Chapter 11

525 7 0
                                    

Complicated

CHAPTER 11

"You're not going to the barn?" Hindi pa siya nag-aayos ng sarili. Sumilip ako sa kusina at naabutan ko siyang naghihiwa ng sangkap. His broad shoulder flexed its strength and defines its glory every moves he's making.

"Hindi muna." Humarap siya sa akin at pinagkrus ang braso. "Kamusta ang pakiramdam mo?"

"I'm perfectly fine." Sumandal ako sa hamba ng pintuan sa kusina. Sinuri niya ang kabuuhan ko bago tumango.

"Kung ganon, mag pahinga ka pa rin." Tumalikod na siya para ipagpatuloy ang ginagawa. I don't want to stay in my bed for the whole day. Isang araw na akong nagkulong sa kama ko. I need to exercise my bones, you know.

"What are you cooking?" Lumapit ako sa kanya at sinilip ang hinihiwa niyang sibuyas.

"Kare-kare."

"Kare-kare. I like Kare-kare!" Actually, that's my favourite dish! I can live a week eating that food. Sinunod niyang hiniwa ang sitaw at talong. Tahimik kong pinanood ang bawat galaw niya para matuto. "How kare-kare turns out to be color orangey?"

"Nilalagyan ng asuete ang kare-kare para mag kulay ganon."

"Asuete as in Annatto seeds?" Kinuha niya ang pack ng tinutukoy na sangkap at pinakita sa akin. Pinakatitigan ko ang powder sa loob ng plastik.

"Oo. Pampalasa at pampakulay 'yan."

"Ohh." My lips formed in an 'O'. "Now I know!"

"Gusto mong matuto magluto ng kare-kare?" Medyo nag-aalangan niyang tanong. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Somehow I feel happy and excited. I always dream learning how to cook food but I never got a chance. My mom never let me do it.

"Sure!" Ngumiti si Abel at pinisil ang ilong ko. Sumimangot ako sa ginawa niya. "Why are you always pinching my nose?"

"Because you're cute." Pinaningkitan niya ako ng mata habang nakangiti.

"I'm not just cute."

"You're also gorgeous? Yes, you're."

Napasinghap ako sa narinig. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang laki bigla ng epekto sa akin ng sinabi ni Abel. He's just teasing you! At masyado ka namang affected? What are you, Luan? Marupok?

"Ganyan ka ba talaga? Bolero? Kaya mo siguro nakuha ang puso ni Karissa. Sa mga matamis mong kasinungalingan." Mapakla kong sabi. Tumawa ng malakas si Abel.

"Hindi ko pagmamay-ari si Karissa."

"Whatever, Abel." Nakangisi na naman siya at mas lalo akong naiirita. Tumikhim si Abel na parang nagpipigil ng tawa. "Turuan mo na ako bago pa uminit ang ulo ko sayo."

"Ibang klase." Naiiling at nakangising sabi ni Abel. "Una, ihanda mo muna ang mga sangkap."

"Okay."

"Peanut butter at asuete ang pinakamahalagang sangkap ng Kare-kare."

"Okay." Humalukipkip ako habang seryosong nakikinig.

"Una, maghihiwa ka ng sibuyas."

"Okay."

"Pagkatapos, gulay naman. Pag hiwalay-hiwalayin mo lang ang petchay.. Hindi mo na kailangan hiwain tulad ng sitaw at talong."

"Okay."

Umangat ang tingin ni Abel sa akin, medyo natatawa. Napalitan ng pagkasimangot ang inosente kong mukha.

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now