Chapter 30

495 8 0
                                    

Chapter 30.

"Wipe your own freaking sweat."  Binaon ko sa dibdib niya ang may pawis niyang damit. 

Namumuro na talaga ang lalaking 'to. Kaunti na lang at papatulan ko na ang gusto niya---papatulan ko na siya---. Damn, pangit rin pala pakinggan.

Abel licked his lower lip and chuckled. Nag martsa ako palayo. Tsk. Playboy!

"Nagbibiro lang naman ako, sorry na…"

Nanghina ang mga tuhod ko sa malambing niyang boses pero pinilit ko pa rin lumakad palayo. Hindi ko siya pinansin. Diretso lang ang lakad ko. 

"Nagbibiro lang po ako." 

Po? Fuck you, Abel. That sounds so sexy.

"Okay. Nagbibiro ka lang. Pwedeng iwanan mo na ako? Uuwi na kasi ako eh." Sarkasmo kong tanong sabay ngiti na naasar.

"Okay po." 

Natatawa niyang sagot sabay  tapik sa tip ng ilong ko. Galit ko siyang tinignan. Hahampasin ko sana siya pero hinuli niya ang noo ko at inilayo sa kaniya.

"How dare you!" Hindi ko siya maabot para masuntok. Tawang-tawa siya sa akin. Hinihingal akong tumigil at umayos ng tayo. "Hmp!" Inirapan ko siya at iniwan na. 

Narinig ko pa rin ang yapak ng mga paa niya. Masamang tingin ang tinapon ko sa kanya.

"Stop Following me!" Umirap ulit ako at padabog na naglakad.

"Ihahatid lang kita para alam ko na safe ka."

"Thanks." Tagilid na ngiti ang binigay ko ng makapasok sa loob ng cabin ko. Pinagmasdan niya ng mabuti ang labas ng cabin, kinakabisado ang bawat detalye dito.

"Welcome, Mau."

Matamis na ngiti ang binalik niya sa akin kahit alam niyang painsulto ang pagpapasalamat ko.Isasara ko na sana ang pinto pero hinarang niya ang kamay niya. Napangiwi ako.

"What, Abel?"

"Uhmm. Have a good day, Mau."

"Ikaw rin." Pilit kong sagot. Napatango siya. Sinara ko na ng tuluyan ang pinto at hindi hinintay ang anumang sasabihin niya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Halos hindi yata ako huminga kanina ng kausap ko si Abel. Pinukpok ko ng bahagya ang ulo sa pader. Nasisiraan na nga siguro ako ng bait. Kahit ano kasing bawal ko sa sarili ko, hindi pa rin siya tumitigil na magustuhan si Abel. Fuck, heart.

Pag gising ko ng hapon, naligo at nag ayos agad ako. I need to go to the grocery store to buy some stocks since Safiya and Helios will be visiting the resort next week.

I wore a white sando dress and black tube under it. Hinayaan ko ang itim at mahaba kong buhok na nakalugay. Nagdala rin ako ng shades. Itim na gladiator sandal naman ang pantapak ko.

Sinuot ko ang aking shades pagbaba ng parking lot. Mukhang marami ang nasa grocery store dahil sunday. The second gate of our hacienda has its own grocery store.

"Ahem." 

Napatingin ako sa lalaking tumikhim sa gilid ko. Kumunot ang noo ko ng makita si Abel, nakasandal sa itim na Ford Raptor sa tabi ko. Binaba ko ang shades para ipakita sa kanya kung gaano ako hindi natutuwa na makita ang pagmumukha niya.

"You have a problem, Engr. Lopez?"

"Nothing, Manager." 

Nakakairitang ngisi ang binigay ni Abel. Bakit ganyan ang lalaking 'to? Ang ganda ng mga ngipin at ang pula ng labi!

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now