Kabanata 27

215 6 0
                                    

Kabanata 27

"Sinong kukuha sa mga beer?" tanong ni Sora sa amin ni Demetrio.

Kakatapos lang namin lagyan ng tela ang mga mesa na nasa veranda nila Demetrio. Ako ang naglagay ng tela at siya ang nag-ayos ng mga upuan sa mga lamesa.

Napatingin ako kay Sora na nakasilip sa pinto. Nakataas na ang dalawang kilay nito at naghihintay ng sagot namin.

"Kung sino ang bumili at nagdala ng mga no'n ay siya ring magdadala rito," sambit ko. Galit pa rin ako kay Chary dahil sa ginawa nito kanina.

"Ah, sige."

"Alam mo ang tungkol do'n?" I asked. Bumaling pa talaga ako ka Demetrio.

Tumingin ito sa akin at napakagat ito ng ibabang labi. Ngumisi ito. "Oo. Gusto ko sanang sabihin sa'yo pero sabi ni Zachary 'wag daw," sumbong nito.

"Alam mo, ang sarap niyong pag-untugin ng mga kapatid ko."

Humalakhak si Demetrio. Inusog niya ng maigi ang puting monoblock na upuan. Pinaikot nito ang braso sa likod ko. "Pabayaan mo na. Hindi naman 'yan mapaparami at mararami rin ang pupunta rito sa amin mamaya."

"Siguraduhin mo, Demi."

"Ako hindi mo 'ko pagbabawalan?"

"Pagbabawalan sa saan?"

"Sa pag-inom."

"I'm gonna drink too. Ayaw naman kitang pagbawalan sa mga ginagawa mo. But Demi, can you really drink? Baka hindi ka umiinom and you felt pressured because of my brothers. My brothers are the devil when it comes to drinking alcohol. Baka napilitan ka lang."

He shrugged his shoulders. "Nakainom na ako noon but I'm not a fan. Kaunti lang ang iinumin ko."

"Okay ako rin. Kung ano ang iinumin mo, 'yon din ang akin."

"Tubig doon sa floodway iinumin ko, iinumin mo rin?"

Sinamaan ko ito ng tingin. Lumihis ako at humarap sa ibang direksyon. Dahil nasa bandang pinto ako nakatingin, nakita kong lumabas si Tobias. Akala ko siya ang kukuha ng mga beer pero tumigil ito sa may bandang likuan at parang may katawagan sa cellphone. Maybe it was Audrey.

"Halika rito. Binobola ka lang, e." Dahil nakakapit sa akin si Demy ay madali lang ako nitong nahila. "Sama tayo sa pagkuha?"

"Is it okay with you?"

"Oo naman. Para hindi lang tayo rito. Mamaya pagkatapos natin makuha ang mga beer, punta rin tayo sa likod. Mas maganda ang hangin doon at marami ang mga puno," sambit pa nito.

"Then we can―"

"Bawal, Eanne. Nandoon sina Darko at Lucia," pagpapatuloy nito.

I pouted. Um-acting din ako na parang iiyak. Suminghot-singhot pa. "Edi huwag. Bahala ka sa buhay mo. Kapag ikaw naghanap, hindi ko rin ibibigay sa'yo."

"Sama kayo?" Our little fight was cut when Uella butted in.

Hindi ako nagsalita at agad na tumayo. Iniwan ko si Demetrio sa upuan nito pero natatawa itong sumagot kay Uella na sasama kami.

"Saan kayo?" tanong ni Tobias nang makita kami nito na papalapit sa kinatatayuan niya. Kakababa lang nito ng cellphone niya.

"Kukuha kami ng beers sa sasakyan mo, T. Sama ka. Magtutulong ka rin sa pagbubuhat," sabi ni Uella.

Ngumiti si Tobias at agad na nilapitan si Uella. He held Uella's hand at naunang maglakad.

"They're both weird," ani Toden nang makalayo na ang dalawa.

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon