-24-

112 4 5
                                    

Natagpuan ni Cedrick ang kotse ni Lenard sa plaza.
Pumuwesto siya sa front tire sa driver's side at isinuksok ang kamay sa espasyo sa ibabaw niyon.
Nakapa niya ang susi na patagong nakadikit sa katawan ng kotse sa ibabaw ng pang-unang goma.
Tinanggal niya ang packaging tape na ginamit doon.
MAtagal silang naging roommates ng pinsan niya noong colloge days.
Isa lang ang kotseng gamit nila kaya pinagtiyagaan nilang mag-share roon.
Iyon ang ginagawa nila noong nawala ang spare key nito sa.kotse at kailangan nitong iwan iyon para sa kanya. It now came in handy.
PAgsakay niya sa kotse nag- drive siya patungo sa ZAfrie Building at nag-park sa di-kalayuan sa restaurant upang abangan ang paglabas ni Dong.
Gusto niyang malaman kung saan ito nakatira at kung nagde-'Detour' ito bago umuwi.

Alas- sai y mediya nang tuluyang magsara ang restaurant.Naunang umuwi si Chef Bryan sakay ng kotse nito.
Pinapanood niya si Dong at Darwin habang isinasara ng mga ito ang roll-up door.
Nang maisara iyon nagpaalam na ang mga ito sa ibang mga staff at nag-alisan na.
Nasa main road ang building kaya may mga dumadaan pang sasakyan kahit gabi na.
Nasa scooter na nito.si Dong nang biglang may humarurot na motorsiklong dumaan sa mismong kinapaparadahan niya.
Dire-diretso ang takbo niyon.
Ganoon nalang ang pagkagulat niya nang biglang naglabas ng baril.ang sakay niyon at pinaulanan ng bala.si.Dong.
Nang sundan niya ang tingin ang motorsiklo ay wala iyong plaka...

"Shit!!!!

Tila slow-motion na bumagsak mula sa scooter si Dong.
Parang itinulos sa kinatatayuan ang katrabaho nitong si Darwin na hindi pa nakakalayo sa lugar.

"Sh*t!!!!muling sambit niya.
Pinaandar niya ang sasakyan upang habulin ang motor pero napatingin siya kay Dong na nakahandusay sa daan-----naliligo ito sa sariling dugo.
"SH*T!mahahabol pa niya ang motor pero hindi niya matiis na hindi ito tulungan.
Tatlo ang nakita niyang tama nito.

'Tumawag kayo ng ambulansiya!sigaw niya sa papalapit na mga security guard.sabay hubad ng jacket niya upang itapal at idiin sa nagdurugong tama ng baril nito sa katawan.

'Dong pare----huwag kang mamamatay"!!!

Kumapit ito sa braso niya at pilit na nagsalita.

"Ssssiiii....B-Br....."

Ayaw sana niya itong pagsalitain dahil masama ang lagay nito.
But if there was something Dong needed to say,he wanted to hear it.
Inilapit niya ang tainga sa bibig nito.

"Si....B-Bryan...T-Tulungan mo si-----"
Nawalan ng lakas ang kamay nito na nakakapit sa kanya.
Dinama niya ang pulso nito sa leeg.
Humugot siya ng malalim na hininga.

Narinig niya nag sirena ng ambulamsiya sa di kalayuan.
NAng mag-angat siya ng mukha ay nanlalaking mga mata ni RC ang sumalubong sa kanya.
Umiling siya rito.
She looked horrified,pero lumuhod ito sa tabi ni Dong at hinawakan ang kamay ng huli.
Kapagkuwan ay tiningnan siya nito.

"A-Anong nangyari?

"Mamaya na ako magpapaliwanag"naalala niya ang sinabi ni DonG.
Kailangan niyang puntahan si Bryan ngayon din.
Dumating ang mga pulis at paramedics.Nang isakay sa ambulansiya si Dong ay nagbiluntaryo si Darwin na sumama roon.Nakita niya na hindi magkandatuto si RC sa pagsagot sa mga tanong ng mga pulis kaya nilapitan niya ito.

Mukhang napuna ng isang pulis ang baril na nakasuksok sa likod ng pantalon niya na natatakpan ng T-shirt dahil tinanong nito si RC kung kaanu-ano siya nito.

"Empleyado ko siya"!nagtatakang sagot nito.

"Security ba siya?Bakit siya may baril?( pulis)

Napatitig sa kanya si RC.
Napigil niya ang kanyang paghinga.
Mukhang mabubulilyaso pa sila ni Lenard.

O-oho....newly hired civilian in-house security" Sagot nito..."hindi pa nga alam ng ibang guards dahil nag-eevaluate pa kami...(RC)

HE's My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon