Last Chapter

931 16 3
                                    

This is the season in my life where I have many doubts about my future. I sometimes feel anxious, thinking about my purpose in life.

And everytime I feel down, I think of the stories I have completed and those who appreciates it. And by that, it gives me new hope. 

Thank you. ❤️

___________________________________________

Chapter 41

Malakas ang tibok ng puso at kabado ako pero pilit kong tinago. Pinagpraktisan ko na 'to ng ilang ulit kaya hindi dapat ako kabahan. Pero paano nga ba hindi kabahan kung nasa harap mo ang magulang ng Babaeng mahal mo? Ah, medyo corny pakinggan.

Ang kaninang naguguluhang mukha ni Tita Loreen ay napalitan ng ngiti. Pinunasan niya ang gilid ng mga mata dahil sa namuong luha.

"That's Good News!" Muntik akong mapatalon sa upuan sa narinig. Tanggap na ako ni Tita para sa anak niya. Alam kong marami pa akong dapat patunayan pero ito, at masaya siya para sa amin. "I'm very happy to know that!" 

Nagkatinginan kami ni Luan, nakangiti sa isat-isa. Kinuha ko ang kamay niya at pinagsiklop sa akin. Akala ko noon, hindi na mangyayari ito. Akala ko pangarap lang ito ng isang batang Lalaki na ng tumanda, hindi pa rin nawala. Pero ito ako ngayon, hawak ang pangarap ko.

"Congratulations to the both of you. Ramdam ko noon pa man na kayo talaga ang para sa isat-isa. Hindi nga ako nagkamali!" Natatawang dagdag ni Tito. 

"Kaya ba dinala mo si Luan noon sa Hacienda at si Abel ang inutusan mong magbantay?!" Si Tito na napagtanto ang lahat. Tensionadong uminom ng wine ang Ama ni Luan. "Sumagot ka, Rex!"

"Medyo." Ngumuso ito at umakbay sa asawa. "Galit ka ba? Tignan mo at masaya naman sila ngayon." 

Pinaningkitan siya ng mga mata ni Tita Loreen. "So, You're low-key pairing the two, huh?"

"Bagay naman sila ah! Ayaw mo ba ng gwapo at magandang apo?"

Saglit na nag-isip si Tita. "Naku, Rex. Mabuti na lang talaga at pinatunayan nilang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Wala naman na akong masasabi. Abel showed me how much he loves our Daughter. And I see how he works hard to achieve what he has today. At kahit hindi naging maganda ang pakikitungo ko noon sa kanya, talagang sinuyo pa rin ako para makumbinsi!"

Nagkatinginan kami ni Tita Loreen at parehong ngumiti sa isat-isa. Kung iisipin ang noon, akala ko hanggang pangarap lang ang meron ako ngayon. Ang makasama si Luan at matanggap ng magulang niya. Ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Pero higit sa lahat, ang mabigyan ulit ng pagkakataong mahalin ni Luan.

"How dare you dictate what I'm supposed to do?!"

Awit. Napaurong ako. Bakit galit agad? Di pwedeng magdamit muna bago ako sungitan? Buti na lang maganda pa rin siya kahit galit.

"Luan! Bakit ganyan ang ugali mo?" 

Hindi naman siya ganito noong bata pa. At kung hindi lang ito ang utos sa akin ni Sir Rex, na maging matigas at huwag siyang i-spoil, sisikapin ko na mabigay ang gusto niya. Pero tama ang Tatay niya. Na kailangan niya ring matuto dahil para rin ito sa kanya. Hindi habang buhay, nandyan ang mga magulang ni Luan. At sa nakikita ko, kung magiging malambot ako sa kaniya, mas lalong hindi siya makikinig sa akin.

"Alam mo, hindi ko alam kung anong nakita ni Daddy sayo para ipaubaya niya ako Sa'yo! At anong pumasok sa isip niya para hayaan ako na manirahan sa isang pugad kasama mo! I don't see any potential in you. You're rude and disrespectful. Hindi ka marunong lumugar. Kung umasta ka, akala mo kung sino kang mas mataas ang antas sa akin!" 

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now