Thank you for reading up to this point. I really loved Eanne and the Defensors. Hoping that I could see them in Nasyo's ground, more specifically at the cafeteria once I got to visit my old school. Hihi.
Wakas
Nagulat ako dahil biglang lumapit sa akin si Boris. Lagot ito kapag nakita siya ng officer namin! Ang hilig-hilig ba naman na magbigay ng tsismis sa akin kahit na mayroon kaming duty!
"Pst! Demetrio!" bulong nito at patuloy ang nakaw na paghakbang.
Kahit na maingay ang buong Iloilo Sports Complex dahil sa mga larong nilalaro ng ibang estudyante at mga sigaw na naghahalo ay narinig ko ang tawag nito sa akin na pilit kong hindi pinapansin. Kapag kami nahuli! Ayaw na ayaw ko nang parusahan dahil masakit na ang katawan ko.
Mas ayaw ko rin na makakuha ng parusa dahil ginawa akong katatawanan ng kasama ni Kirk! Minsan si Kuya rin ang umuutos sa kanila na dagdagan ang parusa ko dahil masaya ito kapag nakikitang akong naghihirap.
"Bumalik ka na sa puwesto mo, Boris," saway ko.
Ngumisi ito at umiling. Lumapit sa akin si Boris. Nilibot ko ang tingin sa bleachers na nasa likod ko at sa ilalim ng grandstand, wala akong nakitang nakakulay itim na CAT.
"Bilisan mo! Walang officer dito sa puwesto natin!" utos ko.
Kinibit balikat ni Boris ang sinabi ko. "Hindi ka naman napapagalitan. Kuya mo naman si Kirk. Puwedeng-puwede mo silang pagsabihan."
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Tumingin ako sa malapad na field at inaaliw na lang ang sarili sa mga naglalaro roon. Babae ang naglalaro ng football. Ka-batch pala namin ang naglalaro dahil sa kulay blue na PE uniform na suot nila at ang kontra ay nakapula, mga fourth year.
"Defensor!"
"Defensor!"
"Defensor!"
Napatingin ako sa likod kung nasaan ang bleachers. Sino ba 'tong Defensor na sinisigaw nila? Nagpatuloy ang pagsigaw nila sa apelyido na 'yon. Napapailing ako nang binalik ang tingin sa harap. Sa lahat ng sinisigaw ng mga estudyante, ang Defensor na apelyido ang naririnig ko. Sa tingin ko ay isa iyon sa manlalaro pero hindi ko alam ano'ng laro ito'y napabilang.
"Boris," tawag ko sa tabi ko.
"Ha?" anito habang ang mga mata'y nasa harap. Sinundan ko ang tingin niya at nakatingin ito sa field. Hindi sa baba namin kung nasaan naglalaro ang volleyball at basketball.
"Akala ko may ibabalita ka sa akin? Bakit ka pa rito kung wala ka naman sasabihin?" tanong ko na lang at nababakla na tanungin kung sino ang Defensor na sinisigaw ng mga estudyante.
"Ahhh... wala. Maganda ang view rito. Hindi kita sa puwesto ko ang naglalaro ng football dahil nakatabon ang ring ng basketball," sambit nito.
Tumango ako. Humarap na lang ako sa harap at patuloy na naririnig ang mga sigawan. Tiningnan ko ang mga naglalaro sa field. Kung sana ay pareho kami sa senior high na mayroong apelyido ang likod ng PE uniform, baka sana kilala ko na ang Defensor na sinisigaw nila.
Hindi ko alam bakit gusto ko 'yon alamin. Hindi ko alam. Bago lang sa pandinig ko ang apelyido na 'yon. Matagal na kaya ito sa eskuwelahan? O baka bago lang kaya hindi ko nakilala? Pero marami naman akong kilala rito sa amin. Marami rin ang nakakilala sa akin.
Napakurap-kurap ako nang biglang tumodo ang sigaw at ang pagsigaw ng apelyido na Defensor. Tiningnan ko ang field at mayroong babae roon na mahaba ang buhok at may pagkakulot din 'yon, umaalon.
"Ha?" I whispered. Mayroon amerikana na nakapasok sa school? Transferee ba 'to?
"Defensor!"
"Defensor!"
BINABASA MO ANG
Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)
RomanceSharp tongue. Unfavorable behaviour. Bad temper. That's what people would describe her - Euphemia Sannee Defensor. She's the black sheep, if someone would say. Wala itong pakialam sa mga sinasabi ng iba. Kahit na uminit ang ulo ng kapatid nito, wala...
