Chapter 31
"Dad, aakyat na po ako sa taas."
Paalam ko kay Daddy pagkatapos ng matagal na kwentuhan. Hindi ko magawang sumabay sa tawanan at biruan nila dahil problemado ako sa pag labas namin ni Abel bukas.
"Are you sure?" Nakangiting tanong ni Daddy habang nakatingala sa akin. I smiled and nodded. "Matutulog ka na ba?"
"Magchicheck muna po ako ng reports sa email."
"Okay, Mau. Kung di ka pa pagod pwede kang bumalik dito pagkatapos mong mag check ng emails." Si Mommy.
"Okay." Binigyan ko sila ng halik sa pisngi, including Yaya and Tatay jude.
"Ako, wala?" Bulong ni Abel habang nagpipigil ng ngiti.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Wala naman reaksyon ang mga taong nakapaligid sa amin. Hindi ba nila narinig ang sinabi ni Abel?
"Akyat na po ako sa taas."
"Ihahatid na kita." Tumayo si Abel, napatingin kaming lahat sa kanya.
"Hindi naman ako maliligaw sa sarili kong bahay." Hindi ko na napigilan ang iritasyon na kanina ko pa tinatago.
"Anak, nag magandang loob lang si Engr. Lopez. Wala namang masama doon." Pagtatanggol ni Daddy sa paborito niyang anak. Tsk.
"Sige na, Abel. Pumanhik na kayo." Malumanay na sabi ni Mommy. Umikot ang mga mata ko at naunang naglakad.
"Pagod ka na ba, Mau?" Tanong ni Abel mula sa likuran habang paakyat kami ng hagdan. Hindi ako kumibo. "Saan mo pala gusto pumunta bukas? May gusto ka bang puntahan?"
"Kung saan mo gusto." Pagod kong sagot. Tumango siya sa akin. Binuksan ko na ang pinto ng kwarto para pumasok. Nanatiling nakatayo si Abel sa tapat ng kwarto ko. "May kailangan ka pa ba?"
His stare made me conscious. May dumi ba ako? May mali ba sa mukha ko? Kapalit-palit ba talaga ako? Bakit niloko niya ako? Bakit pinagpalit sa iba?! Hmp.
"Wala naman. Goodnight, Mau."
"Goodnight Abel." Hinintay ko siyang umalis bago isara ang pinto pero hindi man lang siya lumakad palayo, ni di gumalaw sa pwesto niya.
"Yes?" Puna ko sa kanya.
Ayaw ko naman siyang pagsaraduhan na lang bigla ng pintuan. I've been rude to him for months already. Mga magulang ko at si Yaya ang nag imbita sa kanya, kaya ayaw kong maging bastos.
"You look beautiful tonight, Mau." He smiled softly.
Napalunok ako. Mabilis na tumagos sa puso ko ang sinabi ni Abel pero gustuhin ko mang matuwa o kiligin, pinigilan ko ang sarili ko.
"Thank You, Abel. You also look good tonight." Ngumiti ako ng tipid.
Ngumiti pabalik si Abel sa akin at tumango. I want to hold his face and tell him how handsome he is. I want to wrap my hand around his waist and kiss his edible lips, but all of my thoughts are forbidden. Thinking of these are sins. I should have restrictions. Abel is not mine, and I doubt if he's been mine before.
"Isasara ko na ang pinto." Paalam ko.
"Okay, Mau."
Unti-unti kong sinara ang pintuan. Unti-unting nawala sa paningin ko si Abel. Sumandal ako sa pinto at napahilamos sa sarili. Mababaliw na yata ako. Palagi ko na lang nakikita si Abel.
"I don't like him..Masyadong malakas ang hangin ng utak! Parang 'yung pinsan mo." Pagmamaktol ni Safiya habang nasa salon kaming dalawa.
I decided to cut and color my hair for a change. Ipapakulay ko ng ash blonde at gupit na bago sa balikat ang haba. I asked Safiya to accompany me. Buti na lang at pumayag kahit may trabaho siya.
YOU ARE READING
Curse of Summer ✔️
RomantikHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #2 Luan is a City girl and a life of a party. She likes to enjoy her youth the way she planned and imagined. She's rich and careless of her expense. But things turns upside down when her Dad decided to put her back to th...