Chapter 33

503 8 0
                                    

Chapter 33

"What the heck are we doing here?" Bulong ni Safiya sa tenga ko. Nagtatago kami sa likod ng pader ng outdoor toilet nitong rancho, nakasilip kay Abel. "Akala ko turista ako rito, bakit parang chismosa ang kinahinantan ko?" Madrama siyang humak sa dibdib.

"Shhhh." Bawal ko sa kanya.

Halos mabali na ang leeg ko para lang matanaw si Abel. Abel is wearing a white polo tucked in brown pants, paired with dark brown boots. Nakatalikod siya sa pwesto namin.

"You're stalking him? Are you out of your mind?" Di makapaniwala na tanong ng pinsan ko.

"Huh?" Wala sa sarili kong sagot.

"Anong huh?"

"I'm sorry, I'm out of my mind kasi e."

"Hay naku!" Kung ano-ano pang salita ang binulong ni Safiya. Hindi ko siya pinansin, kay Abel lang ang focus ko.

Dumating maya-maya si Karissa, buhat si Leobel. Binaba ni Karissa si Leobel at humahagikhik itong tumakbo kay Abel. Natawa si Abel sa reaksyon ng bata. Binuhat niya ito at pinangigilan ang pisngi. Lumakas ang tawa ng bata ng kilitiin niya ito sa bewang. Damn, sana ol.

"Awww, what a Happy Family!" Nangangarap na bulong ni Safiya sa likuran ko. Siniko ko siya sa asar.

"Funny."

"Ha? Hindi naman ako nagpapatawa eh?"

Napapikit ako at napailing. I know her, she's trying to test my patience. Alam kung alam niya ang ginawang pang-aasar sa akin.

"Let's go." Yaya ko sa kanya.

Hindi ko na kasi kinaya ng makitang palapit na si Karissa kay Abel. Baka bigla silang magtukuan, lalo lang akong masasaktan.

Pagbalik namin sa grape farm, naabutan namin si Helios na umiinom ng grape juice, nakapamewang habang nakamasid sa mga trabahante na nag haharvest ng mga prutas. Nakasuot pa siya ng shades.

"Saan kayo galing?" Nagtataka niyang tanong.

"Nang stalk." Si Safiya sabay lapit kay Helios at kapit sa mapintog nitong braso. "May chika ako sayo, alam mo ba itong friend natin..." Humalukipkip lang ako. Hindi ko na masyadong narinig dahil pabulong na niyang sinabi kay Helios.

"Truelala?" Di makapaniwala na tanong ni Helios sabay tingin sa akin. Nakangiting tumungo si Safiya. "Gurl, may kinababaliwan ka pala rito!" Nahampas pa ako sa braso ni Helios. Napaurong ako ng ilang pulgada dahil sa lakas niya.

"Talaga ba, Safiya? Salamat ha." I said in sarcasm. My cousin just laughed.

Kahapon sila ng gabi dumating rito sa Hacienda. Sa katabing cabin ko sila mananatiling dalawa. I freed my schedule for them. Monday ang uwi nila ng manila. Mabuti na rin ito. May rason ako para hindi makausap si Abel. Hindi niya ako malalapitan dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.

"And who is this unfortunate man?" Si Helios.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Funny ba 'yon?"

Nagkatinginan silang dalawa at humagikhik. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi na lang sana ako pumayag na pumasyal sila rito. Parang lalo lang nadagdagan ang sakit ko sa ulo.

"Just kidding! Sino ba ang Lucky Guy na 'yan, gwapo ba Safiya?"

"Ay, Oo! Ang tambok ng pwet!"

"Excuse me?!" I angled my face. Pinandilatan ko ng mata si Safiya sa naging sagot niya.

"Ay pikon." Si Safiya na tatawa-tawa.

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now