Kabanata 50
Nang nakarating ako sa loob ng The Juans ay nahanap ko agad ang mga pinsan. Nauna na sila kanina rito. I think they're eating already dahil may mga plato sa kanilang lamesa. Mamaya pa sila siguro mago-order ng inumin kung nasaan gabi na at malamig na ang paligid.
"Nasaan si Demetrio?" tanong ni Sora nang tumabi ako sa kanya.
Ngumiti muna ako sa iba na nag-angat nang tingin para tingnan ako na bagong dating. Ang iba ay hindi pa napansin na nakarating na ako kung hindi pa nagsalita si Sora. Hindi rin kasi ako nagsalita agad.
"Yeah, saan si Trio?" si Toby na malayo sa akin.
Nasa harap ko naman si Lucia at Darko. Iba na agad ang tingin sa akin ni Lucia. Tingin na masama. I haven't told her what happened to me after I went to Barili, Cebu. Wala akong mahanap na tyempo para pag-usapan namin 'yon. Ayaw ko naman na through phone call or video chat dahil iba ang dating kung personal kong sasabihin sa kanya.
"Uh... He's in the car. Pinauna niya lang ako rito," sambit ko sa kanila "Sino pa pala ang wala rito maliban kay Demi?" tanong ko nang nilibot ng tingin ang mahabang mesa na inuukupa namin.
"Chary is still not here. He's mending his broken heart," si Sora habang ngumunguya.
"Nag-break na naman ba sila?"
Sora shrugged her shoulders and swallowed the food she's chewing. "Maybe. Kilala na naman natin si Chary. Don't be shocked if he's being played by her. Dapat lang 'yon sa kanya at ang dami niyang babae no'n."
Tumango ako. Sang-ayon sa sinabi ni Sora. If Mom is here, I know she will agree too. Hindi nga ako sigurado kung kilala pa nito ang mga babae na ipinakilala ni Chary sa kanya. Ako na nandoon din sa tuwing nagpapakilala si Chary ay hindi ko na matandaan ang halos lahat ng pangalan nilang lahat maliban sa isa, sa naglalaro sa emosyon ni Chary ngayon.
"Karma is faster than the struck of lightning," si Nova.
Ngumisi ako. "Bumabalik na sa kanya ang mga paglalaro na ginagawa nito sa mga babae noon. Masaya ako at pinaparamdam 'yon sa kanya ni-"
"Hey."
Nagulat ako dahil biglang sumulpot sa gilid ko si Demetrio. Hinawakan pa ako nito sa siko kaya buong akala ko ay ibang tao 'yon. Mas nauna pa kasi ang paghawak kaysa sa pagsalita!
"Nandito ka na?" I chuckled.
"Hindi mo ba siya nakikita?" si Sora.
Tumatawa pa rin ako nang mahina pero hindi ko na sinagot si Sora. Nang babalingan ko sana ang ibang pinsan para ipakilala ulit si Demetrio sa kanila dahil hindi ko 'yon nagawa noong pagdating ko mula Cebu ay nakita ko ang reaksyon ni Lucia.
She was gaping at Demetrio. Tinuturo pa nito ang kamay kay Demetrio na halatang gulat na gulat.
"Oh my. Kayo na ba ni Eanne? Kung hindi pa, akin ka na lang. Palit na tayo ng partner," si Lucia na mabilis sinaway ni Darko.
"Lucia!"
"What? You forgot our anniversary. Dapat lang may kapalit 'yon!"
"But you've done so many things already! Threatening me in any ways you knew. Is it not enough?"
"Sandali. Kararating ko lang at mag-aaway kayo agad?" awat ko sa dalawa.
Lucia crossed her arms over her chest and looked straight in front. She even pouted her lips at iniiwas talaga ang tingin kay Darko.
"May nangyari na naman ba?" tanong ko kay Darko.
Alam kong nakatingin sa akin ang ibang pinsan ko pati na ang mga kasama rin nila noong kakabalik ko lang mula Cebu. Hindi naman sila nagreklamo at mukhang aliw na aliw pa dahil nakikita ko silang ngumingiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/270081246-288-k866661.jpg)
BINABASA MO ANG
Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)
Lãng mạnSharp tongue. Unfavorable behaviour. Bad temper. That's what people would describe her - Euphemia Sannee Defensor. She's the black sheep, if someone would say. Wala itong pakialam sa mga sinasabi ng iba. Kahit na uminit ang ulo ng kapatid nito, wala...