Kabanata 22

231 10 2
                                    

Kabanata 22

"What are you talking about!" sigaw ko kay Uella.

Nagulat ito sa pag sigaw na ginawa ko. Nanlaki ang mata nito na umatras at iniling-iling ang ulo. Ramdam ko ang paghawak ni Demetrio sa braso ko pero hindi ako nagpa-awat. Nilapitan ko si Uella. Ang mga mata nito ay naluluha na.

"Euphemia," mababa ang boses at may pagbabanta na tawag sa akin ni Demetrio.

I calmed myself and tried to breathe three times. Pinikit ko ang mata at kinalma ang katawan.

"It's okay," he whispered. "It's okay."

When I slowly opened my eyes, those prying eyes of others welcomed me. Iba ang titig nila sa akin at sa tuwing napupunta ang tingin nila sa bandang itaas ng ulo ko, mababasa ang pandidiri roon.

I shook my hand para mawala ang hawak ni Demetrio sa braso ko. And when I was fully successful, I marched aggressively towards our room. Nandoon pa rin ang kumpol ng mga tao but when they saw I was approaching the door, they gave me way.

Sumalubong sa akin ang hindi mapakali na si Lucia. She was pacing back and forth in front of her bag. Nakasabunot na rin ang isang kamay nito sa kanyang buhok at natatakot.

Nilapitan ko siya. Napunta sa akin ang atensyon niya nang nakalapit na ako. "Eanne," basag ang boses na sabi nito.

I sported a serious look. Hindi ko tinapunan ng tingin ng ibang kaklase na nakatingin na rin sa akin. I don't want to see their accusatory look. Ayaw ko at alam kong gano'n ang titig na binibigay nila kay Demetrio.

"What happened?" I asked, voice serious.

"My phone is missing." Her hand shook when she grabbed mine to hold it tight.

"Do you have something important in your phone?"

Nanginginig ang katawan na tumango ito. "Oo."

"Sino ang nawalan ng gamit?!" sigaw ng presidente ng room. "Lahat ng Chrysolite, please go back to your seats. Check your belongings and if something is missing, please say it to me. Ililista ko ang mga nawalan sa blackboard. I'll report it to our adviser and to the guidance office, thank you."

"Go back to your seat. Mahahanap din ang cellphone mo, 'kay? Babalik lang ako sa upuan ko para ma-check ko rin kung may nawawala." Hindi gumalaw si Lucia sa kinatatayuan nito kaya ako na ang tumulong sa kanya sa pag-upo sa upuan niya.

Darko helped me. Nakalapit na pala siya. "Ako na rito. Tingnan mo na ang gamit mo at mukhang marami ang nanakaw sa classroom natin," sambit ni Darko nang nakaupo na si Lucia.

Ngunit hindi ako umalis. I looked at his face. "Do... you think it was him?" natatakot na ani ko. Darko looked at my face, weighing my emotions. Dahan-dahan niyang iniling ang ulo na naging pagkalma ng katawan ko. "I am not thinking of him too..." I murmured.

Bumalik ako sa upuan ko at hindi ko maiwasan na marinig ang bulong-bulungan ng ibang kaklase.

"Si Demetrio naman ang binibintangan."

"Bakit hindi ba? Siya lang naman ang kilalang magnanakaw rito sa atin."

"Kilalang magnanakaw pero hindi napatunayan."

"Tama. At kung magnanakaw nga talaga si Demetrio, edi sana hindi na lumalapit si Defensor sa kanya. Alam naman natin na masyadong tago at sikat ang pamilya nila. Ayaw marumihan..."

"Sa tingin ko hindi siya."

"Bakit?"

"Magkasama sila minu-minuto ni Eanne, e."

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon