Kabanata 31
"We should end the call," wika ni Demetrio nang humikab na ako.
Agad akong umiling. "No." I yawned again. "I want to talk with you more."
"No," puno ng seryoso na sabi nito. Pumungay rin ang mga mata niya at panay na ang kusot niya rito mula pa kanina. "We should end the call. Maaga at marami kayong pupuntuhan mamaya. Baka tulog ka lang nang tulog sa biyahe n'yan."
I groaned. "Demi, ayaw ko," maktol ko pa.
"Mata mo babagsak na."
I pouted.
Dahil parang bata akong maktol nang maktol kay Demetrio, pinayagan niyang magtagal pa kami ng isang oras. Pagkatapos ng isang oras ay agad din kaming nagpaalam sa isa't isa na mayroong bigat na nararamdaman.
I don't like this. Ayaw ko 'tong malayo ako sa kanya. Parang nasanay na ako na nasa iisang lugar lang kami at madaling mag kita kapag nami-miss na namin ang isa't isa.
"Shit! Puwede bang maiwan na lang ako rito? Masakit ulo ko," ungol ni Sora habang hawak ang ulo na nasa sofa. Nakabihis na ito kasi pinilit.
Napailing ako. 'Yan kasi, kagabi pa pinapatigil ayaw naman tumigil.
Umiling so Tobias. "Hindi. Dapat sasama ka. Dahil magkaibigan kayo ni Chary, magsama kayong dalawa at pareho kayong may hangover." Toby turned to face Chary who's also clenching his head using his hands. "Magdusa kayo sa ginusto niyo," dugtong nito at umalis.
"Here," si Ely at may binigay na gamot kay Sora. "Drink this. I'm gonna help you sa buong pamamasyal kung hindi mo na talaga kaya."
"Oh, thank you so much, Ely boy!"
We went to San Gennaro Catacombs and Castel Nuovo that day. Pagkatapos no'n ay sa mga stores na lang din kami tumungo pampatay ng natitirang oras at bumili ng mga pasalubonh. Pagdating sa bahay ay halata ang pagod sa aming lahat. Sora ang Chary went to their rooms.
Ang iba tulad nina Uella at Toby ay nagpaiwan sa living room. My grandparents and parents are in the dining. Nagre-ready sila ng kakainin mamayang gabi.
I wish it was already summer. Wala naman talagang gano'n kagandang atraksyon dito sa Naples. Most of the best attractions were in Rome, Florence, Milan, and such. But we only get to visit those places if it's summer 'cause we don't have the need to stay in our house here in Naples. Isa pa, winter dito kaya mahirap gumala. We're not used to this kind of cold.
Agad din kaming bumalik sa Pinas after the New Year. We still have class, which explains the sudden transfer back to the country. But I never missed buying some gifts for my friends and boyfriend.
Hinihintay ko na lang ito ngayon sa Study Park para kunin niya ang ibibigay ko.
"E, this is so pretty!" ani Lucia habang pinag-aaralan ang cameo necklace na binigay ko sa kanya. Nasa gilid lang nito si Darko at pinagkakaabalahan naman nito ang music box na binigay ko sa kanya.
"Matagal pa ba si Demi?" I asked Darko dahil hindi nito kasama si Demetrio sa pagpunta rito sa Study Park.
Nagtaas ng ulo si Darko at umiling. "Mabilis lang 'yon. Hintayin mo lang," sabi nito.
Tumango ako at tiningnan ang gilid ng Alumni Center kung saan ito dumadaan. A few minutes passed, I saw him walking. My face instantly lit up. Ngayon ko lang ulit siya nakita! Huli noong umalis kami papunta sa Italy.
Hindi ko mapigilan at agad kong tinakbo ang pagitan namin. He was also smiling when he spotted me. Para nga itong pumuti ng kaunti. Hindi nagpatuloy si Demi sa paglakad. Tumigil ito nang makita agad ako kaya tinapon ko ang katawan sa kanya at hinagkan ito ng sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)
RomanceSharp tongue. Unfavorable behaviour. Bad temper. That's what people would describe her - Euphemia Sannee Defensor. She's the black sheep, if someone would say. Wala itong pakialam sa mga sinasabi ng iba. Kahit na uminit ang ulo ng kapatid nito, wala...
