Chapter 22
Tulala ako habang pabalik sa grape farm. Ramdam ko ang pagtama ng hangin sa mukha ko pero mas ramdam ko ang sakit sa puso ko. I never thought I could feel this intense pain. I already hope for our future.
Akala ko si Abel na. Maybe it's really me who has a problem. Because people don't stay with me. They can't handle me.
Hanggang makauwi pabalik ng Manila, hindi ako nagsasalita. Mabuti na lang at hindi naman nag tanong si Callista sa akin. Mukhang mayroon din siyang iniisip dahil malayo rin ang tingin niya.
"Thank you for helping me, Callista. Makakabawi rin ako."
Tipid siyang ngumiti. "You're my cousin. Nandito lang ako palagi kapag kailangan mo ng tulong."
I smiled back and hugged her tight. I gave a salute on the pilot. Kumaway sa akin si Callista bago umalis ang helicopter.
Nanghihina akong sumobsob sa kama ko. Kanina ko pa pinipigilan ang pag-iyak. Ayoko lang makita ni Callista na umiiyak ako. Naabala ko siya, ang pagod at oras niya. Nakakahiyang sabihin na palpak ang pagpunta ko doon.
Iniyak ko ang lahat ng sakit. Umasa ako kay Abel. Umasa ako na gusto niya talaga ako. Umasa ako na may taong makakatiis sa ugali ko. Sabi niya mahal niya ako. Kami na diba? Sinagot ko na siya pero bakit nabuntis si Karissa?
Pwede naman sabihin sa akin ni Abel na may relasyon sila! O baka pinag-usapan nilang gantihan ako dahil hindi maganda ang turing ko sa kanila?
"We'll be going to Hacienda Del-cojuanco. Bukas ang kasal ni Dylan. Mamaya, babyahe na tayo." Si Mommy habang nagbibreakfast kami.
Hindi ako umimik. Honestly, I don't want to come back there. Lalo ko lang maalala si Abel. I know he's not thinking of me right now. I guess he's focus on their baby. Also, his father is sick. Maraming kailangan asikasuhin si Abel.
"Are you okay, anak?" Paakyat na ako sa taas ng hawakan ni Daddy ang braso ko.
"I'm fine." Pagod akong ngumiti. "I'll just prepare my things upstairs." My father nodded. Hindi na nagsalita ulit.
Inaayos na ni Yaya ang mga dadalhin kong gamit pagpasok ko sa kwarto. Tatlong araw kaming mananatili sa Hacienda Del-cojuanco. We'll stay on the fourth gate. Hindi rin kami magkikita ni Abel dahil nasa third gate siya. Mabuti na rin siguro 'yon. Wala na rin kaming dapat pag-usapan. I heard what I need to know. It's enough to surrender Abel to Karissa.
"Y are you so sad?" Si Yaya, pilit nag eenglis dahil sa akin. Maybe Yaya is the Only friend I'll have. Nandito lang sa loob ng bahay ang mga matuturing kong kakampi. "Tumakas ka no'ng nakaraang araw 'no? U are not in ur room!"
Nanlaki ang mga mata ako. Nakangisi siya. I dramatically grasped for air.
"Naku kang bata ka. Hindi ka nagpapaalam." Nakangisi niyang sabi, tinutupi ang dadalhin kong damit.
Tumalon ako sa kama at sinubsob ang mukha. "May tumatakas bang nagpapaalam, Yaya?"
Mahinang natawa ang Yaya ko. "Kabado lang ako. Mga ten percent." She slapped my butt. "Alis ka ng alis. Parang ex ko lang." Banat niya. I closed my eyes and laugh.
Umupo ako, paharap sa kaniya at nakaindian seat. Pinakatitigan ko siya. Bata pa lang ako, siya na ang nag-aalaga sa akin. Siya ang nagsusuklay ng buhok ko, nagpapatahan kapag umiiyak ako. She's my second mother.
"Can I ask a question, Yaya?"
"Okay. Not just Math. Oks?"
I smiled sweetly but my eyes felt heavy and tired. "You've been working with the Family since I was six right?"
YOU ARE READING
Curse of Summer ✔️
RomanceHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #2 Luan is a City girl and a life of a party. She likes to enjoy her youth the way she planned and imagined. She's rich and careless of her expense. But things turns upside down when her Dad decided to put her back to th...