak at nagtulakan. Parang isang malaking katangahan ang sinabi ko kaya tawang-tawa sila.

"Good Samaritan? Dai, ano 'to? Wish ko lang ni  Ms. Vicky Morales?" Banat ni Helios na mas lalong ikinatawa ni Safiya. 

Safiya wipes up the drops of tears in her eyes. "Hayaan mo na siya Helios. Ilan na ba ang nanligaw sayo? Diba binasted mo lahat."

Ngumuso ako. "Nagkataon lang naman na hindi ko sila type."

"Nako teh, sa sobrang choosy mo sa lalaki, pwede ng manirahan ang multo diyan sa keps mo. Ang tagal mo ng walang dilig!" Si Helios na walang pasada ang bibig.

Humalukipkip ako. "Ikaw nga isang dekada ng el niño ang sex life mo." I backfired.

"Hoy, excuse me. Active ang sex  life ko!" Tinuro niya pa ako mula sa screen. Hinila ni Safiya ang braso niya para pakalmahin. Natatawang sumiksik si Safiya para siya ang makita sa screen.

"May napanood ako sa tiktok. Kapag daw walang dilig nakikipag away tungkol sa sex life."

"Excuse me?!" Sabay pa kami ni Helios. Malakas na tumawa Safiya, nakahanap ng clown sa aming dalawa ni Helios.

Plano nilang manatili ng ilang araw sa resort at kung pwede ilibot sa Hacienda. Kakausapin ko na lang si Lolo o kaya ay si Tyrell para mapadali ang pass card nila.

There's a bouquet of flower in my table when I entered my office early in the morning. Walang nakalagay kung kanino galing. A simple 'have a good day' is the only sentence I found on the card and no sender name. Nagkibit-balikat ako at inamoy ang rosas. Si Philip lang naman ang madalas mag padala ng ganito sa office ko. Nakalimutan niya lang sigurong ilagay ang pangalan nya. Maybe he thinks I'll know that he sent this even without his name on the card.

That's what I thought. After two days, I received two bouquet of flowers. One has Philip's name and the other has only a greetings and no sender name. 

So hindi kay Philip galing ang mga bouquet na natanggap ko noong mga nakaraang araw? I decided to call him. Magpapasalamat ako sa bigay niya. 

"Good morning, Ma'am." He greeted in a husky voice.

"Good morning, Philip. Thank you for the bouquet of flowers. I appreciate it."

"Bouquet of roses? Hindi rosas ang pinadala ko, manager." Mahinahon na sagot ni Philip sa akin.

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now