-20-

87 6 2
                                    

Pagbalik ni Cedrick sa kusina ay dumeretso siya sa lababo.
Palihim niyang tiningnan si Dong na abala sa paglalagay ng mga pagkain sa loob ng heat-insulated bag.
Kung naglalagay ito ng bawal na gamot sa deliveries ,siguradong ginagawa nito iyon kapag nasa labas na ito.
Siguradong hindi lahat ng deliveries nito ay para lamang sa ganoon unless maraming drug addict sa lugar na iyon.
Kilala nito kung sino ang mga kliyente nito.
Kung laging bumibili ang mga ito,malamang na suki na ang mga ito ng restaurant.
Kailangan niyang i-check ang mga taong consistent kung magpa-deliver.

'One Large Bilao Palabok and Ten Large Asado Siopao for delivery'anang kahera na si Dhezy mula sa counter,sabay pasa kay RC ng order slip.
Tiningnan niya si RC.
'Sa Paradise Village,Kina Hernandez,Cedrick"sabi nito sabay taas ng papel.
'Alam mo kung saan to?

'Alam ko 'yong Paradise Village!sagot niya habang minamatyagan kung magpoprotesta si Dong.'bigyan niyo lang ako ng street at lot number mahahanap ko yan"

Taliwas sa inaasahan niya,naging matulungin pa ito.
'Madali lang hanapin 'yong bahay nila.Pagpasok mo sa main entrance ng village lumiko ka sa ikatlong kanto sa kanan.Sa gitna ng kalyeng iyon ay mayroong malaking bahag na light green ang gate.'Yon na yon.

'Ah okay!nakangiting sagot niya kahit gusto niyang batukan ito.

Maraming customers kapag lunch time.
Pakiramdam niya ay unti-unti nang napudpod ang mga kamay niya sa kakahugas ng mga plato,baso,at kaldero.
HIndi siya nagrereklamo sa trabaho pero hindi siya ang tipong makakagawa ng ganoong bagay nang matagalan.
Masisiraan siya ng bait.
Parang gusto niyang bumalik sa pagyoyosi kahit siyang taon na siyang tumigil.
Napapailing siya tuwing napapatingin siya kay RC na walang tigil at walang karekla-reklamo sa pagluluto.
It was like she was in her own little world.
It was where she was most comfortable and most efficient.
Hindi madaling mag-init ang ulo nito.
Relaxed na relaxed ito at nagagawa pang makipagbiruan habang iniitsa ang stir-fried vegetables sa frying pan.
He enjoyed watching her when he wasn't scrubbing,cleaning,chopping,mopping ,or delivering things.
Bangdang ala't una ng hapon nang dumating si Chef Bryan.
Pagkatapos nitong magpalit ng damit sa locker room at maghugas ng mga kamay tinulungan agad nito si RC.

'KUmusta na si Keven?narinig niyang tanong ni RC,dito habang nagluluto ito ng chop suey.

'Ganun parin si Utol.Babalik kami for dialysis next week ;sagot ni Bryan habang naghihiwa ng sibuyas.
Mistula itong laruang de-motor sa bilis mag-chop.
Tinapik nito ni RC sa balikat.

'Dalhin mo rito minsan.Ang tagal na naming hindi nagkikita.'

'Sige.Yayayain ko rito bukas.Kung wala lang sakit 'yon,malamang matagal ka nang niligawan n'on!natatawang sabi nito.

'May pag-asa ba siyang maoperahan,Bryan?

Nag-iipon pa ako at tumataya sa lotto,nakangiting sagot nito.
Willing naman akong mag-donate ng kidney pero hindi ko pa kaya ang gastusin para sa operasyon milyon ang kakailanganin para doon.

'So ,may sakit pala sa kidney ang kapatid nito!Kawawa naman...sa loob-loob ni Cedrick habang pinapakinggan ang usapan ni Chef Bryan at Rc.

Nang dumalang ang customers pumasok na si RC sa opisina nito.
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas ito may dala-dalang notebook at nagsimulang mag-imbentaryo.
Tila naramdaman nito na nakatingin siya rito dahil napalingon ito sa direksyon niya.
Ngumiti siya rito.
Nagsalubong ang mga kilay nito.
Ibinalik nito ang atensiyon nito sa stocks na de-latang mushroom,corn,pineapple,at iba pa,pero hindi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng mga pisngi nito.
Mayamaya ay tinapik siya ni Winnie sa balikat.

'Off mo na Cedrick.Hindi ka pa ba uuwi?

"Mayamaya nang kaunti.Kailangan ko pang kausapin si Boss.Maghihintay lang ako pag medio wala na siyang ginagawa.'nakangiting sagot niya rito.
Mula nang nagdaraang araw ay nakapag-bonding na sila nito.kaya kampante na ito sa kanya.

"HAy naku....kung may kailangan ka ,sabihin mo agad sa kanya.Huwag mo nang hintayin na wala siyang ginagawa dahil walang katapusan ang pagluluto rito.
Kapag tumigil sa pagluluto yan eh,nagkukulong na siya sa opisina para magtrabaho uli"-all knowing na saad nito sa kanya .

"Wala ka naman siguradong balak mangutang no?

"Wala ah!mabilis na tanggi niya.

'KApapasok ko pa lang dito.Baka bigla niya akong sesantihin pag nagtangka akong mangutang."

Natatawang tumango ito.'Good Answer.Paano mauuna na ako saiyo ,at malapit nang bumigay ang mga paa ko,paalam nito saka lumabas ng kusina.

Tiningnan uli niya si RC.Bumalik na uli ito sa pagluluto.
Sandali lang itong nag-break kanina para mag-lunch nang dumating si Chef Bryan pero pagkatapos nitong kumain ay tumulong na uli ito roon.
Siya ang napapagod para dito.
Kung puwede lang niya itong buhatin at ikulong sa kuwarto buong araw...

"Para pagpahingahin,dugtong ng isip niya upang matigil ang mga kahalayang pumapasok doon.
Sigurado siyang more on the 'corporate side' ang partner nito dahil hindi hilig ng pinsan niya ang humarap sa mainit na kalan at saka tamad ito.
Sa huli ay sinunod niya ang payo ni Winnie.
Lumapit siya kay RC.

'Excuse me Boss!magalang na sabi niya.
Alam niya na sa kabila ng ingay sa loob ng kusina ay maririnig parin siya ng mga naroroon.

'Puwede ba kitang makausap sandali?

Sinulyapan siya nito mula sa paglalagay ng lettuce sa chicken sandwich.
'Ngayon na?Walang katuwang si BRYAN dito.

Tumango siya.'KUNG PUWEDE!...

Tinapos nito ang paggawa ng sandwich.
Kinuha agad niyon ni Dave isa sa mga waiter ng afternoon shift.
BAgo ito umalis ay inilagay nito ang bagong order slip sa ibabaw ng counter.

'Bacon Cheeseburger at Mashed Potatoes-----Table for Five."

'Okay lang ako rito,RC.Sige na"sabi ni Chef Bryan.

''KAYA KO NA YAN!-----

(A/N senxia na po slowly update!thanks po sa mga readers ng 'HE'S MY MAN"......
KAMSAHAMNIDA CHINGUS!YUERUBON!!!
JEOMMAL GUMAWO!
-----Till next time!!!

(-emoavegirl)...

HE's My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon