Chapter 24

491 5 0
                                    

chapter 24

Nanghina ang tuhod ko at napahawak pa ng mahigpit sa braso ng pinsan ko para kumuha ng lakas at balanse. It's been four years since the last time I saw him. We're both crying from our harsh farewell the last time we saw each other.
It Seems like a lot has change from the Abel I saw before compared to now.

"Engr. Abel Galileo Lopez. This is my cousin, Luan Mauriza Del-cojuanco." 

Humarap sa akin si Abel. Hawak niya ang milk bottle ng Baby na buhat. Maingat siyang tumayo sa kinauupuan, bitbit ang batang lalaki. He offered his hand for a shake hands.

I don't want to look at the kid he's holding but I can't avoid it. He got some of Abel's handsome features even though he's just maybe three years old. No one can deny their similarities. The eyes and the lips, it's the same as Abel. Their bloodline is so strong, it almost slapped me in the face.

"Nice meeting you." He greeted me formally with a casual smile. Bumalik ang tingin ko kay Abel. Kanina pa pala napako ang tingin ko sa buhat niyang bata. Kung Hindi pa siya nagsalita ay baka hindi ko pa mapansing tulala ako sa iba.

Nagkibit-balikat ako. I tried to compose myself. "Nice meeting you, Engr. Lopez." We shake hands. Gusto kong palipitin ang kamay niya.

Ako ang unang bumitaw. Inayos ko ang manggas ng suot kong damit. Travis moved the chair backwards for me. I said thank you to my cousin before sitting down. Katapat ko ng upuan si Abel kaya mas mahirap sa akin ang di mapatingin sa gawi nila. The waiter gave us the menu, namili ako ng akin. Halos hindi ako makapagconcentrate. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Hindi ko kasi maiwasang tignan si Abel at ang batang karga niya.

Abel looks handsome and formal. He already has a mustache and a  well trimmed hair. He's wearing a black branded polo and a golden necklace. Hindi nakaiwas sa paningin ko ang maliit na tattoo sa leeg niya. So Abel turns out to be a hot Daddy, huh? What, Luan? What?! 

Hanggang sa kunin ng waiter ang order, napapatingin pa rin ako sa batang lalaki. They look good together. Mukha talagang mag ama at pinagbiyak na bunga. Mukhang ginalingan ni Abel ang paggawa kaya mas kamukha niya ang bata kesa sa Nanay.

"Do you find the Baby cute, Lu?" Travis asked with amusement.

Muntik na akong mapatalon sa biglaan niyang tanong. Halata bang kanina pa ako nakatingin sa bata? I don't hate the child. Ni wala akong maramdamang ganon. What I feel is softness and tenderness for him. He looks like the small version of Abel. 

"Y-yes." I smiled genuinely.

Ngumiti rin si Abel. He seems so proud of the Baby he's holding. Mukhang mahal na mahal niya talaga ang bata. Sino ba  namang hindi mamahalin ng lubos ang anak?

"His name is Euclid Leobel Lopez." Abel answered with so much affection for the baby. "He's three years old. He's my----."

Nagring ang cellphone ko. Si Daddy tumatawag. Hindi ko natuloy ang usapan namin. Humingi ako ng pasensya sa kanila at nagpa excuse. Sinabihan kong mauna na silang kumain. Baka tumagal kasi ang pag-uusap namin ng tatay ko.

"Yes Dad?"

"How are you? Nakarating ka na pala sa Hacienda. Pasensya ka na kung wala ako dyan nang dumating ka. Nagkaroon kasi ng emergency meeting at--"

"Dad, it's fine. Sinalubong naman ako ni Travis pagdating ko. Hindi na rin naman bago sa akin ang Hacienda. Hindi na ako maliligaw."

"Good to know, hija. Pupunta ako riyan once na natapos ko na ang mga kailangan tapusin dito. I promised to be there before the upcoming meeting with the Engineers and Architect."

Curse of Summer ✔️Where stories live. Discover now