Chapter 25
"Nakita ko na ang anak niya, Yaya." Padaba akong humiga sa kama hawak ang tablet ko.
She's preparing dinner for my parents in the kitchen when I called. She's chopping onions and garlics. Huminto siya sa ginagawa. Tumagilid ang ulo niya para makita ang mukha ko.
"Sure ka bang anak niya 'yon? Baka naman pinaako lang sa kanya! Ganon kaya sa mga telenovela."
Sumalumbaba ako at mahinang natawa. "Magkamukhang magkamukha sila. Impossibleng anak si Leobel ng iba."
"Leobel….Abel...Aba magkatunog rin. Iiyak mo na lang 'yan, sige." Biro niya na ikinanguso ko.
"Ubos na ang luha ko, yaya. I'm okay na." Pinilit kong ngumiti. Nanginig rin ang gilid ng labi ko dahil sa kaplastikan ko.
"Sows! Hindi nga?"
"Yaya naman eh."
Humalakhak siya. "Sagutin mo na kaya si Gerard. Diba isang taon ng nanliligaw sayo?" Nakilala ko si Gerard sa isang family gathering sa hacienda.
Well, gwapo naman siya pero Hindi ko type. Gusto ko kasi sa lalaki ay 'yong matangkad, moreno, matalino, Electrical Engineer at nagsisimula sa A ang pangalan... Just kidding.
"Binasted ko na 'yon, Yaya." Gumulong ako sa kama.
"Bakit mo naman binusted? Mabait naman ata 'yon."
"He's not my type."
Umangat ang dalawa niyang kilay. "Eh ano pala ang gusto mo? Hot na lalaking may tatlong taong gulang na anak? Nakow, Luan." Nahampas niya ang mesa at sumimangot. Damang-dama niya talaga. "May asawa na 'yon. Nanahimik na 'yong tao. Uso na nga ang kabit sa palabas." Nagpamaywang siya. "Huwag mo nang i-adopt sa totoong buhay." Napailing-iling pa siya.
"Yaya, I never said I'll steal Abel or seduce him!"
"Oh, edi lumabas rin ang totoo. Naku, nadulas ka na. Abel pa more!"
Natawa lang ako sa reaksyon nya. Parang galit na galit siya na ewan. Naningkit pa lalo ang mga mata ko sa pagtawa sa banat niya.
The first three months of the process were the hardest. I almost gave up and passed the position to my cousins. There are times that I'm so badly stressed that I end up crying in my office. Some days I question my capacity and ability to be a leader but I forced myself to learn the things I didn't know because that's growth, doing things you thought you're not capable of.
It took us months to finalize the design. Ilang ulit nag meeting para sa revision ng design bago pumirma ng kontrata. Pati ang costing ay pinag-usapan ng mabuti. The work on site is very stressful too. Hindi maiwasan ang misunderstanding sa pagitan ng mga Engineers, Architects at mga ibang workers sa site. Idagdag mo pa ang matinding sikat ng araw na hindi ko kinakaya. Naliligo na ako ng pawis sa pagbalik ng opisina tuwing sasama ako mag field. The heat of summer is really killing me!
"We need additional workforce to acquire fifty percent completion by the end of the Year." Engr. Capili said.
"The land is very huge. If we want to finish the construction with good quality and standards, we need to outsource." Engr. Philip added.
"Tag-init kaya mabilis pa ang paggawa pero pagdating ng tag-ulan, doon na tayo mahihirapan."
"Pero mas mura ang mga materyales."
"Right." I nodded and took notes of their concerns. Mas makakabisado ko kung ako mismo ang magsusulat. Ako ang nakaupo sa pinakagitna ng long table.
YOU ARE READING
Curse of Summer ✔️
RomanceHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #2 Luan is a City girl and a life of a party. She likes to enjoy her youth the way she planned and imagined. She's rich and careless of her expense. But things turns upside down when her Dad decided to put her back to th...