-13-

118 7 4
                                    

Maya maya ay natanaw niya ang pagdating ng headwaitress na si Winnie.Ito ang umaaktong supervisor kapag wala si RC.

She was definitely like most of the women he had dated;tall,slim,and pretty,maiksi ang buhok na nag-i-spike pa sa dulo,at manipis kung mag-make-up.

Sa pagkakaalam niya ay single pa ito.

"Ma'am,sabi niya.

Nagulat ito at napatalon nang bigla siyang sumulpot sa likuran nito.

'Ay!maryosep naman Cedrick!Papatayin mo ako sa nerbiyos!tutop ang dibdib na sambit nito.

NAng makabawi sa kabiglaan ay binuksan nito ang pinto gamit ang susi na hawak nito.

"Sorry,Ma'am,natatawang sagot niya

"Hindi ko alam na magugulatin pala kayo"---Cedrick

"Sino ang hindi magugulat,eh para kang kabute diyan na bigla nalang sumulpot sa likuran ko...para itong teacher na nagsesermon sa batang estudyante.

"ANg aga mo ah,usually 8:0clock na dumarating ang mga tao rito.---winnie

"Excited lang ma'am.Ngumiti siya at tinulungan itong magbukas ng steel roll-up na nakatakip sa glass windows ng restaurant.

'Hindi ka ba nahihirapang magbukas nito tuwing umaga?----cedrick

"Hindi naman mahirap buksan 'yan,saka hindi ako ang nagbubukas niya,natatawang sabi nito.

"Ang crew ang nagbubukas niyan.'Yong pinto lang ang binubuksan ko"---winnie

"Ganoon ba?araw-araw ka bang nasa opening shift?---Cedrick

"No,MWF lang ako.Pag Tuesday at Thursday, si Chef Bryan.
Pag sabado at linggo si Ma'am RC.naman.
Sa totoo lang kung may workaholic dito si Ma'am 'yon.
3times a week lang naming nararanasan na magtrabaho nang 12hours.,most days ay 8hours lang.
Pero si Ma'am.halos araw-araw nandito mula opening hanggang closing.

Halata ang paghanga nito kay RC.

"KAya hindi pa siya nagkaka-boyfriend eh.Palagi kasi siyang nakaharap sa stove.

"AMEN!tahimik na pagsang-ayon niya.

Nang maiangat nila ang lahat ng roll-up windows ay napalingon siya rito.

Tila inoobserbahan siya nito.

"Hindi naman sa panghihimasok ha.
Pero naku-curious lang ako sa inyo ni Ma'am "nag-aalangang sabi nito.

Napangiti siya."Magkaibigan lang kami.Actually magkaibigan kami nina Lerech kaya ako nakapasok dito---pagsisinungaling niya.

"If you say so,nakangiting sabi nito,halatang hindi naniniwala.

Mayamaya ay may kumatok sa back door ng kusina.

Si Winnie ang nagbukas ng pinto.

Nakisilip din siya roon.

Taga-deliver ng mga gulay ang dumating at halatang matagal nang kakilala ni Winnie ang mga ito.

Nag-iwan ang mga ito ng isang basket ng gulay para sa buong araw na lulutuin.

Ipinatong nito iyon sa tabi ng sink para maihanda sa paghuhugas.

"Nakapagkape ka na?tanong nito.

"GAGawa ako.--winnie

"Tapos na ako.Pero kung gagawa ka,iinumin ko parin.--Cedrick.

"Okay May 30mins. Pa namn bago dumating ang iba nating kasamahan.Magkape munatayo habang hinihintay ang magde-deliver ng mga karne ng manok at baboy.---Winnie

Pinanood niya ito habang naglalagay ito ng coffee beans sa coffeemaker.

Biglang pumasok sa isip niya si RC.
"Gising na kaya ito at nakapagkape na?nakikita na niya ang pagka-workaholic nito kaya hindi nakapagtataka na wala itong nobyo.

Napangiti siya nang may nabuong kapilyuhan sa kanyang isip.Tutal ay naroroon na rin lang siya,ano kaya kung i-disrupt niya nang kaunti ang predictable existence nito?

"She'll thank me later"napapasinging sabi niya sa sarili...

HE's My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon