-33-

100 5 2
                                    

"PLEASE naman Lenard!-pakiusap ni Rc...

"Para sa operasyon ni Keven ang pera.Kailangan niya iyon sa pagpapagamot.Matagal na silang nag-iipon ni Bryan para doon.Hindi mo naman masasabing drug money it0,eh.Malay mo baka pati suweldo niya eh kasama rito.'- Rc

Lenard looked torn."May sakit pala sa kidney 'yong kapatid niya...'anito saka napangiwi."baka mamatay iyon sa safe house....'-Lenard

"Nagpa-schedule na sila ni Bryan next month.Kailangan nila 'yong pera.Si Bryan ang donor ng kidney.
IYon na lang ang pag-asa ni Keven.
Please,Lenard 'yong dr*ga nalang ang i-surrender mo.Hayaan mo nalang ito kay Keven....'-Rc

Hinilot nito ang sariling sentido,pagkatapos ay kinuha nito ang plastic bag ng pera mula sa kanya ,saka napatitig sa nagmamakaawa niyang mukha.Kapagkuwan ay napabuntong-hininga ito at saka isinaksak iyon sa loob ng hoodie niya.

'Umakyat na kayo.Huwag kayong magpapahuli at malilintikan ako sa inyo." - Lenard.

Maluha-luhang niyakap niya ito at saka hinalikan sa pisngi..."Thank You!; - Rc

"Yeah, Yeah..."umiiling-iling na sabi nito hawak ang plastic bag ng ipinagbabawal na gamot.

Nakipagtaguan na naman sila ni Cedrick sa mga security guard.
Maliwanag na sa labas ng building.
Nasa stairway na sila ng second floor nang malapit na nilang makasalubong ang guwardiya na si Mang Roberto.
Bago pa sila tuluyang makita nito ay hinila niya si Cedrick sa isang tabi.
Tumiyad siya at saka hinalikan ito sa mga labi.

He caught on quick,his arm came around her and he kissed her back---hard.

"Anong----?;narinig nilang sabi ng guardiya,pero marahil ay nakilala siya nito dahil hindi ito lumapit sa kanila.

"Wala akong nakita Ma'am";sabi nito.
Nang lingunin niya ang guwardiya ay nakatalikod na ito sa kanila at tuluy-tuloy na naglakad palayo sa kanila.

Napangisi si Cedrick sa kanya."Solved na ang problema natin sa pagtira ko sa bahay mo:'-- Cedrick.

Natawa siya pagkatapos ay mabilis silang umakyat sa itaas.
Pagdating nila sa loob ng apartment ay dali-dali siyang pumunta sa kanyang kuwarto at hinubad ang suot na hoodie.
Itinago niya sa loob ng safe ang pera ni Bryan.
Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Cedrick sa kusina.
Naabutan niya itong naglalagay ng marshmallows sa ibabaw ng hot chocolate na tinimpla nito.
Ngumiti ito sa kanya nang makita siya.
Parang na*hypnotize na lumapit siya rito
Isinandal siya nito sa katawan nito.
He held a marshmallow to her lips and smiled when she opened her mouth to take it.
His thumb teased her lips as she chewed on it.Natawa siya.

"Ubos na?nakangiting tanong nito habang ang isang kamay nito ay nakapaloob sa tank top niya at humahaplos sa gilid ng baywang niya.
Nang tumango siya ay yumuko ito upang sakupin ang kanyang mga labi.
He kissed her again and again until she she was drowning,clinging to him for support.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay kapwa sila naghahabol ng hininga.
Hindi maipagkakaila ang ebidensiya na nararamdaman niya sa gitna ng magkadikit nilang mga katawan.
He did another round of his "breathing exercises"that made her laugh.

Mayamaya ay ibinigay nito sa kanya ang isang mug ng hot choco,pagkatapos ay hinila siya nito patungo sa sala.Umupo ito sa sofa at saka siya pinaupo sa kandungan nito.
He groaned when he started to get hard again

"Wala na talagang escape dito...'-Cedrick

Napatingin siya rito."kaladkaring lalaki ka kasi'- rc

Ngumisi ito."that may be so,pero hindi pa nangyayari ang ganito.Sobra na 'to RC!huwag kang masyadong gumalaw nang ganyan kung ayaw mong ma*rape bago pa tayo magka-first date."-cedrick

HE's My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon