-Rc Pov-
Dahan-dahan sila sa paglabas ng kuwarto pero pagdating nila sa sala ay na-freeze silang dalawa nang makitang nakaupo si Lenard sa sofa.
Kung hindi lang tinakpan ng kamay ni Cedrick ang bibig niya ay napasinghap na sana siya.
Umiling ito at itinuro ang pinsan nito na nakatayo na pero hindi parin umaalis sa kinaroroonan.
Umawang ang mga labi niya nang maglakad ito patungo sa kanila.
Nagtaka siya dahil nakapikit ito.
Naramdaman niya na nagpipigil na tumawa si Cedrick sa kanyang likuran.
Hinila siya nito para gumilid at magbigay ng daan sa pinsan nito na nag-i-sleepwalk pala.
Dumiretso ito sa pinto ng kuwarto niya at binuksan nito iyon."Ang walanghiya!nanggigigil na anas niya kay Cedrick.
"Hayaan mo na'-nakangising bulong nito sa kanyang tainga,dahilan upang magsipagtayuan ang mga balahibo niya sa batok.
Bago pa siya makahuma ay hinila na siya nito palabas ng bahay.
Ini-lock nila ang pinto at saka sila bumunghalit ng tawa palabas ng gate."Hindi mo pa nakikita 'yon noon?-cedrick
"Naikuwento na sa akin ni Lerech minsan";natatawang sabi niya habang nagmamadali silang bumaba.
"Pero hindi ko akalain na ganoon pala talaga siya.As in lakad kung lakad!hindi man lang nagising saka kung sakaling nando'n pala ako sa kuwarto bigla na lang siyang hihiga doon?--Rc
"Oo;kuwarto niya iyon dati eh!;natatawa ring sabi nito.
"Ahhh"!!!-rc
"Baka napanaginipan niya na sa sala siya nakatulog kaya papasok siya sa kuwarto niya.
Nangyayari lang iyon kapag familiar siya sa lugar na tinutulugan niya.
Kung hindi,hindi siya magkakaganoon.
Dati nilalagyan ko ng padlock ang pinto ng apartment namin para huwag siyang makalabas"---Cedrick"Bakit?Ano'ng ginagawa niya sa labas?curious na tanong niya.
"Isang beses,sumakay siya sa elevator.Buti lang at nagising siya.
Nagtaka pa siya kung bakit nasa elevator na siya." Tumawa uli ito.
"Weirdo talaga iyon eh.Hindi siya puwedeng mag-isa sa apartment.Pagkatapos niyon iniiba-iba namin ang arrangement ng mga gamit sa bahay once a month para sakaling mag-sleepwalk siya eh mababangga siya.O kaya inilalagay ko 'yong mismong sofa sa harap ng pinto ng kuwarto niya''... -cedrickNatatawang umiling siya.
"Mabuti na lang pala at hindi niya ginagawa iyon kahit saan'-Rc'Isipin mo na lang kung makakatulog siya stakeout'-sabi nito.
Nagtawanan uli sila.
Pagdating nila sa ground floor ay sinenyasan siya nito na tumahimik at sinilip nito kung saan ang mga guwardia.Hinawakan nito ang kamay niya at saka hinila siya patakbo sa gilid ng gusali.
Umikot sila sa side entrance ng restautant na nasa loob mismo ng building.
Walang nakabantay na pulis doon dahil may mga guwardiya naman sa loob ng gusali.Dali-daling binuksan ni Rc ang swing glass door at pumasok sa loob,hila-hila si Cedrick.
KAHIt sa dilim,memorized na niya ang layout ng restaurant.
Ipinagpasalamat niya na sarado ang metal roll-up doors na nakaharap sa kalye kaya hindi sila makikita ng mga pulis.
Dumiretso silang dalawa sa kusina.
Hindi nila binuksan ang ilaw dahil baka mamataan sa labas ng back door ang liwanag.
Inilabas niya ang penlight at saka sila dumiretso sa locker room.
Tiningnan niya ang mga gamit ni Bryan.
Walang naroroon maliban sa isang spare uniform nito.,alcohol,at cologne.But that would be too obvious for a hiding place."Wala rin dito...."sabi ni Cedrick na tiningnan din ang mga gamit ni Dong.
Nag-isip siya.Kung siya si Bryan,pipili siya ng isang lugar doon na puwedeng pagtaguan na hindi mapaghihinalaan.Dali-dali siyang dumiretso sa stockroom.Puno ng ilang crate ng mga ingredient,condiment,at iba pa.
Binuksan ni Cedrick ang malaking walk-in freezer na nasa dulo at pumasok doon.
Tiningnan niya ang mga saku-sakong harina,asukal,at mga kartoon ng imported chocolates.
Binuksan niya ang kahon at sinilip ang laman niyon.
May naka-bag na mga chocolate chip at powder cocoa sa loob.
Sa ilalim ay may nakapa siyang plastic bag na parang may papel sa loob.
Ipinasok niya ang kanyang kamay sa gilid ng box upang mahawakan ang plastic at hinila iyon palabas..."Cedrick.!!!...' -Rc
Binuksan niya ang plastic,saka ang paper bag na nasa loob niyon.
Napalunok siya sa nakita.
NAglalaman iyon ng mga naka-pack na tig-ilang gramo ng ipinagbabawal na gamot.
Kung susumahin niya ay aabot ng halos isang kilo ang mga iyon."Rc! ;tawag ni Cedrick mula sa freezer.
Lumapit siya rito pagkatapos ay nanlaki ang mga mata niya sa hawak nitong ziplock plastic bag na mukhang frozen.
Naglalaman iyon ng ilang bungkos ng pera."Kaya pala bumalik siya rito;sabi niya,;Eto pa'ipinakita niya rito ang natuklasan niya saka niya naamoy ang paper bag.Nanlaki ang mga mata niya...
'Cedrick, amoy-isda.'-Rc
Umiling-iling ito.'siyempre,pulos isda ang laman ng freezer.'- cedrick
"Sira!itong paper bag kako ang amoy-isda."ibinigay niya iyon dito.
Inamoy nito iyon.'Oo nga"-His face lit up"Ang supplier ng isda ang nagbibigay sa kanila"-he kissed her hard on the lips..."Ang Galing Mo!:-cedrickBigla silang nakarinig ng mahinang pagkalabog sa labas.
Pinatay agad niya ang hawak na penlight.
Hinila siya ni Cedrick papasok sa walk-in freezer,sabay sara ng pinto.
Napaungol siya sabay sandal ng ulo niya sa dibdib nito."It's okay.Huwag kang umiyak'alo nito habang hinahaplos ang buhok niga.
"I'M NOT CRYING''hinampas niya ito sa dibdib.
"Isinara mo ang pinto.Hindi tayo makakalabas dito!*-RcNapangiwi ito."safety release handle?'-Cedrick.
"Sira!Sa makalawa pa pupunta ang mag-aayos nito.:-Rc
Huminga siya nang malalim at saka sinuntok ito sa dibdib.
'Nakakainis ka.Paano na tayo?Hindi ko pa naman dala ang cellphone ko'-rc
"EMERGENCY BELL?-mungkahi nito bahagyang nakangiti.
Napabuga siya ng hangin.'magpapahuli lang naman pala tayo,sana hindi na tayo nagtago.'-rc
"Pero at least pulis ang magbubukas hindi kriminal'nakangising sagot nito.
"Gag*!;sikmat niya rito.'ang lamig ng.legs ko.Buti pa ang iba diyan nakapantalon.:-Rc
Natatawang niyakap siya nito.
He was warm at least.'Paglabas natin dito,mag-hot choco tayo; -cedrick..
Tumingala siya rito.'gag* ka talaga n0?-rc
He grinned and kissed her lightly on the lips then grinned again.
"Ready ka na sa rescue at kahihiyan?-cedrick
'Oo,mas okay na 'yon kesa sa hypothermia at carbon dioxide poisoning'-Rc
"Amen! -cedrick
Akmang hihilahin nito ang lever ng safety bell nang biglang may nagbukas ng pinto mula sa labas.
Mabilis siyang hinila nito papunta sa likuran nito at saka sila dumikit sa isang shelf sa gilid ng pinto.
Bumilis na naman ang tibok ng puso niya,lalo na nang ilabas nito ang baril nito.
Natutop niy ang kanyang bibig nang may sumungaw na baril sa pintuan ng freezer.Pinigil niya ang kanyang paghinga,nakikini-kinita pa niya ang hitsura ni dong habang nakabulaga ito sa sidewalk.
Nang lumitaw ang braso ng may hawak ng baril ay agad napabuga ng hangin si Cedrick.
He seemed to sag against the shelf.
Nakilala rin niya kung sino ang may-ari ng kamay dahil sa suot nitong relo."Thank you God!
"Lenard!tawag ni Cedrick.
Sumilip agad si Lenard sa loob ng freezer."Anak ng pu-----Ano ba kayong dalawa?Ano'ng ginagawa n'yo rito?
'Nagpapalamig lang kami.;sobrang init eh"-papilosopong sagot ni Cedrick.
Binatukan ito ng pinsan nito....
(A/N Opppsss last two chapter ending will be soon...thank you po!.....)
→→→→LENARD & CEDRICK on media....
-Minreille_Jyh89-
BINABASA MO ANG
HE's My Man
RandomEmotional Romance Action LoveStory Jung Yong Hwa-as Cedrick Regina Rein Yonghwa-As RC -emoavegirl-