-1-

416 7 12
                                    

Napabuntong hininga si Regina Claire Garcia----mas kilalang RC---ng sa wakas ay nasa third floor na siya ng Rosmont Building kung saan naroroon ang apartment niya.

Mayroong sofa at coffee table roon na nagsisilbing receiving area para sa mga bisita.

Naglakad siya patungo sa wrought iron door na nagsisilbing gate ng apartment niya.

Binuksan niya ang padlock niyon,saka pumasok sa loob.

Ilang talampakan mula sa gate ay naroroon ang pinto.

'Ito na ang lagusan patungo sa kabilang galaxy,sa loob-loob niya

Habang binubuksan ang doorknob.

Ang daming pinto ,grabe...

Hindi niya maaaring bale-walain ang seguridad na maibibigay ng maraming pinto at locks,lalo na at mag-isa lang siya sa bahay ngayon dahil pumunta sa  America  ang best friend at housemate niya na si Lerech.

Pagpasok niya sa loob ng apartment ay binuksan niya ang ilaw.

Maluwang iyon dahil halos ikatlong bahagi ng building ay okupado niyon.

Sa bandang kanan ay naroroon ang malawak na kusina at dining area.

Iyon ang pinakapaborito niyang bahagi ng bahay dahil mahilig siyang magluto at kumain.

May mga counter sa gilid at island sa gitna ng kusina.

Mayroon ding bar malapit sa dining area at sala.

Madalas magdaos ng party ang housemate niya kaya marami nang bisita ang nakarating doon.

Kapag may kasayahan sa bahay,mas gusto niya na nasa kusina lang siya---naghahanda at nagsisilbi "CATERER"habang si Lerech ang host...

She wasn't much of a people person but she had acquired enough social skills dahil kailangan iyon sa trabaho niya.

After all,she was the CHEF and part owner of Marriot REstaurant.,isa sa pinaka -successful na restaurants sa lugar nila.

Kilala na rin silang na-feature  sa magazines at TV Shows.

Sa kanilang dalawa ni Lerech ---co-owner niya sa restaurant--ay mas popular,mas maganda,at mas sociable ito kesa sa kanya.

Ito ang humaharap sa camera at nagsisilbing mukha ng Marriot Resto.

Mas gusto niya ng ganoon set-up.

No need to smile for the camera except  on rare occasions.

Napangiwi siya nang makita ang nakatabinging sofa sa sala.

Malamang ay nasagi niya iyon nang hindi niya namamalayan kaninang umaga dahil sa pagmamadali niya.

Inayos niya iyon,saka siya dumeretso sa kuwarto niya.

Masakit ang likod niya sa maghapong pagtayo at pagluluto sa resto.

'Makapagpamasahe nga bukas--sabi niya sa isip.

Hinubad niya ang suot na sapatos.

Ilalagay na niya iyon sa shoe closet nila ni Lerech nang makita niyang bukas ang pinto ng silid niya.

Nagsalubong ang mga kilay niya.

Bat bukas iyon samantalang sigurado siyang isinara niya iyon bago siya lumabas.

Binuksan niya ang pinto,saka siya sumilip sa loob.

Napasinghap.siya sa nakita niyang may malaking bultong nakadapa sa ibabaw ng kama niya.

'Holy Shit Malagkit!Patay?

Dali dali siyang bumalik sa sa shoe closet kinuha ang isang stainless Baseball bat na memento ng kanyang kuya niya na dating baseball team noong high school pa ito.

Pumasok uli siya loob ng silid habang mahigpit niyang hawak ang baseball bat.

Hindi niya gaanong maaninag ang hitsura nito.dahil madilim,lalo pa nakadapa ito.

Hindi ito gumagalaw  at mukhang hindi na rin humihinga.

Malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Tatawag ba siya ng pulis?

Biglang nanlaki ang mga mata niya.

Siempre,kailangan niyang tumawag ng pulis.

Kinapa niya ang loob ng malaking bag niya na nakasukbit pa sa balikat niya,habang nakaipit sa pagitan ng kanyang mga binti ang baseball bat.

May isang minuto na siyang naghahalungkat sa bag pero hindi parin niya makapa ang cellphone niya.

Bigla niyang naalala na nasa bulsa pala ng suot niyang pantalon iyon.

"Shit talga RC.

Gumalaw ang lalaki sa kama,sabay ungol.

Muntik na niyang mabitawan ang cellphone niya dahil

pagkukumahog na mahawakan uli ang baseball bat.

Nawindang siya bigla tumihaya ang lalaki.

'SUSME!'

Napatigil siya,tuwid na tuwid sa ere pati ang hawak niyang baseball bat.

Namistula niyang Si Road Runner na pumreno sa harap ni Wile E.Cayote.Halos hindi siya huminga nang tignan niya ang mukha nito na nasisinagan ng ilaw mula sa labas ng  bintana.

Napakurap siya--- at napakurap ili.

"Oh may Gulay!
HOT INTRUDER!
ANG GWAPO!AT HINDI SIYA PATAY!sigaw ng malanding isip niya.

NAtunaw ang kanyang plano na hatawin ito ng baseball bat.

Naloka siya bigla.

Ibig bang sabihin niyon ay applicable lang sa pangit ang instinct niya for self-preservation?

Paano Kung Rapist ito?

Kunsabagay,kung rapist ito-----

OMG!!!Magpapa-rape ako?
Pero pano kung Killer ito?

Napakagat labi siya,saka ngumiwi.

Hindi na niya binigyan ng panahon ang kanyang sarili para sagutin ang tanong na iyon dahil baka madismaya lang siya.

Mukhang nahawahan siya ni Lerech sa kagagahan nito.

Kung sino man ang lalaki at kahit na gaano pa ito kaguwapo,breaking ang entering parin ito.

Although she couldn't exactly say he actually broke anything dahil wala siyang naraanang bagay na basag,but still-----

Goodness!!!

Gusto niyang matawa sa kanyang sarili.

Bago pa siya tuluyang magdala sa urge na humalakhak na parang baliw,dahan-dahan siyang lumapit dito at sinundot ito sa tagiliran gamit ang bat na hawak niya.

"Hoy! Gising!!!

Nilakasan niya ang boses,kasabay ang mas malakas na pagsundot dito.

'Hoyyyyyyyyyy!
Tatawag ako ng pulis!------RC

Dumilat ito pero tila disoriented.

Nagsalubong ang mga kilay nito.

Sinundot niya ulit ito...

"HOY GISING SABI!napagibik ito.

"Sino ka-----"

Nagulat siya nang bigla nitong dinakma ang hawak niyang bat at hinila iyon nang malakas.

"Yahhhh!

NAbiglang hiyaw niya.

Dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa bat,napasama siya sa momentum at napadapa sa kama----,sa mismong tabi nito.

HE's My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon