"DONG!Bilis!Tingnan mo to!
Napatingin si RC sa pinto ng opisina niya nang tawagin ni Cedrick si Dong.
Kasalukuyang naghuhugas ng mga plato ang huli.
Mukhang excited si Cedrick sa kung ano.
Hindi pa siya nakaka-recover mula sa paghawak nito sa kamay niya.
Okay lang sana kung hinawakan lang siya nito pero hindi.
Sinalubong nito ang tingin niya habang nag-uunahan sa pagtibok ang puso niya.
Misteryosong ngumiti ito sa kanya like he had discovered something and was keeping it a secret.
Nag-aalala siya na baka nahulaan na nito na crush niya ito.
lahat ng acting skills niya ay hinugot niya mula sa baul ng pagkatao niya para lang maging passive at huwag manlupaypay nang dahil sa nakakawindang na ngiting iyon."Ano ba 'yon?tanong ni Dong habang nagpupunas ng kamay sa suot na apron.
Lumapit ito kay Cedrick."Naalala mo 'yong pinag-deliver-an mo kagabi?Yong kapitbahay n'on pinatay!Nandiyan sa new's oh!
Narinig niya na sagot ni Cedrick.
Hindi lang siya ang nakarinig niyon dahil nagsipagtakbuhan ang iba pang staff patungo sa opisina para makinood ng balita."Tingnan mo nga naman...pulos UZI grabe"
Sumulyap siya kay Bryan na seryoso sa paghihiwa ng sibuyas.
"Oy baka maiyak ka na diyan!
Ngumiti ito nang bahagya,saka kumurap-kurap.
"Naiiyak na nga"
Tumingin uli siya sa pinto ng opisina niya.
Maingay ang mga nasa loob niyon."Hoy!Bilisan niyo riyan at may naghihintay na mga customer!
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas narin ang mga ito at nagsibalik na sa kanya-kanyang trabaho.
"Daryl table seven!tawag niya sa isa sa mga waiter pagkatapos niyang gawin ang chicken panini with potato salad.
"Ma'am grabe talaga----as in!sabi nito nang kunin ang pagkain.
Na-cuRious siya."Ang alin?
"Itanong niyo kay Cedrick Ma'am!-nakangiting sagot nito.
Napatingin siya kay Dong na mukhang problemado nang dumaan ito sa harap niya.
Bumalik ito sa paghuhugas ng pinggan."Dong....Dong...Tawag niya rito.
Tila noon lang siya niyo narinig.
Ma'am?Ahm....Ma'am puwede po ba akong mag-break?Tumango siya.Due na nga ito for a fifteen minute break.
Mabilis na nagtungo ito sa locker room pagkatapos ay nakita niyang lumabas ito sa back door ng kitchen.Paglingon niya sa pinto.,papalapit na sa kanya si Cedrick.
"Tungkol saan 'yong ipinakita mo sa kanila?naku-curious na tanong niya rito.
Sumandal ito sa counter."Yong isang nagpa-deliver sa atin ng kagabi suspect sa pagpatay sa kapitbahay niya."
Nagulat siya'Paanong nangyari iyon?Saka malay mo hindi siya yong tinutukoy sa balita.
"Siya talaga 'yong main suspect.Alam ko ang address dahil nabasa ko kagabi sa order form.
Muntik nga na ako ang mag-deliver n'on eh.Pumalatak ito,tapos ay pumikit."Na-miss ko ang chance na makita ang killer""At plano mo pang makipag-friends sa kanya gano'n?nakataas ang isang kilay na tanong niya
WEIRdo talaga ito."Anong nangyari kay Dong?Bakit parang tense na tense?
"Ah- 'yon?Bale-walang iwinasiwas nito ang kamay nito.
'Wala 'yon.Nag-aalala lang 'yon dahil baka daw damputin siya ng mga pulis.Ang sabi ko wala siyang kinalaman sa nangyari kaya kung hahanapin siya ng mga pulis for questioning lang 'yon.'
Kaya pala mukha siyang problemado tinakot mo siguro"inabot niya ang isang sibuyas at nagsimulang maghiwa para sa isang order ng beefsteak.
"Hindi ah!Saka wala naman siyang ginawang masama kaya kahit takutin ko pa siya,wala naman siyang dapat ikatakot."
"Pero mukhang ninerbiyos"natatawang puna niya sabay baling kay Bryan.
"Di ba Bryan?Si Dong talaga oo!umiiling-iling siya.Ngumiti lang si Bryan.
'Hoy Cedrick"Baling uli niya rito.
'Tingnan mo siya sa labas at baka hinimatay na 'yon sa nerbiyos""YES BOSS!"Mabilis na tumalima ito.
"Pagkatapos ay umuwi ka na.
Pampasikip ka lang dito sa kusina wala ka namang ginagawa.Nang makalabas ito saka lang niya na-realize na ipinapakita niya sa lahat ang familiary nilang dalawa.
Sa sobrang pagiging at-ease niya rito nakalimutan niya na iilang araw pa lang silang magkakilala----- at empleyado niya ito.
She knew it was because they spent to much time together at work.,pagkatapos ay magkasama rin sila sa bahay kaya ganoon.
Mabuti na lang at sinabi niya na magkaibigan na sila nito from the start dahil siguradong magiging simula pa iyon ng tudyuhan sa trabaho."Ang pinoproblema mo lang eh hindi nila alam magkasama kayo sa bahay"sabi niya sa sarili.
Mapagkakatiwalaan ba niya ang mga guwardiya sa building na hindi ipagsasabi ng mga ito ang bagay na iyon sa kanyang staff?Sa naisip ay ngalingngaling tampalin niya ang sariling noo kung hindi lang puno ng olive oil ang kamay niya.
Siyempre ia-assure siya ng mga guard
Pero lalabas at lalabas parin ang mga kuwento.
Kailangan nila ng defense strategy bago magsimula iyon."Cedrick suggestion was the easier and simplest one to say that they were'living together'.Kung sasabihin niyang doon lamang ito tumitira sa kanya dahil pinatira ito roon ni Lerech,paghihinalaan parin sila.
Baka mas 'CREATIVE"pa ang lumabas na mga kuwento dahil para silang may itinatago.
Napabuga siya ng hangin sa sobrang frustation.
NAtalo na naman siya ni Cedrick!***-----********---**-**------******---**
(A/N eyyy!another update!sorry maikli lang sakit sa kamay at batok ang magsulat keke!
What do you think?
Kasangkot kaya si Dong sa nangyaring pagpatay ng isang costumer na nag-order sa.restaurant ni RC?
At sino kaya ang pinakapangulo sa nangyayaring bentahan ng mga drugs?
At ang pag-ibig na nabubuo sa dalawa sating mga bida ano.kaya mangyayari?
Hahantong kaya sa happy ending?
Or sa isang kalungkutan.?Till next chapter!
*-emoavegirl-*)
BINABASA MO ANG
HE's My Man
RandomEmotional Romance Action LoveStory Jung Yong Hwa-as Cedrick Regina Rein Yonghwa-As RC -emoavegirl-