Kabanata 5

496 15 5
                                        

Kabanata 5

"Puwede mo naman akong pagsabihan! Bakit mo pa ako hinawakan?" I hissed.

Mukhang natigilan si Demetrio sa sinabi ko. He backed away and his eyes widen a bit.

"Uh… sorry. Hindi na ako nakapag-isip."

I rolled my eyes at hindi na nagpatuloy. Nabuburyo na ako na nasa tabi ko siya. Sana matapos na 'tong oras namin dito sa subject namin na 'to.

"Tapon mo na?" maya-maya na tanong ni Demetrio.

Tapos ko nang isulat sa iPad ang mga questions na nagawa ko. Sinulyapan ko ulit ang questions at bumaling kay Demetrio. I nodded my head. "Oo tapos na."

"Can I see? Ako na lang ang pipili ng questions natin. Uh… do you want to write our report in a manila paper?" Lumukot ang mukha ko kaya gano'n na lang ang pag-panic ni Demetrio. "It's okay if you don't like to write. Ako na lang ang gagawa," agap nito.

"Bakit sa manila paper? Is making a powerpoint not allowed?" I asked. Totally lost because I didn't pay attention to our class.

Umiling ang ulo ni Demetrio. Yumuko ito at pinagkakaabalahan ang ballpen niya at papel. "Our teacher prefers manila paper. She already said it to our class na mas mainam kapag nasa manila paper kasi kinukuha niya agad ang visual aid after the reporting."

Dahan-dahan kong nakuha ang sinabi nito

 Also the past reporters made their report in a manila paper. "Okay. Is it okay na ikaw ang susulat?" tanong ko rito.

"Yes. It's okay with me."

"Okay. I'm gonna buy the manila paper and pentel pen that you'll be using later. Ibibigay ko na lang sa'yo."

Nang mag-lunch na ay lumabas na ako sa room. Kanina natapos ang meeting namin ni Demetrio na pareho kaming tahimik sa lumipas na mga minuto hanggang sa tamang oras para sa bagong subject. Hindi na kami nagsalita matapos kong sabihin sa kanya na ako na lang ang bibili ng materials namin.

Namataan ko si Tobias pagkalabas ng room na nakasandal sa railings. Nakakunot ang noo nito at ang mga mata ay nasa loob ng room nina Uella.

Tumabi ako sa kanya at sinundan ang tingin nito. Naglilinis pala ng room si Uella. Pero meron itong isang kaklase niya na lumalapit sa kanya at kinukulit ito. Napangisi ako.

"Papahintuin mo?" tanong ko.

Bigla itong napatingin sa akin. Nagulat pa nga dahil bigla na lang ako nagsalita sa tabi niya.

"Kanina ka pa?" tanong niya matapos tumikhim.

Umiling ako. "Kakarating ko lang."

"Ano'ng pangalan no'ng lalaki?" he asked.

Pinasingkit ko ang mata at tiningnan ang loob ng room nina Uella. The guy is familiar. One swift gaze from Uella outside the room, the guy follows.

"It's Rafael," I said.

"Okay."

"Ano'ng gagawin mo sa kanya?"

He chuckled. "Wala naman."

Which I doubt.

Natapos si Uella sa paglilinis. Nakaalis na rin si Rafael. Kasama nito ang mga lalaking kaibigan nang lumabas ng room.

Masama ang titig ni Tobias sa kanila hanggang makapasok si Rafael sa Secret Canteen. Natawa naman ako.

Agad kaming pumunta na tatlo sa Cafeteria. Kumpleto na ang mga pinsan ko at kaming tatlo na lang ang hinihintay.

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon