Chapter 26
Tumikhim ako. "Mapagbiro ka talaga Engr. Lopez." I smiled, nanginig ang labi ko sa pekeng ngiti.
Deep anger travels on my veins but I still calmed myself. I'm the boss. I should be careful of the words that will come into my mouth. I have to choose wisely when to be mad and when to understand.
May asawa at anak na siya. Hindi magandang magandang biro 'yon. Ano na lang ang iisipin ni Karissa kung narinig niya 'yon? Hindi niya ba naisip ang anak niya? What a shame.
"Hindi naman ako nagbibiro." Sa akin pa rin ang tingin niya, naghahamon pero hindi ko maintindihan kung bakit.
If he thinks that I'm still the same impulsive woman he met years ago, then he's wrong. Iniisip niya bang papatulan ko pa rin ang mga tudyo niya?
"Well, I'm your boss here, Engr. Abel. Ayos lang sa akin na magbiro sa labas ng trabaho pero habang nandito tayo, let's be professional." Nauna na akong tumayo. Seryoso pa rin siya, nakakunot pa ang noo.
He's acting so innocent like he's not a Father and a husband already! He's acting like he's still fucking single when he's not!
Ano siya? Fuckboy?
"Kung ganoon, pwede ba kitang yayain lumabas?" Tumayo rin siya, sa akin pa rin nakaharap.
Mahigpit ang yakap ko sa folder na hawak. Yes, I'm still attracted to Abel. I still fucking like him…. whatever, I still love him but there's a wall that divides into what should be left behind and what should be worth to fight. Hinding-hindi ako sisira ng pamilya dahil sa pansarili kong nararamdaman. At Hindi ko rin gusto ang atensyon mula sa kaniya kung pamilyado na siyang tao.
"Hindi ka ba nahihiya kay Leobel?" I raised my brow.
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Bakit ako mahihiya kay Leobel? May ginawa ba akong ikahihiya niya?" Naguguluhan niyang tanong.
I laughed sarcastically. "Walang ginagawang nakakahiya?"
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at ang masasabi ko ay… ang gwapo niya.
"Hindi ba nakakahiya ang yayain mo akong kumain sa labas?"
"Bawal ba? Ayaw mo ba?" May hinanakit niyang tanong.
Aaminin ko, mas lalong kumulo ang dugo ko sa narinig mula kay Abel. Sa totoo niyan, gusto ko ng isampal sa mukha niya ang folder na hawak ko. Nagtatanong pa talaga siya kung bawal? Oo bawal! At kung gusto ko? Oo rin, pero bawal! Tsk.
"Ang lakas naman ng loob mo itanong sa akin kung bawal at gusto ko?"
Medyo lumakas ang boses ko. Pumikit ako ng mariin at pilit pinakalma ang sarili. Hindi na ako ang dating Luan na may anger issues. Fine. I still have anger issues but I know how to manage it this time!
His expression changes. I can see pain in his eyes, but it's not important anymore. What's important here is to know my place. Na hindi na kami ang para sa isat-isa. Sooner or later, makakamove on rin ako. Matagal pa marahil pero eventually, matutunan ko rin.
"I'm sorry. Binigla kita."
Umismid ako. "Iisipin kong nagbibiro ka lang, Engr. Lopez. Sana magkasundo tayo sa trabaho at isantabi kung ano ang hindi magandang nangyari sa nakaraan."
Mabigat sa loob siyang tumango. Napabuntong-hininga ako. Sarili ko lang rin ang niloloko ko kung hindi ko madadamay ang trabaho sa naging nakaraan namin. Gusto kong ipakita sa kanya na nakamove na ako. Na tanggap ko na at hindi na dapat pang pag-usapan 'yon.
YOU ARE READING
Curse of Summer ✔️
RomantizmHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #2 Luan is a City girl and a life of a party. She likes to enjoy her youth the way she planned and imagined. She's rich and careless of her expense. But things turns upside down when her Dad decided to put her back to th...