Chapter 9
Sometimes we are so sure of things but still become surprised by the way it turns out. I'm sure that it'll not rain because the humidity is hot and the rays of the sun are intense. Sometimes there are unexpected circumstances that lead you to different results. Just like the sudden rain and thunder. Would you expect rain when it's summer?
Humikbi ako sa dibdib ni Abel. Siniksik ko ang sarili ko sa kaniya. Mas mabuti ng dito umiyak kaysa makita niya pa ang mga luha ko. I may be crying right now but I'll not accept defeat the next time.
I can't scold Abel. I can't push him away so my pride wouldn't be stamped by him. I can't handle myself right now. I got sprained and can't walk.
"Malapit na tayo."
I didn't look back at him. I only heard his tender voice, trying to assure me. Bumukas ang pinto. I thought he'd lay me down in the living room but he carried me until we went to the kitchen.
Kumuha siya ng monoblock na upuan at nilagay sa banyo. I wiped my tears using my hands. My body started to shiver which made me hug myself tighter.
Iniwan ako saglit ni Abel. He had a towel and clothes when he came back. It's not my clothes.It's his.
"Umalis ka na lang bigla ng walang paalam." It isn't a question, it's a statement.
"You're not my parents. Bakit ako magpapaalam sa'yo---Achooo!" Shit. Looks like I'm getting a cold.
Pumaywang si Abel sa harapan ko at napailing. Binuhat niya ulit ako papasok ng banyo at maingat na nilapag sa upuan. Binuksan niya ang shower at kinuha ang sabon.
"What are you thinking?! Why are you still here?!" Napapikit ako sa tubig na tumatama sa mukha ko. I need a hot bath. Wala man lang heater dito sa banyo.
"Kailangan mong maligo ng mabilis para hindi ka lalong sipunin." Walang emosyon niyang sagot. Akma niya akong sasabunan ng tabigin ko ang kamay niya.
"Don't you dare touch me."
Nagpakawala siya ng marahas na hangin. Tumango siya at binigay sa akin ang sabon.
"Bilisan mong maligo. Tawagin mo ako kapag tapos ka na. Maghihintay ako sa labas ng pinto."
"Where's my clothes? Anong susuotin ko? Get some from my room!"
"Lalo ka lang lalamigin sa mga damit mo. Suotin mo muna ang damit ko."
"No way!" Pinagsarahan niya ako ng pinto. "Insolent!"
"Tapos ka na?" Boses ni Abel mula sa labis.
"It's been 10 minutes and you're asking me if I'm done already?" Asik ko.
"Anong 10 minutes? 12 minutes na kaya." Aba't sumasagot pa.
"I'm not yet done!" Hirap na hirap akong kunin ang mga kailangan ko dahil hindi ako makalakad, ang sakit ng paa ko.
"Dalian mo. Hindi ka pwedeng magbabad. Lalo kang magkakasakit."
"Don't rush me! Hindi naman ikaw ang magkakasakit kundi ako." I rolled my eyes while putting shampoo on my hair.
"Ikaw nga ang magkakasakit, sino ang mag aalaga? Si Rambo?"
Nilalamig na ako pero kumukulo naman ang dugo ko sa lalaking ito. Cant he not keep his mouth shut?
"I don't ask you things Abel! Kung iniisip mong pabigat ako sa'yo, edi hayaan mo ako!"
Hindi ko alam kung anong meron at nagsimula na namang tumulo ang luha ko. I sniffed and started to cry again. Pinunasan ko ang mga luha. Para akong tanga. What is happening to me?
YOU ARE READING
Curse of Summer ✔️
RomanceHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #2 Luan is a City girl and a life of a party. She likes to enjoy her youth the way she planned and imagined. She's rich and careless of her expense. But things turns upside down when her Dad decided to put her back to th...