Chapter 15

497 8 0
                                    

Sundo

CHAPTER 15

"Sige kumain ka lang. Mukhang gutom na gutom ka ah. Ginugutom ka ba ni Abel?" Tanong sa akin ni Nanay Mel. Sumubo ulit ako ng rice and chicken. Nawala na ang poise ko dahil sa gutom na nararamdaman.

"Tumakas kaya nagutom." Oliver murmured. Nakaupo siya sa kaharap kong upuan. Nakasandal ang likuran niya sa upuan at humalukipkip.

"Hindi ka nag paalam kay Abel?" Nilapag ni Nanay Mel ang baso ng juice sa tabi ko.

"He's with Karissa, Nanay Mel. They need privacy!" Palusot ko. Nagkatinginan ang dalawa, hindi ako kumibo.

"Pero anak, dapat nag paalam ka pa rin o nag sabi bago tumakas--ay umalis pala." Marahang sabi ni Nanay Mel sabay upo sa tabi ko.

Sumimangot ako. "They're busy. Ayaw ko silang abalahin." Some parts of my story are true. Busy naman talaga sila sa kitchen nang magising ako.

"Hahanapin ka na naman ni Abel. You two had a fight again?" Tanong ni Oliver. Am I in an investigation? They're treating me as if I committed a crime.

"Let me finish my meal first." Mataray kong sagot. Oliver frowned.

"Nay, mauuna na muna po ako. May binabantayan kaming manganganak na kabayo." Paalam ni Oliver.

"Osiya. Mag-iingat ka, Oliver. Ako ng bahala kay Luan. Gusto raw matuto magluto ng Kaldereta." Nangingiti na sagot ni Nanay Mel. Tumayo siya at hinatid si Oliver palabas ng kusina.

"Oliver." Tawag ko. Huminto silang pareho. Tumayo ako at nilapitan siya. May pagtataka sa mukha niya ng nasa harapan niya na ako.

Tumikhim muna ako. "Thanks for helping me." Sabay tingin ko pababa sa sahig.

I'm trying to be kind so he wouldn't tell Abel where I am right now.

"Alright." Tanging sagot ni Oliver, nakangisi sa akin. "But don't expect me to cover you up." He smirked. Ngumuso lang ako. Wala ba talaga akong kakampi sa lugar na'to?

"Ito ang mga sangkap ng Kaldereta." Isa-isang nilapag ni Nay Mel ang mga ingredients sa mesang kahoy. Pinagmasdan ko ang bawat isa. "Una, Baboy. Tomato sauce, toyo, bawang at sibuyas."

"Ang dami palang sangkap." Bulong ko habang namamangha. Mahinang natawa si Nanay Mel.

Nanay Mel and Tatay Carlos has three children. Two girls and 1 boy. All of them are graduates and professionals already. May sarili na ring pamilya kaya sila na lang dalawa ni Tatay Carlos ang naiwan dito. Mas gusto nila rito dahil tahimik at payapa.

"Kailangan mo rin ng carrots at patatas. Alam mo ba kung paano mapapasarap ang Kaldereta?" Tumabi siya sa akin at binulong sa tenga ko.

"Paano po?" I curiously asked.

Lagot ang Karissa at Abel na 'yan sa akin kapag natutunan ko kung paano magluto ng masarap na Kaldereta. Isusupalpal ko sa kanila ang mangkok ng niluto ko.

"Lagyan mo ng sprite! Naku, masarap ang kakalabasan." Matamis na ngiti ang binigay sa akin ni Nay Mel. "Siguradong laging irerequest ni Abel 'yon."

Tumikhim ako at umayos ng upo. "Really? Bakit naman po? Anong meron sa Kaldereta?" Wala akong idea kunyari. Mahinang natawa si Nay Mel.

"Ilang taon na akong nasa mundo Hija, hindi na bago sa akin ang ganiyan na bagay. Naku."

Umiwas ako ng tingin sa mapanuri niyang mga mata. Inaayos ko kunyari ang mga gagamitin na rekados.

"I don't know what you are talking about, po." I tried to act innocent but my cheeks are burning hot.

"Hindi mo alam na paborito ni Abel ang Kaldereta?" Siniko niya ako ng kaunti sa tagiliran, nakangisi at hinihintay ang sagot ko.

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now