Chapter 10

549 8 2
                                    

Sana

Chapter 10

I groaned in pain when I woke up. My body feels hot and heavy. 

"Luan." It's Abel's voice beside my bed. I weakly look at him. He was sitting on a chair and guarding me. may planggana at bimpo sa side table. 

"What happened?" malat kong tanong. gusto ko na ulit matulog. when was the last time I got sick? I don't remember. 

"Nawalan ka ng malay. mataas ang lagnat mo." 

He touches the skin under my chin. Kinuha niya ang thermometer sa gilid at inipit sa kili-kili ko. Wala akong lakas kaya hinayaan ko na siya sa dapat na gawin.

"kukunin ko lang ang niluto kong sopas."

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi sumasagot. I don't have the energy to speak. I feel so sleepy and weak. I don't like this feeling! 

"Kumain ka muna." tinulungan niya akong maupo. nag lagay siya ng unan sa likuran ko para hindi ako pasukan ng lamig sa likod. walang headboard ang kama ko at diretsong pader na.

"I don't have the appetite." Tinignan ko ang bowl na hawak niya.

"Kahit konti lang. kailangan mong kumain para makainom ng gamot."I sniffen. I don't even like the taste of medicine and I'll be taking one again.

Abel scoop a spoon of soup and feed me. Pinilit ko ang sarili kong kumain kahit wala akong kagana-gana. Kahit alam kong masarap magluto si Abel, walang naging lasa ang sopas sa dila ko.

"Ayaw ko na." pang-apat na subo at hindi ko na talaga kaya. Tumango si Abel at hindi na ako pinilit. 

"Inom ka na ulit ng gamot." Binuksan niya ang paracetamol at siya mismo ang nag painom sa akin.

Tinignan ko ang oras at nakita kong malapit ng mag alas-singko. "Hindi ka pupunta sa kwadra? hindi ba dapat alas-kwatro nandon ka na?"

"Hindi muna ako pumunta." Hinaplos niya ang buhok ko. "Masakit pa ba ang ulo mo? Kumikirot?" Kumurap ako at umiling. 

How odd that a stranger cared for me and asked what I felt. Abel and I always had an argument ever since I lived with him. It's me who has a problem. I'm not treating him right. palagi kong naiisip na kasabwat siya sa pagpapahirap sa akin.

"It's tolerable. I'm okay." 

Malambing na ngumiti si Abel. "Ang paa mo? masakit pa?"

"Hindi na masyado." He caressed my cheek. 

"Mag pahinga ka na ulit. Gigisingin kita sa susunod mong pag inom ng gamot." Inayos niya ang kumot ko.

"You don't have to help me, Abel. Hindi naman kailangan. Hindi naman kita isusumbong kay Daddy. Isa pa, ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nagkasakit. It's my fault and you don't need to be responsible for it."

"May sakit ka na, taray mo pa rin." Natatawa niyang komento, parang hindi narinig ang sinabi ko. "Hindi kita iiwan dito hanggat hindi ka gumagaling." Seryosong tingin ang binigay ko sa kanya. 

The only people who cares for me are my family. That's something I figured out at an early age. But despite knowing the fact that they're the ones who genuinely love me, I still crave for a different kind of love, friends and a partner, but I never acquired one. That's why I doubt  someone who shows affection towards me.

"I can handle myself." Umismid ako.

"Opo, sige." 

He's not taking me seriously! 

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now