Kabanata 15

410 15 8
                                        

Kabanata 15

"Hold your banana!" sigaw ni Maia, ang boses nito ay buo, malalim, at may pag-uutos.

I gritted my teeth when she walked straight to the shade of a tree. She let us stand under the scorching heat of the sun when she's enjoying her life chit-chatting to some of her mates!

Hindi ko magawang gumalaw o magreklamo lang man! We are in formation right now and I can't speak about our situation! Ang init-init na. My classmates are also growling under the sun's heat but Maia is not reacting!

Hinahayaan niya lang kaming magpakasunog dito sa ilalim ng mainit na araw at siya ay nasa ilalim ng puno at nagpakasasa sa lilim nito!

"Bigyan mo sila ng ilang minutong break," sabi ni Boris. Tinaas niya ang kamay at ginawang panangga sa araw. How I wish I could do that too! Pero ni galaw ay bawal!

"Hindi. Hindi puwede at hindi na naman sila nagsabay kanina sa ibayong dalang tuntun kanan," wika ni Maia at nilibot ang tingin sa amin ng mga kaklase ko.

"Tapos na si Demetrio sa Hyacinth. Susunod na siya at kapag nalaman niyang hindi mo binigyan ng break ang Chrysolite, ikaw ang malalagot, Mai."

"Huwag niyang pakialaman ang tinuturuan ko. Hindi ko naman siya pinapakialaman sa Hyacinth, ah?"

"E, mas marami pa ang binigay mong parusa rito sa Chrysolite kaysa sa mga dapat nilang matutunan. Practice teaching them and not giving them punishment. They'll grow lousy even if you don't want it. Hindi 'yan magiging snappy kapag hindi mo sinanay," si Boris.

Hindi nagsalita si Maia. She again watched our formation. Humawak pa ito sa parehong baywang at nilipat ang bigat sa kabilang parte ng katawan.

My eyes instantly looked at the man nearing Maia's place. Agad ko ring inalis ang tingin sa kanya at tumingin ng tuwid.

Hindi malayo ang puwesto ni Maia, Boris at Demetrio kaya rinig na rinig namin ang mga pinagsasabi nila.

"Kanina pa 'to?" boses ni Demetrio ang narinig ko. I fought myself not to look at him and only looked at my girl classmate's head in front of me.

"Ayaw bigyan ng break ni Maia," si Boris.

"Bakit?"

"Mali parati ang ginagawa nila. Ang dali-dali lang sundin ng sinabi ko pero marami pa rin ang nagkakamali sa kanila," si Maia.

"Ang higpit mo sa kanila." He tsked. "Ako muna sa kanila. Lalaruin ko lang."

"Silang lahat ba ang lalaruin mo? Baka 'yung isa lang, ah. Napaghahalataan ka pa naman na mayroong favoritism," si Boris.

Narinig ko ang malalim at mahina na tawa ni Demetrio. Tumikhim din ito bago nagsalita. "Sana lahat favorite… Hindi ako pinili, e."

"Aw. Ang sakit naman n'yan. May pinanghuhugutan."

Napalunok ako. Nagpaparinig ba 'to? Natalo ako ng sarili ko kaya mabilis kong tiningnan si Demetrio only to find out that he's looking at me! Gulat at nanlaki ang mata kong binalik ang tingin sa ulo ng kaklase na nasa harap.

"Defensor, attention!" sigaw ni Maia.

Bahagyang nanginig ang katawan ko. She saw my furtive glances at Demetrio and she yelled my name because of it! Lahat na lang ng mga galaw ko ay napapansin niya! Maybe she's always looking at me! Hinahanapan niya ako ng mali para parating matawag!

"Ako na, Maia," mahinahon ang boses ni Demetrio ngunit mahahalata mo roon ang paglalaro.

"At ease!" Nagpakawala ako ng malalim na hininga at naibaluktot na rin ang katawan. "Tumiwalag! I want you to get your handkerchief at the count of ten. One! Two!..."

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon