-RC POV-
Ramdam niya ang tensiyon sa loob ng sasakyan.
Ngayon ay nahuhulaan na niya kung bakit biglang sumulpot sa buhay niya si Cedrick."Kung iyon nga ang pangalan ng hudyo,"..sa loob-loob niya.
Pero naisip niya na siguro ay totoong pangalan nito iyon dahil hindi naman siguro magsisinungaling si Lerech sa kanya.Ikinuyom niya ang kanyang kamay nang maalala ang kaibigan."Ang bruhang 'yon!Malaman ko lang na may kinalaman siya rito,kakalbuhin ko siya!
"May pamilya ba si Dong?tanong ni Cedrick kapag-kuwan.
"Sa natatandan ko wala.Patay na ang nanay at tatay niya.Nag-apply siya last year inirekomenda siya ni Bryan."napatitig siya kay Cedrick sa realisasyon.
Tumango ito.'Anong nangyari?
"Ang sabi ni Bryan;malayong kamag-anak daw niya si Dong kaya tinanggap ko.Wala akong naging problema sa kanya.Ano ba ang nangyari? -Rc
"Iniimbestigahan namin siya sa drug trafficking"deretsang sagot nito."may hinala si Lenard na ginagamit nila ang restaurant mo sa mga illegal nilang gawain" - Cedrick
"Ano!!!!?Hindi makapaniwalang bulalas niya "Paano nila magagawa iyon?Mukhang hindi naman adik si Dong at lalong si Bryan" - Rc
He gave her a meaningful look."Rc hindi kailangang adik ang isang tao para makapagbenta ng droga. -Cedrick
'Hindi ko lubos-maisip na gagawin iyon ni Bryan"depensa niya."Mabuti siyang tao.Hindi niya inabandona ang kapatid niya na maysakit" -Rc
Sinulyapan siya nito."Mayaman ba sila? - Cedrick
"Hindi naman.Successful siyang chef pero hindi sila mayaman.Wala na silang mga magulang at si Bryan na lang ang nagtratrabaho para maipagamot ang kapatid ni---------"
Napatitig siya rito at may na-realize na naman siya.
''Oh!⊙▽⊙ - RC
"See?Nakita mo na ngayon kung saan napupunta ang pera kung sakaling totoong nagbebenta sila ng dr*ga.Baka kaya nasangkot si Bryan doon ay dahil kailangan niya ng pantustos sa pagpapagamot ng kapatid niy" - Cedrick
Napamaang siya."Bakit hindi ko nalaman 'yon? - RC
"Hindi dahil sa kapabayaan kaya hindi mo nalaman ang bagay na iyon.Ginagawa mo ang trabaho mo at nagtitiwala ka sa staff mo.Overworked ka nga eh! Masyado kong workaholic.Sa pagkakaalam ko wala kang social life walang barkada maliban kay Lerech at walang boyfriend - Cedrick
Nainis siya sa mga sinabi nito dahil sapol siya roon.
"Ang kapal mo ha!Wala kang karapatang pagsabihan ako tungkol sa buhay ko" - RC
"Nagsasabi lang ako ng totoo" - Cedrick
"At talagang sumasagut-sagot ka pa!nanlilisik ang mga matang bulyaw niya rito."Hindi mo ako kailangang pagsabihan"....- RC
She was a successful woman.
Kilala siya bilang magaling na chef.
She owned half of the apartment she lived in at may nabili na siyang lupa sa isang high-end subdivision na ngayon ay kasalukuyan niyang pinag-iipunan para mapatayuan ng bahay.
She was doing well for herself and she didn't need some man to tell her what she was lacking.It hurt her pride."FYI, Lahat ng naabot ko ngayon ay dahil sa sarili kong sikap at dahil na rin sa tulong ni Lerech.
Namatay ang Papa ko noong nasa First year college ako at nakipagrelasyon ang mama ko sa ibang lalaki.Ayaw na nila akong pag-aralin at sinabihan akong maghanap ng trabaho dahil ayaw nila ng palamunin."hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya kapag naiisip iyon.Galing siya sa isang middle-class na pamilya sa San Alfonso Quezon.Ibang klase ang mama niya,hindi ito magiliw sa anak at hindi rin ito nabubuhay na walang lalaki.
Buong buhay niya ganoon na lang ang takot niya na matulad siya dito.
Umalis siya sa bahay nila nang magkaroon siya ng perang pambayad para makapag-bedspace sa boardinghouse sa kabisera.
Mas ginusto niya iyon kesa tumira sa bahay kasama ng iba't ibang lalaki ng ina niya----na ang iba ay pinagbalakan pa siya ng masama."Sa BakeShop ng mga magulang ni Lerech ako nagtrabaho.Mahilig si Lerech sa matamis kaya lagi siyang pumupunta roon.Doon kami naging magkaibigan.Pinakiusapan niya si Sir Mon na pagtapusin ako ng pag-aaral at hindi naman tumanggi ang Papa niya"she remembered the old man fondly.Tuwing nasa Pilipinas ito hindi nito nakakaligtaang magpagawa ng devil's food cake sa kanya.
"Kung wala man akong boyfriend hindi malaking kawalan sa akin iyon.At ano ngayon kung iisa lang ang kaibigan ko?Wala akong pakialam dahil napakabait at napakagaling niyang kaibigan.Hindi mo alam ang pinagdaanan ko kaya wala kang karapatang pagsabihan ako" - Rc.
He winced-----just a little.Kung hindi niya ito tinitigang mabuti marahil ay hindi niya mapupuna iyon.
But she did.And she was a little satisfied to see it.
Napatingin siya sa mga kamay niya na may kaunting bahid ng dugo,saka niya na-realize na nanginginig pala ang mga kamay niya."Dugo ni Dong....naisaloob niya.Napatitig siya sa mga braso at kamay ni Cedrick na nakahawak sa manibela.Bumalik sa kanyang alala ang mga nangyari.
Sa harap mismo ng kanyang restaurant binaril ang delivery boy niya na mukhang involved sa drug trafficking.Hindi lang iyon suspect din ang isang chef niya."Dios ko!Paano kung magsara ang restaurant dahil sa nangyari?
Na-guilty agad siya dahil nauna pa niyang inisip ang kapakanan ngrestaurant kesa sa namatay niyang tauhan at sa posibleng kapahamakan ni Bryan.But she couldn't help it.
The restaurant was everything she had.Siguro nga kung magsasara o malulugi iyon makakahanap siya ng trabaho sa ibang lugar."Kung ano man ang iniisip mo tigilan mo na!"sabi nito."Kung galit ka sa akin bibigyan kita ng pagkakataong suntukin at sipain ako mamaya.Kung ano man ang ibang ipinag-aalala mo huwag mo munang isipin iyon ngayon.Hindi ko kailangan ng babaeng hysterical at nawawala sa sarili sa isang crime scene" - Cedrick
"Hindi ako hysterical!" -Rc
"Hindi?Kaya pala mukhang maiiyak ka na!"nang- aasar na sabi nito.
'I'm not crying!paangil na sabi niya.
"Really ahhh?Namumutla ka eh.Iwan na kaya kita rito!Baka himatayin ka pa doon eh"... - Cedrick
"Kung hindi lang tayo mababangga susuntukin na kita"banta niya rito.
"Good.Pagbibigyan kita mamaya" - Cedrick
Nang mapatingin uli siya sa mga kamay niya napuna niyang tumigil na sa panginginig ang mga iyon
Napatitig siya kay Cedrick.Relaxed na relaxed ito habang nagdra-drive...
BINABASA MO ANG
HE's My Man
DiversosEmotional Romance Action LoveStory Jung Yong Hwa-as Cedrick Regina Rein Yonghwa-As RC -emoavegirl-